Zambales. Sa bahay nila. 10:05 PM. Walang tigil sa pagtahol ang aso sa labas. Malakas at parang may inaamoy na kakaiba. Dahan-dahang bumangon si Jaira, sinigurong hindi magigising si Luis. Lumapit siya nang tahimik sa bintana at sumilip sa labas. Sa may tarangkahan, may nakatayong anino. Hindi gumagalaw, nakatitig lang nang diretso sa kanilang bahay. Nanindig ang balahibo ni Jaira sa takot. Agad kinuha ang cellphone “Marco,” bulong niya. “May tao sa gate. Pakitingnan mo.” “Papunta na po, Ma’am,” mabilis na sagot ni Marco. “Wala na po sila, Ma’am,” ulat ni Marco sa telepono. “Pero may iniwan po. Liham na naman.” “Ipasok mo rito. Mag-ingat kayo,” utos ni Jaira. 10:30 PM. Sa sala. Nanginginig ang mga kamay ni Jaira habang binabasa ang nilalaman ng sulat. “Silence, Ang bilis mong u

