Nakapulupot pa rin sila sa yakap, nakaupo sa lumang bangko. Basang-basa sa ulan at nanginginig sa ginaw, pero mahigpit pa rin ang hawak ng kanilang mga kamay sa isa’t isa. “Uwi na tayo,” marahang bulong ni Venus. “Baka magkasakit ka pa.” Umiling si Jaira. “Dito muna. Gusto ko rito. Dito mo ako unang tinulungan at iniligtas noon. At dito rin sana ako mapaniwala ngayon.” Tumango si Venus. Hinubad niya ang kanyang amerikana at binalot ito nang maayos sa katawan ni Jaira. “I will. Always.” Nanatili silang tahimik habang pinakikinggan ang tuloy-tuloy na patak ng ulan. “Bukas,” panimula ni Venus. “Magpapa-DNA test tayo.Upang maniwala ka nang lubos sa akin.” Tumingin si Jaira sa kanya. “Ngunit… paano kung sakaling lumabas na ikaw nga ang ama?” Huminga nang malalim si Venus. Mabigat at masa

