Zambales. Sa bahay nila. LUMIPAS ANG ISANG BUWAN. 4:00 PM. Hapon. Maingay ang buong bahay, pero ito ang ingay na masarap pakinggan ingay ng saya at tawanan. “Mommy! Daddy!” sigaw ni Luis habang tumatakbo papasok ng pinto. Lumapit agad si Jaira galing sa kusina. May kaunting harina pa sa pisngi niya dahil nagluluto siya kanina. “Ano ‘yan, anak?” “Birthday kuna po” sagot ni Luis, napapangiti nang malaki. "I’m turning 5!" Ngumiti nang malawak si Venus at ginulo ang buhok ng anak. “Big boy na talaga ang anak ko.” “First birthday with us,” bulong ni Jaira kay Venus habang nangingilid ang luha. “First birthday as a Mendoza.” Tumango si Venus at niyakap ang asawa. “We’ll make it the best. Promise.” “Yes!” tuwang-tuwang sigaw ni Luis sabay talon-talon. “Can I invite my whole class, Daddy?

