bc

Until You Are Mine (Tagalog)

book_age18+
8.0K
FOLLOW
33.9K
READ
playboy
arrogant
badboy
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Selene Villareal, didn't know her parents whereabouts. Nabuhay siyang mag-isa. Pinag-aral at itinaguyod ang sarili sa kanyang sariling mga paa.

Isa lamang naman siya sa mga ordinaryong babae na nangarap makatapos at magkaroon ng magandang buhay. Pero nang makabangga niya si Chaos ng The Dawn ang leader ng bandang kinahuhumalingan sa buong Trinity ay nagbago ang buhay niya. Pinaibig siya nito, ngunit nang malaman niyang mayroon itong ibang kasintahan ay ganoon na lamang ang pagguho ng mundo niya. At doon naman umeksena ang kaibigan ng binata na si Nicario "Nyx" Uytingco. At sa muling pagtibok ng kanyang puso para sa panibagong pag-ibig.

Handa na nga ba ang dalaga o naguguluhan lang ito dahil sa mga magagandang ipinapakita sa kanya ni Nyx?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
"Selene! gumising kana d’yan! Ano ba? Patatlong buwan mo nang hindi nagbabayad sa renta! Hindi kita pinapatira ng libre dito! Magbayad ka naman kung gusto mong patuloy na manatili rito!" Sigaw ni Aling Nena sa labas. Pilit niyang kinakalampag ang pintuan. Hindi parin ako natitinag. Kapag naman lumabas ako, mayayari ako sa mala-armalite niyang bunganga at my bonus pang sabunot! Diyos ko, Ano bang gagawin ko? "Diana! kuhanin mo nga ang susi at ayaw lumabas ng batang ito!" Bigla akong napabangon dahil sa kaba. Narinig ko ang pagsusi nila sa doorknob ko. At bago pa ako maka-aura ng alis ay nabuksan na nga nila ang pinto. Patay kang bata ka! "Aba, hija, may balak ka pa bang magbayad? Hindi naman ako bahay ampunan na puwede mong tirhan ng libre!” Nakapameywang na saad ni Aling Nena. "Aling nena. Konting palu--" "Hindi! Kung walang bayad! Aalis ka na." Nagdiretso siya sa cabinet ko at binato palabas ang mga damit ko. "Aling nena, Pakiusap. Pakiusap. Parang awa mo na h’wag mo akong paalisin. Wala akong pupuntahan." Pero parang wala siyang naririnig, patuloy parin siya sa pag-alwas ng mga damit ko hnggang maubos niya ang damit ko sa cabinet. Isa isa kong pinulot ang mga damit ko. Nakita ko si Diana na nakatingin sa akin. "Lumayas ka na! Hindi libre ang bahay ko!”Galit na wika ni Aling Nena bago ako lampasan. Inabot ko ang bag na nasa sahig at saka inilagay ang mga gamit ko. Parati na lamang na ganito, napakamalas ko talaga. Halos tatlong oras na pala akong naglalakad sa lansangan.Muli akong tumingin sa aking bulsa. Pag nga naman sinuswerte ka may limangdaan pa akong natira. Ang problema nga lang ay saan naman ako tutulog ngayon Wala ka na ngang pamilya, wala ka pang pera. Wala ka pang matirhan. Paano na ngayon? Umupo ako sa upuan sa isang park. My isang pamilya ang nandoon. My isa silang anak na bata na kumakain ng cotton candy. Naalala ko ang pamilya ko. Kung hindi sana ako naulila siguro hindi ako maghihirap ng ganito. Napabuntong hininga nanaman ako. Siguro ngayon gabi. Mukhang sa lansangan nanaman ako magpapalipas ng gabi. Gaya ng dati. Nagising ako ng bandang alasingko ng umaga. Sa public cr nalang ako naligo. Papasok pa kasi ako. Kahit ganito ako nag-aaral ako no! Sa Trinity International. Siguro alam nyo naman yon diba? Dun nagaral si JJ Tiu at Luna Park yung may-ari ng school na to. Magasawa na sila. Kung gusto mo malamn story nila edi basahin mo nasa My Works ni Author. :) Balik tayo sakin. Top notcher ako ng scholars. Nagbibigay sila ng scholarship para sa mga kagay namin na gustong mag-aral. 100 students ang nabibigyan. Pag ikaw ang nag Top. Wala kang babayaran at my allowance kapang 5k a month. Naglakad nalang ako para makatipid malapit lang naman kasi ang school dito e. Pasado alas siyete na ako nakarating. Mabuti naman at hindi pa sarado ang gate. Iniwan ko ky Manong Elmer ang bagahe ko. Close kmi niyan e! Lagi ako nililibre sa karinderya ni ate beth sa likod. Sarap don! Naglakad ako sa hallway. Hindi talag maaring hindi titingnan dito ang mga kagay kong scholars. My isang malaking patch kasi kmi sa vest namin. Color red yon, kasama ng logo ng school. Ibig sabihin scholars kmi. Kapag black ibig sabihin hindi. Umakyat ako sa Rm A. Umupo ako sa unahan. Wala kasi nauupo sa unahan. Iilan ilan lang. Kming limang scholars lang. HRM ang course ko dito. Ito kasi ang matagal ng gusto ng magulang ko sakin. Chef kasi ang papa ko. Nagkakagulo silang lahat sa likod. Yung iba ay nagseselfie. Nagpapagandahan. Yung mga.lalaki naman nagpapaybangan sa mga bagong kotse nila. O bagong babae nila. Iba talaga ang anak mayaman. Hindi problema ang pera. Samantalang kaming mahihirap kailangan muna magkanda-kuba kuba para mgkapera kaya napakahirap gastusin ng pera kasi pinaghirapan. Samantalang sila parang hindi nagdadalawang isip gumastos. Maya maya ay dumating na ang prof namin. Nagsulat agad siya sa board para sa topic namin. Nagjot down ako ng mga sinsabi niya. Apat na oras ang klase namin dito. Halos dalawang oras nadin kaming nagkklase. Parang mga scholars lang ata ang nakikinig. Kasi kung anong lakas ng boses ni Maam ay siyang lakas din ng daldalan ng buong klase. Tsk. "Hi, Ma’am." Bumukas ang pintuan at apat na lalaki ang pumasok. Biglang nagsigawan ang mga kaklase ko. "The Dawn, Omg, Kaklase natin sila!" "Marry me, Nyx!" "Anakan mo ako, Chaos!" "Hades, Be mine!" "Omg, Knight Arevalo!" Hinampas ni maam ang desk nang malakas. "Quiet!" Sita niya sa mga nagwawalang estudyante. Ngumiti ang lalaking nakasuot ng hoodie na itim. My brown siyang mga mata. At mapupulang labi may pagka-chinito ito at may pulang buhok. Kapansin pansin din ang hikaw niyang kumikinang na korteng buwan. My buntot ang buhok niyang maiksi na nakasalapid. Halos magiba ang room sa lakas ng sigawan. Ano 'to concert? Sino ba itong mga ito? Bakit ba parang mga artista naman kung magkagiulo ang mga estudyanteng ito? Ang babaw talaga ng kaligayahan ng mga tao ngayon. Nanatili akong nakatingin sa lalaking nasa harap. Nagulat ako ng bigla na lamang itong humakbang palapit. "Are you done fantasizing with me, Miss?" Sabay pahid sa gilid ng labi ko. "Tulo laway, Miss, ah?" nanlaki ang mata ko. Agad akong humawak sa gilid ng labi ko. At napagtanto kong wala naman. Bigla siyang tumawa. Nakita ko tuloy ang dimples niya sa dalawang pisngi niya. "Kapal ng mukha." Sabay apak ko sa paa niya. Napaigtad siya sa sakit. Kinuha ko ang bag ko at malakas na hinampas sa kanya. Tinamaan ang mukha niya na siyang naging dahilan upang mapangiwi siya. Samantala naghiyawan naman ang mga kasamahan niyang lalaki. Sinamantala ko iyon upang mabilis na makatakbo palabas ng classroom. Narinig ko pa ang sigaw niya pero patuloy lang ako sa pagtakbo. Pambihira bahala ka sa buhay mo!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.1K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

My Husband's Mistress

read
298.0K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
177.1K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook