Chapter 17 - Samantha Dizon

3359 Words
"Babe, are you okay? Kanina pa'ko nagsasalita pero hindi mo ako pinapansin." “I’m alright. Just finish your dinner so that we can go back to the villa.” The woman smiled seductively, “Are we having our sexy time later, babe?” Huminga ng malalim si Marcus. “Sam, I thought we’re clear on that? Ni hindi ko nga alam kung papaano kang nakarating dito without letting me know first.”  Malumanay ang pagkakasabi ng binata pero halata sa mukha nito ang annoyance.  The elegant sexy lady with chinky eyes is no other than Samantha Dizon. Bagama't naiinis si Marcus ay hindi niya pa rin magawang iparamdam iyon sa babae. She's a brat at hindi niya rin ito masisisi kung magahhabol ito sa kaniya ng ganoon na lamang. Ilang beses na kasi niyang sinabi dito noon na wala itong dapat asahan sa kaniya, and yes, she just said okay, pero mali pa rin siya sa puntong binabalikan niya ang babae, sleeping over with the woman, na dapat ay hindi na niya ginagawa.  Aminado si Marcus, a-hole siya sa bagay na iyon kaya nga napagpasyahan na niyang putulin ang relasyon dito bilang fubu, lalo pa’t kailangan na niyang kumilos sa kaniyang totoong misyon. Kailangan niyang magfocus sa totoong dahilan niya kung bakit siya nauwi ng Pilipinas, at obviously, hindi kasama doon ang makipag-commit ng seryoso sa isang relasyon. Well, of course, aside from being Toffy's legal dad, na pinasimulan na niyang ayusin ng kaniyang abogado. Kailangan niyang siguraduhin ang pagiging legal guardian niya sa nag-iisang pamangkin para na rin sa hinaharap kung sakaling may bigla na lamang sumulpot na kamag-anak ng ina nito.  Kaninang bandang alas-singko y media ng hapon, silang apat na magkakaibigan pa ang magkasama sa Coco Veranda, hanggang sa nagambala si Marcus ng isang tawag mula kay Samantha. At iyon na nga, nagulat na lamang ito nang sabihin nitong nasa presinto ito ng Paraiso. Samantha drove all the way from Manila papunta ng Macabebe ng walang pasabi sa kaniya, at ang masaklap, napag-tripan ang kotse nito on the way. May mga kalalakihang humarang dito diumano at pinagkatuwaan ang sasakyang minamaneho ng dalaga. Mabuti na lang talaga at hindi naman ito nasaktan. Parang pinagkatuwaan ito ng mga humarang pero siyempre, dumeretso ito ng presinto. Nang puntahan nilang apat ang babae’y siya namang pagliwanag ng mukha nito na parang walang masamang nangyari. Mabilis itong nag-ayang lisanin ang presinto, insisting na ang mga pulis na daw ang bahala sa mga sira-ulong nang-trip dito sa daan.  Nang mahimasmasan si Marcus ay makahulugan niyang sinamaan ng tingin ang tatlo ngunit nagsipag-taasan lamang ito ng mga kamay. Nasa comfort room si Sam noon at sa pagkakakilala naman ni Marcus sa mga ito, alam niya na kung sino ang nagturo sa babae kung papaano ang pumunta doon. Definitely not the three musketeers.  At ngayon nga’y kasalukuyan silang nasa labas ni Samantha over a dinner. It's in the Coco Veranda still at ngayon nga'y iniwan na sila ng tatlo matapos ang mga itong tahasang pagsabihan kanina ni Samantha.  "Why, don't you just get it that I wanted to be with my babe, 'yung kami lang? Mang-hunting na nga lang muna kayo ng mga chicks doon."  “You know that I can settle for what you could give, Marcus.” Tinanguan na lamang niya ang dalaga. Sa isip ni Marcus ay kailangan talaga nilang mag-usap ni Samantha, though he knew, it will not be easy. Albeit the fact that he wanted to totally disengage from the woman, hindi iyong magiging madali. The least that he wanted to do is to hear her ranting right now dahil sa mga bagay na tumatakbo ngayon sa kaniyang isipan. Napahinga ng malalim si Marcus. Samantha is an only child and her parents play a great role in their business empire. Nawala na nga ang kaniyang ama nang hindi sila nagkakaayos, gugustuhin pa ba niyang masira ang pinaghirapan nito ng dahil lamang sa pagkakasangkot niya sa buhay ng anak ng mga Dizon? Sam’s parents are considered one of the richest, katulad din nila, ngunit ang ipinagkaiba nga lang, may sinabi noon sa kaniya ang ama nitong si Alfonso Dizon.  “Dare to destroy my princess heart, young Sy, at hindi mo gugustuhing malaman ng buong mundo ang pagkakasangkot ng iyong ama sa isang triad.” Kaya naman sa tuwing maaalala niya iyo’y ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang huwag maputol ang kaniyang koneksyon sa babae. Yes, he might be tagged as a user, by having near to Samantha Dizon, but it’s the other way around too, dahil sa mga kapritso ng babaeng hindi niya basta-bastang matalikuran. Not until he found the real connection of his father, Carlo Sy, to the triad. Kung anuman ang nalalaman ni Alfonso Dizon sa bagay na iyon, dahil mukha pa yatang ginagamit nito ang dahilang iyon para hindi siya tuluyang makahulagpos sa anak nito, ay hindi na niya hihintayin pang makuha dito. Siya na mismo ang tutuklas.  Getting back to Samantha, the woman always nags and clingy bagay na ayaw niya sa mga babae. She's also too demanding and sometimes nakikita niyang may pagka-matapobre ang dalaga. Hindi basta-bastang nakikisalamuha sa mga middle class ang babae, paano pa kaya sa mga mahihirap? Madalas ay ayaw din niyang makipag-argumento pa dito lalo pa't alam niyang doon sila patungo kapag sumabay siya dito.  “Come on, Marcus. Let’s just enjoy the night. You can have all of me tonight.” Pero parang walang narinig ang binata. Bukod sa okupado ang utak niya sa mas mahalaga pang mga bagay, talagang naiinis din siya dahil sa kinaumagahan, after their encounter with the chairwoman sa gasoline station, mukhang invisible na naman siya sa babae. Kaninang umaga kasi ay nagkasalubong sila nito sa maliit na plaza ng Macabebe habang pareho silang nagdya-jogging. He's sure she saw him, pero umiwas ito at doon pa sumabay kay Samuel. Hindi niya alam pero napagtanto na lamang ni Marcus na nanggigigil siya habang pinagmamasdan ang dalawang nagtatawanan ilang metro lamang ang layo sa kaniya.  “You could just have said it to my face na uuwi na lang ako ng Maynila kung ganiyan ka lang din kalamig, Marcus.” Padabog na binitawan ng babae ang hawak nitong tinidor kung kaya’t bahagya itong nakakuha ng pansin sa paligid.  "Sam, I'm sorry. Pero hindi mo kailangang magdabog. May naalala lang akong trabaho sa farm. What were you saying again?" tipid na ani ni Marcus, bahagya itong ngumiti sa babae at tinitigan ang huli. The woman pouted her lips at kunwa'y malungkot na lumabi. "Ganiyan ka na lang palagi. Palagi ka na lang trabaho. Minsan na nga akong umuwi ng Pilipinas, hindi mo pa ako mabigyan ng mahabang oras.  Ano kaya kung dito na lang ako lumagi? Minsan, iniisip kong huwag nang umalis dahil baka makakita ka na ng ipapalit sa akin." Eto na naman sila kaya biglang sumakit ang ulo ng binata.  "I was thinking to just, you know, stay here for good. Bakasakaling maging official na tayo kapag palagi mo akong nakikita. I really want to-" "Sam, napag-usapan na natin ito, di ba? I'm not into that topic because I am not committed to having a relationship with kahit kanino.” he is really annoyed now. Makulit talaga ang babae at nang mga oras na iyon ay hindi rin maganda ang timing nito sa kaniya.  Tumalim ang mga mata ni Samantha while Marcus clenched his jaw to gain patience. He knows what will happen next and another rant from his mother will do no good kapag nagsumbong ang kasama. Mahirap kausapin ang kaniyang ina lalo pa’t isa din ito sa nagpe-pressure sa kaniyang pakasalan ang babae. Komplikado ang sitwasyon niya dito at alam niyang may mas malalim pang dahilan ang pagtutulak nito sa kaniyang pakasalan si Samantha.  Ginagap niya ang kamay ng babae at sa isang pilit na ngiti, he tried to pamper her. “Please, pag-usapan na lang natin ito ng maayos. I don’t want to hurt you, Samantha.” “Still, hindi ako susuko, Marcus. I will win your heart, lalo pa’t wala namang ibang babaeng malapit sa’yo kundi ako lang. You can have all the flings and one -night stand that you want pero ako lang ang malapit diyan sa puso mo.” Well, is she? Marcus silently asked himself. Hindi man niya iyon sagutin ay boluntaryo nang lumitaw sa kaniyang imahinasyon ang magandang mukha ng chairwoman.  “You are mine, Marcus.” Napapikit siya sa inis at akmang sisinghalan na sana ang dalaga nang bigla niyang nakaligtaan iyon. Bigla kasing may dumaan sa kanilang harapan at sa pabango pa lamang nito, iisang tao lamang ang mabilis na pumasok sa kaniyang isipan. Awtomatikong pumasok sa kaniyang isipan ang babaeng kapitana at astig na engineer ng Macabebe.  And when he tilted his head to look where that scent was coming from, may kung ano sa kaniyang dibdib ang biglang nagambala sanhi para bumilis ang t***k ng kaniyang puso.  Hindi nga siya nagkakamali, it's Victoria.  Damn, this is bad. Nang dahil iyon sa babaeng halos tatlong metro lamang ang layo sa kaniyang kinauupuan. It's the chairwoman in her flesh and scent. What is she doing here? Hindi siya maaaring magkamali. She's with other ladies, nasa apat, at papalapit ang mga ito sa isang grupo kung saan ay may isang bakla at dalawang babaeng hindi rin nalalayo kay Victoria ang mga edad. Hindi niya maalis ang mga mata sa dalaga. Tori is wearing a tattered black jeans habang ang pang-itaas naman nito'y checkered long sleeves na nakatupi hanggang siko. Nakabukas iyon at may panloob na kulay itim habang malayang nakabuyangyang ang buhok ng dalaga na tila ginulo. Damn, she really looks hot on that thing. Ang layo ng bihis nito sa mga kababaihang naka-jeans nga pero ang seseksi naman ng mga pang-itaas. Nakasuot din ng stiletto ang mga ito maliban lamang sa kapitana na naka-chuck taylor. Bakit parang naligaw ang isang 'to? At bakit kasama niya ang grupo? "Do you know somebody from the group, babe? Kanina ka pa nakatingin sa kanila. Don't tell me attracted ka sa mga iyan?" Salubong na ang kilay ng kaniyang kasama. Halatang nag-uumpisa na naman itong magselos. "I just happen to glance to them, was it wrong to do?" kunot-noo niyang binalingan ang babae. Halata na ang inis sa boses ng binata. Isa sa mga ugali ni Marcus ang madaling mainis lalo pa't makulit ang kasama. "You're not listening to me! Kanina ko pa napapansing titig na titig ka dun sa babaeng naka-checkered long sleeves." Mabilis na sinulyapan ni Marcus ang kinaroroonan ni Tori. Hindi pa rin siya nito nakikita at halata sa mukha ang pilit na ngiti. Gusto sana niyang lapitan ang babae pero mabilis niyang naalalang hindi pala sila nito in good terms. Isa pa, he's starting to get irritated at gusto na lamang ihatid nang pauwi sa villa ang dalaga, pero ayaw naman niyang umalis doon. He groaned in irritation.  "Look, just finish your food at aalis na tayo. Kailangan ko nang bumalik villa at may kailngan pa'kong gawin sa library." akma na sanang tatayo si Marcus nang biglang may lumapit sa kanilang kinauupuan.  "Wow, look who's here. The famous Samantha Dizon is in the house!" Biglang tili ng baklang nagmula sa grupo. Mabilis itong lumapit sa kanilang inuupuan kaya naman karamihan ng mga nasa grupo ay biglang napabaling din sa kanila. "Rupert. It's been a while. Ikaw pala ang isa sa grupong pinagmamasdan nitong si Marcus. Hindi kita napansin." todo-ngiting nakipagbeso-beso si Sam sa lumapit.  "Ah, yes. Ako din, hindi ko inaakalang magkikita tayo dito sa Pilipinas." pagkuwa'y sinulyapan ng bagong dating ang binata. "Oh, and who is this handsome man you are with?" malanding tanong ng nasa mid-40 na si Rupert Hervanas, isang sikat na socialite columnist. Nilingon ng babae si Marcus pagkatapos ay malambing na ngumiti sa kaniya bago nagsalita.  "Oh, my bad, haven't introduced my companion. This is Marcus Sy, my fiance. He's a businessman," pagkuwa'y lumingon ito sa sa kaniya.  "Babe, meet Rupert Hervanas, a famous columnist. He's a friend." ang laki ng pagkakangiti ni Sam bagama't may bahid pakiusap sa mga mata nito habang nagpapakilala. Namilog ang mga mata ng kolumnista.  "Oh my, such a hot, handsome man you have here, Sam." Awang ang mga bibig nitong inilahad ang mga kamay para sa pagbati.  Pero simpleng tango lamang ang isinagot ng binata. Halos hindi pukulin ng tingin ang ipinakilala dahil una, hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagkakatitig sa kaniya ng kolumnista. Pangalawa, gusto niyang itama ang sinabi ng dalaga. Pero hindi niya magawang ipahiya ang dalaga. He's still a gentleman afterall. Pag-uusapan nila ni Samantha ang bagay na iyon.  Mukhang nakahalata naman ang kolumnista sa malamig na pakikitungo ni Marcus. Pasimple nitong binawi ang kamay ng may pag-aalangang ngiti dahil sa supladong mukha ng doktor. Bumaling na lamang ito kay Samantha.  "W-well, tamang-tama at nandito ka, Doktora. We're just here to formally meet some of the Bb. Pilipinas candidates. Ayun sila." Sabay turo nito sa kinaroroonan ng mga kababaihan. "Would you like to join us? We're just waiting for the mayor of Paraiso to arrive. Sa kanila kasi manggagaling ang representante ng Benguet. It will start in an hour." Lumawak ang ngiti sa labi ng tinanong. Si Marcus naman ay napakunot ang noo. Nagtama ang mga mata nila ni Tori. Nang mga oras na iyon, mukhang may kutob siya sa kung ano ang nangyayari.  So, she accepted the offer to be the pageant's representative.  "Hmm, I would love to. I was asked if I can be one of the judges, but I haven't confirmed yet if I will go for it. Besides, ayokong mawalan ako ng oras sa babe ko lalo pa't I'll be abroad in three months' time. Right, babe?" Pero hindi ngumiti sa pagsang-ayon si Marcus. Na kay Tori na ang kaniyang atensyon at mas lalo siyang naiinis sa kaniyang kuto. He even castigated himself. Wala siyang pakiaalam sa babae pero bakit ayaw niya an kaniyang nalalaman? Also, he really hates in this kind of situation. Nilalagay siya sa alanganin ni Samantha. Hindi pa nakakatulong sa kaniya ang paminsan-minsang pagsulyap kay Victoria na noo'y tahimik lamang na nakupo sa isang sulok at tila outcast sa grupo. Halatang nag-iiwas na naman ng mga tingin sa kaniya. "Are all those women participants?" Seryoso ang boses siyang nagtanong kay Rupert. Mukhang nagulat sa kaniyang tanong ang bakla ngunit sa huli'y ngumiti sa kaniya ng matamis pagkuwa'y tumango-tango ng pasang-ayon. The columnist chuckled and pointed the gaze into the group. Ganun din ang ginawa ni Sam. Kumunot pa ang noo nito nang tila may biglang napansin. "That girl, in pastel checkered long-sleeves in the corner, what's her role? Ba't ganiyan ang ayos niyan? Rupert checked the direction Sam pointed out.  "Oh, that? She's the Benguet province representative. She's Victoria Linares. A real beauty, right?At hindi lang basta-bastang beauty, because she's also the chairwoman of her own barangay. With her intelligence and skills, ngayon pa lamang ay mukhang isa siya sa malakas na contestant." Hindi sumagot ang dermatologist. Umangat ang kilay nito at tila nadududang tumingin sa binata. Si Marcus naman ay napatiimbagang.  Not that she doesn't have what it takes. In fact, sa simpleng get-up nga nito ay lumulutang na ang babae, paano pa kaya kung magsusuot na ito ng mga isinusuot sa isang pageant?  At talagang iyon kaagad ang kaniyang naisip? Really, Marcus? Why sudden possessive of her gayung wala ka namang karapatan at ni hindi nga kayo magkabati? Ano namang pakialam mo kung kasali ang babaeng iyan? Tila pinanayuan siya ng balahibo sa kaniyang naisip.  This is insane.  But Marcus still answered absent-mindedly. "Yes, she is a beauty."  "The hell, Marcus! You really dared to say that while I'm in front of you?" inis na turan ni Samantha.  Pero hindi ito pinansin si Marcus. Tila may iba itong iniisip habang nakatitig sa direksyon ng kapitana.  "Naririnig mo ba ako, Marcus?" hinarap na siya ng dalaga. Malakas na rin ang boses nito sanhi para mapatingin sa kanila ang mga tao. "I heard you, Samantha, and you are overreacting. Don't start nagging, will you?" umalpas na rin ang tinitimping inis ng binata. Pero hindi nagpatalo ang babae. Gigil pa itong sumagot.  "Akala mo ba hindi ko nahahalata 'yang mga mata mong nakatutok sa babaeng 'yon? Poor you, you don't know how to define beauty." Sa narinig, biglang dumilim ang mukha ng binata. Nakaramdam siya ng inis sa pang-iinsultong ginagawa nito sa chairwoman.  "Really? Kaya pala ikaw ang kasama ko. Stop it, Samantha. Hindi maganda iyang ugali mong mapagmataas. You stay here if you want, I will just ask Vaughn to fetch you later." Pagkatapos noo'y mabilis tinalikuran ni Marcus ang babae na tila hindi nakahuma sa pagtaas ng kaniyang boses.  Inis na iniwan ni Marcus si Samantha sa loob. Naghalo-halo na ang kaniyang inis mula kanina hanggang sa nalaman niyang itutuloy nito ang pagsali sa pageant! Napahilamos sa mukha ang binata. Alam niyang tinanggap niya ang hamon ng tatlo na paaamuin ang dalaga pero hindi niya nakita ang sariling maaapektuhan ng ganito sa babae.  He's about to get inside his car matapos tawagan si Vaughn na sunduin muna nito si Samantha nang makarinig siya ng pamilyar na boses. papalabas ito ng kainan at muhang may kausap sa cell phone kaya malamang hindi siya nito namataan kaagad. Hindi niya itinuloy ang pagpasok sa loob ng sasakyan at tahimik na namulsa sa harapn ng pantalon saka napasandig sa koste. He's having a nice view of Tori's nice ass dahil sa hapit na hapit nitong suot na pantalon.  Biglang nag-init ang ulo ng binata nang makita ang dalawang lalaking papasok na halos lumuwa ang mga mata sa kakatitg sa pang-upo ng babae. Inilang hakbang lamang nito ang pagitan nila ng dalaga. Kasabay ng pagtabi niya dito ay ang pagkagulat naman ni Tori sa biglaan niyang pagsulpot sa gilid nito pero hindi iyon pinansin ni Marcus. His attention was fully thrown to those perverts. "I dare you to stare again at her, and that would be the last scene you'll remember." Halos masubsob sa pagmamadali ang dalawang lalaking nasa mid-twenties ang edad habang nakatingala ng bahagya kay Marcus. His physique is really something idagdag pang sa suot nitong fitting nga long-slevves cotton shirt ay halatang-halata ang katawan nitong katulad ng sa isang sundalo, idagdag pa ang tangkad nito na parang sa isang banyaga. "Are you done talking to whoever is your caller?" supladong sinalubong niya ng tanong ang gulat na dalaga. "Ba't ka nandito? 'Asan ang nobya mo?" "Ako ang naunang magtanong kaya ang tanong ko ang sagutin mo." "Woah! Ba't ba ang sungit mo na naman? Saka teka nga, bakit mo tinakot 'yung dalawang bata?" wala sa sariling napasuklay sa malambot niyang buhok si Tori, sanhi para mapapikit sa Marcus sa mabango nitong amoy. Ngayon lang din niya napansing nakayuko na pala siya sa dalaga, habang ito naman ay nakatingala sa kaniya at magkasalubong ang dalawang kilay. "Bata? Bata pa ba ang dalawang 'yon na kulang na nga lang ay hubaran ka sa paraan ng kanilang paninitig sa'yo! Ano pa kaya kung rumampa ka ng wala nang halos suot 'yang katawan mo?"  "A-Ano? Bakit ba-" "So, pumayag ka talaga. Sasali ka talaga sa pageant. I thought you are not into those things?" Nawawala na talaga sa kaniyang kontrol si Marcus at kung hindi pa tumunog ang kaniyang cell phone ay hindi pa ito mahihimasmasan sa mga nasabi. Nang maunawaan nito ang mga sinabi sa dalaga'y madiin itong napapikit at lihim na napamura sa sarili.  "Forget what I've said. Just go inside the building bago ka pa pag-isipan ng masama ng mga lalaki dito sa labas." Magpoprotesta pa sana si Tori pero may tumawag na sa kaniyag pangalan. Paglngon niya'y si Rupert na pala iyon, tinatwag siya at hinahanap na daw siya sa loob.  And then Tori saw the sophisticated woman walking towards her. Lumampas ito sa kaniya at deretsong tinungo si Marcus na noo'y may kausap pa rin sa cell phone. The way that Samantha looks at her, she knows, it's beyond great annoyance and pissed.         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD