Chapter 16 - Simply Simple

1385 Words
“Hey, look. It’s the Chairwoman Linares.” Sabay-sabay na napabaling sa kabilang direksyon ng kalsada ang mga mata ng tatlo matapos marinig ang sinabi ni Vaughn. Nakita nga nila ang kapitan, kasama ang kaibigan nitong si Inah, mukhang papatawid ang mga ito sa kanilang direksyon. Saglit na huminto ang dalawa sa kabila habang patuloy sa pag-uusap. Nasa gilid lang ito ng kalsada at naghihintay ng go signal sa traffic light para makatawid.  Agad lumiwanag ang mukha ni Declan habang si Tom naman ay napangisi mun abago napatingin kay Marcus. Kasalukuyan silang nasa isang gasolinahan sakay ng alfa romeo ni Declan.  He saw her and knowing that it was the hospital where the two probably have been through, umismid si Marcus. May kutob siya kung ano ang ginawa nito doon at sa isipin malamang, ang sira-ulong si Kiro iyon, nagsalubong ang dalawang kilay ni Marcus sa inis.  Kung ang lalaki lamang ang tatanungin, hindi niya basta-bastang pababayaan na lamang na hindi managot sa batas ang Kiro na ‘yon. Sabihin mang hindi totoong baril ang ginamit nito, it is certainly not a thing na basta na lamang pabayaan ng mga pulis na iyon na hindi man lang ito makulong sa ginawa nitong panggugulo. Base sa kaniyang narinig, the chairwoman had it pacified. Kilala niya ang hepe ng Paraiso and vice versa. Minsan na din silang nagkasama noon sa isang misyon noong mga panahong nasa Maynila si Insp. Regala. Pero nadismaya talaga siya nang marinig ang sinabi nito.  “Nagkausap na kami ni Chairwoman Linares. Siya na ang bahala kay Kioshiro Yamamoto. I trust her.” Then he patted his shoulder and left.  “Tss,” naiiling na napaismid si Marcus. Hindi iyon nakaligtas sa tatlong kasama kung kaya’y mabilis siyang pinansin ni Declan.  “I know that expression of yours,” he chuckled.  “Well, I want to ask further to her what happened yesterday, but I guess, hindi niya talaga alam na nandoon ka.” Ani naman ni Vaugh. Pero hindi na nakasagot si Marcus dahil halos nasa harapan na nila si Tori at Inah. Mukhang hindi pa rin sila nito napapansin.  Nakasuot man ng itim na Rayban classic aviator, kitang-kita sa mukha ni Tori ang kaseryosohan nang mga sandaling iyon. Nagsasalita si Inah, mukhang seryoso din ito kaya naman hindi rin sila aga nakita nito. Tumutok ang mga mata ni Marcus sa dalaga.  She’s just simply simple. Itim na cotton t-shirt na nakapa-ilalim sa baggy denim jeans baston na sa bandang achilles tendon nito. Muli’y nakita na naman niya ang pamilyar nitong anklet but he immediately dismissed it. Puting vans tennis shoes ang suot nito, habang sa kanang kamay ay hawak ng dalaga ang cell phone nito, nasa kaliwang kamay naman nito ang susi ng sasakyan. “Suwerte naman ng lalaking mapapansin ni Chairwoman. Ang simple lang niyang tinganan pero ang lakas ng dating.” Napaiwas ng tingin si Marcus, tila napaso sa kakaibang tingin sa kaniya ni Vaughn na halatang may ibig sabihin. F*ck, he whispered to himself. Hindi naman niya siguro nasabi ng malakas kani-kanina lang ang napansin niya sa dalaga.  “Good afternoon po, Kapitana..Inah.” Nauna nang bumati si Tom nang may ngiti. Mabilis na rumehistro sa mukha ng dalawa ang pagkagulat pero agad din namang napalitan iyon ng magaan na ngiti mula kay Tori. Si Inah naman ay halatang natuwa nang masyado. Kung hindi ba naman kaharap niya ngayong ang apat na lalaking nagtatangkaran at naguguwapuhan. Though Inah si also a tall guy, matangkad pa rin ng may tatlong pulgada dito sina Marcus at Vaughn. Tom and declan, they were almost as to Inah.   It’s already past five in the afternoon, pero dahil sa ganado pa si haring araw at wala pang balak na magtado, kitang-kita pa sa mukha ng dalaga ang bahagya nito pamumula. Wala sa sariling napalunok si Marcus.Nagkunwari siyang busy sa pagti-text gayung wala naman siyang ka-text. Hindi niya mawari pero sa tuwing kaharap niya si Tori, nag-iiba ang kaniyang pakiramdam. Madalas, nasusungitan niya ito nang wala sa lugar lalo pa’t kung may ibang lalaki itong mas inuunang pansinin. Mukha ngang nasasaling ang kaniyang ego, katulad ng sinabi ng tatlo. Hindi sanay ang isang Marcus Jace Sy na hindi inuunang pansinin ng mga kababaihan.  