Sa bahay nila. Miyerkules. 6:30 ng umaga. Payapa na ang buong bahay. Wala nang baril na nakatago. Wala nang mga liham na nagbabanta. Wala nang Kael. Ang amoy lang ng mainit na pandesal at bagong timplang kape ang gumagapang sa bawat sulok. Sa kusina, naroon si Venus. Nakasuot ng apron habang abala sa pagpiprito ng itlog at hotdog para sa almusal. Sa kabilang kwarto, gumising na si Luis. Mabilis siyang bumangon at tumakbo palabas ng pinto. “Daddy! Mommy!” “Magandang umaga, anak,” bati ni Venus, sinalo ang anak at binuhat. “Masarap ba ang tulog mo?” “Opo!” masiglang sagot ni Luis. “Wala po akong panaginip na masama! Kasi nandito kayo sa tabi ko!” Lumabas naman si Jaira mula sa kwarto. Nakataas ang buhok at suot ang malaking lumang damit ni Venus. “Magandang umaga sa mga lalaki ko.” T