At iyon ang nangyayari sa tuwing nasa harapan siya ni Tori, Nagagawa nitong huwag siyang pansinin kaagad at kung manyari ma’y mukhang napipilitan lamang.  “Magandang hapon din, mga papa,” nagniningning ang mga mata ni Inah. “Good afternoon, din sa inyo,” isa-isang tinapunan sila ng ngiti ni Tori, maging si Marcus na pormal na tumango lamang pabalik sa babae.  “Mukhang galing kayo sa ospital, Kap?” si Declan. Mukhang namumungay ang mga mata nito na siyang ikinasimangot ni Marcus.  Saktong tumunog ang cellphone ng binata. It was Samantha calling. Sinagot niya iyon kasabay ng pagtalikod sa mga kausap. Hindi na siya nagpaalam pa sa mga ito kaya naman hindi niya napansin mabilis na pag-ismid ni Tori. Sa isip ng dalaga'y may topak talaga ang isang Marcus Sy. Kadarating lang nila'y mukhang sumama na ang timplada nito at pinahalata kaagad na hindi nito nagugustuhan ang kaniyang presensiya.  “Sam.” “Hi, babe. I just landed and wala kasing susundo sa akin dito sa airport. Something came up with the driver. I was thinking if you’re here in Manila? Can you pick me up?” sa malambing nitong boses. Marcus sighed.  “I’m sorry, Sam. But I am currently out of town. I’ll just call the Mom’s driver, para siya ang sumundo sa’yo.” “Oh, I see. Never mind, I’ll just grab a taxi then. Bye.”  “Wait, Sam-” before he could utter further words, pinutol na ng kausap ang linya. Napailing na lamang si Marcus. Samantha is an heiress and a brat. Kung maaari niya lang iwasan ang bigyan ito ng ikatatampo, ginagawa niya. Tiyak kasing sasakit ang ulo niya sa susunod na mga araw at wala siyang tiyaga sa ganoong mga bagay. Ayaw niya lang itong bigyan ng sama ng loob.  “It’s okay, mauna na kami. And by the way, just call me, Tori. I appreciate you calling me with my title but Tori is what I would really find comfortable with. Besides, mga bisita naman namin kayo.” "Okay, it's Tori then." Ang sarap talagang tirisin ng kaibigan niyang si Declan habang tumatawa. Nawala lang siya saglit sa eksema dahil sa tawag, hindi na niya masundan ang takbo ng diskusyon ng mga ito na halatang nagkakatuwaan.  "If that's the case, can I call you Ria?" Humakbang si Marcus papalapit sa dalaga, titig na titig ito sa mukha ng huli. Si Tori naman ay napatanga sa matangkad na lalaki, hindi dahil sa paraan ng malamig nitong mga tingin kundi sa kung papaano nitong sinambit an pangalang iyon.  She felt a goosebump hearing a Marcus Sy, having a look-a-like of her crush Ji Chang-Wook, say that, parang biglang may kumiliti sa kaniyang tiyan. "Then, I'll call you Ria. Ria it is, and I don't want anybody among these three will also call you that name the way I call you." Napangisi si Marcus kasabay ng pag-angat nito nang kamay upang hawakan ang chin ng dalagang bahagya yatang nahulog sa pagkabigla.  Nawala ang ngiti ni Marcus nang sa isang iglap, naramdaman na naman niya ang pamilyar na init na dumaloy sa buo nitong katawan matapos madamang muli ang babae. Si Tori naman ay gayundin. Napapiksi ito at bahagyang napaatras.  "O-Okay lang. You can call me whatever you want. All of you, of course."  Napatingin sa kaniya si Inah, halatang nagtataka sa kaniyang inakto pero mabilis lamang iyon at agad nang hinawakan ang kamay ni Kap. "Mauna na nga pala kami ha. Sige, see you all kung hanggang kailan nandito pa kayo." Nagtatakang napatingin ang apat sa dalawang bulto na papalayo hanggang sa makita nilang tinungo ng mga ito ang isang kulang kulay asul na raptor. Napasipol pa si Vaugh at Declan nang makitang pumasok sa driver's seat si Tori.   "Damn, she really looks pretty." Tila nananaginip na sabi ni Declan. Natatawang umang-ayon ang dalawa  hile him? Marcus? Nanatiling nakatingin sa papalayong sasakyan ang kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD