"Mang, pansinin mo na naman ako. Mas okay pa nga kung tatarayan mo ako at sasabunutan kesa naman silent mode ang peg mo diyan."
Kung ilang beses na siyang kinausap ni Inah pero kibuin-dili niya ang kaibigan. Kasalukuyan silang naglalakad papunta ng kaniyang raptor dala-dala ang milk teas na kanilang ini-order. Kanina’y nauna na silang dumaan ng mga prutas para kay Kiro.
"Tori- "
"One word,” marahas niyang hinarap ang kasama. Mukhang stress na stress ang mukha ni Tori kaya naman napalunok si Inah. Bahagya pa itong napalayo sa dalaga.
"Tell me kung papa'no nalaman ni Mayor ang tungkol sa mga katutubo? Make sure sasagot ka ng maayos kundi tatamaan ka talaga sa'kin, bakla."
How the hell it happened na luluwas na sila ng Maynila sa makalawa para sa preparasyon ng pageant? Oo, aminado siyang naibigay na niya ang kaniyang pagpayag sa buong bayan ng Paraiso, at baka nga sa mga oras na ito ay nakarating na rin kay Gob ang balita. Ngayon nga’y nakakaramdam na siya ng matinding pagsisisi.
Pero mabilis na umaalingawngaw sa kaniyang tenga ang mga sinabi ni yorme. Malaking tulong ang donated land ng ama ng Paraiso pa sa mga katutubo. She may not believe that all of her colleagues earlier approved her participation, wala na siyang paki doon. Ang mahalaga ay ang mga taong gustong niyang tulungan.
"G-ganito kasi iyon. A-Ano kasi -" alumpihit sa pagpapaliwanag ang bakla.
"Inocencio!"
"Ako. Me. Ako ang nagsabi kay Mayor pero promise kami lang naman noon ang magkasam, ay pati pala si Nanay Nita, noong nakaraang araw, sa parlor."
Pinaningkitan niya ng mga mata si Inah. Mabilis itong lumayo sa kaniya nang marahas siyang humugot ng hininga para payapain ang sarili.
"Ano namang ginagawa ng nanay sa parlor mo, aber? Alam ni Nanay na ayokong may ibang nakakaalam ng tungkol sa project ko sa mga katutubo." Diskumpyadong tinitigan niya ng maigi ang kausap.
"Hala siya! Bakit ayaw mong maniwala e alam mo namang kahit na nilalagay kita palagi sa alanganin hindi ko magagawang magsinungaling sa'yo." Nakangiwi nitong nagreklamo.
"Ugh! Bahala na nga!” Asar pa rin siya sa lahat ng nangyayari pero hindi niya namang magawa'ng tuluyang magalit sa kaibigan. Wala na talaga siyang choice kundi ang panindigan ang kaniyang desisyon. Mabilis naman humabol sa kaniya si Inah at ikinawit pa ang kamay nito sa kaniyang braso.
"Bati na tayo? Gorabels na sa Bb. Pilipinas?" nangniningning ang mga mata nito habang nakayuko sa kaniya at nakangiti.
Napahilamos sa kaniyang mukha si Tori. Hindi naiwasan ni Inah nag matawa sa inasta nito. Sa isip nito kasi’y kayganda naman talaga ng dalaga at talagang may ibubuga, pero kung kumilos, madalas walang finesse. It’s not that she doesn’t know how to act with poise, talagang nasanay lang talaga si Tori na tila lalaki kung kumilos.
Bah! Sa mga pinaggagagawa ba ng kaibigan niya, na karamihan ay walang alam sa totoong trip ng chairwoman. Kaya tuwang-tuwa din naman si Inah dahil sa wakas, may magagawa ding isang bagay ang dalaga na talagang kakabugin ang lahat kapag nailantad na.
"O, e, ano pa bang magagawa ko? Ibinenta mo na’ko. Kung hindi ko lang inaalala iyong donasyon ni Mayor. Bahala kang manigas sa pagtuturo sa'kin. Bato. Napakalaking bato ang ipupokpok mo diyan sa ulo mo dahil hindi ako marunong rumampa."
Umirap si Inah, “Ito naman kung makapagsalita..ibinenta ka talaga ‘te? Para namang ginawa mong sawa ang uod.”
She just sighed as a sign of defeat. Bahala na. Kasubuan na. Alam niya sa sarili niyang hindi niya talaga magagawang tanggihan ang mabait na alkalde kaya nga iniiwasan niya din itong makita. And now that he was able to corner her, plus the favor, ang her friend na alam niyang hindi siya pababayaan, hindi na rin siguro masamang sumubok.
Naalala niya ang sinabi ni Mayor Caloy kanina. Alam ng gobernador ang tungkol sa kaniyang titulo na matagal na niyang iniwan. She was a freestyle motocross champion under Suzuki 450/250 motocross bike flagship. Kung hindi lang aksidenteng nangyari sa kaniya noon, malamang, baka nakarating na siya sa ibang bansa dahil sa kaniyang ambisyon. She still loves to ride her motorbike, pero dahil sa pakiusap ng kaniyang ina, ipinasya niya munang magpahinga.
Isa pa’y dala na rin ng isang pangyayaring hindi niya makalimutan, na hanggang ngayon ay pilit niyang iniisip kung ano ang maaaring koneksyon nito sa aksidenteng nangyari sa kaniya noon.
Wala pang kalahating oras ay narating na nila ang ospital. They proceeded to the third food kung saan naka-admit si Kiro. Isa iyong private room. Bitbit ang isang may kalakihang fruit basket, kumatok si Inah para lamang pagbuksan ng isang umiiyak na si Naida.
Mabilis na nagsalubong ang mg akilay ni Tori. Agad napako ang mga mata nito sa binatang nakahiga sa kama. Gising ito at hindi man nila tanungin ng kasama, alam nilang nag-aaway ang dalawa.
Sinenyasan ni Tori si Inah na samahan muna sa labas si Naida. Sinabihan niya itong kakausapin mamaya pagkatapos sa pasyente. Naiwan silang dalawa ni Kiro. Napaangat ang kilay ng kapitana nang marinig ang malalim nitong paghugot ng hininga.
“Para saan ‘yon? Hindi ka pa nga nakakabawi sa ginawa mong kalokohan, sinaktan mo naman ngayon si Naida.”
“Makulit kasi. Mabuti ‘yon para naman umalis na dito.”
Napailing ang dalaga. Unti-unting bumabangon ang inis niya kay Kiro at kung hindi lang siya naaawa sa mukha nito nang mga oras na iyon? Baka pinong-pyang na niya ito at nang magising sa pagiging denial.
“Alam mo namang buntis si Naida, di ba?”
Kita niyang natigilan ang kausap. Napatiimbagang ito pagkatapos ay bahagyang lumambot ang mukha. Alam naman ng kapitana na hindi sadyang masama si Kiro. Maloko lang ito at dahil nadala sa pustahan ng barkadang gawin ang hostage drama na iyon, hindi na nito naisip ang maaaring kahahantungan ng katarantaduhang ginawa. Napag-alaman din nilang hindi totoong baril ang hawak ni Kiro. Pero dahil sa kaguluhan iyon, nakatakda itong magbigay ng community service sa barangay ng dalawang buwan. Pati ang mga barkada nitong nambuyo ay hindi nakaligtas sa chairwoman. Ayon, at kasalukuyang nasa barangay mini-gym para sa general beautification na proyekto.
“Ayusin mo ‘yang buhay mo, Kiro. Huwag mo aong idadamay na kesyo may gusto ka pa sa’kin, kaya mo sinasaktan si Naida. Binuntis mo na nga, di ba? Meron pa ba’ng ibang dapat na maging ama ng dinadala niya?”
“Hell, no!" Lumakas ang boses nito nang sinabi ang mga salitang iyon sa hapon. Hindi man maunawaan masyado ni Tori, alam niyang may nasaling sa binata sa kaniyang sinabi.
"Walang ibang lalaki sa buhay ni Naida, ako lang."
"O, e ayan naman pala. Eh, kung hindi ka ba naman uto-uto, e di sana hindi mo binibigyan ng sama ng loob ang babaeng mahal mo. Naku, huwag ako, Kioshiro. Dadagdagan kita ng tadyak diyan, e."
Hindi maiwasang maasar ni Tori. Sa tanda ba naman niyang 'to, gagawin pa siyang panakip-butas ng "former admirer" sa totoong babaeng mahal nito?
"Magpahinga ka na nga diyan at nang bumilis iyang paggaling mo. Madami ka pang gagawin sa Macabebe. 'Yung tropa mo, ayun at nauna nang maglampaso sa gym."
Pumalatak ang kausap. Nilapitan niya ito at sa seryosong mukha, Tori said.
"Ayusin mo na 'yang buhay mo, magiging tatay ka na. Huwag mo masyadong bigyan ng stress si Naida. Baka sa kakatulak pa palayo sa kaniya, maghanap na lang ng iba iyon."
Natahimik ito, halatang hindi nagustuhan ang kaniyang sinabi. Pero iyon nga ang purpose niya. Sigurado siyang nagmamahalan nama ang dalawa, iyon nga lang, denial itong isa at mataas ang pride. Alam niyang may alam na rin si Mang Ambet sa sitwasyon ng anak-anakan. Hindi pa ito nagsasalita sa kaniya at iginagalang naman iyon ng dalaga. Family matters ang sitwasyon, they're not really blood related at kung kelan lang kakailanganin nito ang kaniyang opinyon, doon lamang siya magbibigay ng kaniyang point of view. Basta't ang tanging alam lamang niya, kailangang ayusin na ni Kiro ang buhay nito at harapin na rin ang responsibilidad nito sa pamilya. Kiro was left with an inheritance from his father who passed away in Japan mag-iisang taon pa lamang.
"So, sino naman iyong lalaking nasa kusina nila Tiyo Ambet kahapon?"
Natigilan ang dalaga. Kunot-noong tinitigan niya si Kiro kung may bahid panloloko ang tanonng nito pero hindi niya makita.
"Matangkad. Tsk, guwapo, kahit lalaki ako, masasabi ko 'yon. Pero hindi ako bakla ha! Huwag kang ano diyan, Kap. Kamukha ni sino ba 'yon...Ji Chang-wook?"
"Ano?! 'Andami mo namang puwede i-compare sa nakita mo pero 'yung paborito ko pa talagang korean actor ang binanggit mo?"
Napangisi si Kiro, "So, ibig sabihin, prince charming mo 'yung nakita ko?"
Napailing ang dalaga. Hindi niya alam, pero unti-unti siyang naaapektuhan sa sinasabi ng kausap. Hindi sa posibilidad na ang Marcus Sy nga ang nakita nito at nang ibang naringgan niya sa location kahapon, but the thought of him, dahil para ngang hawig ito ng nasabing artista, mukhang delikado siya doon.
For all she knew, bago pa man iyon binanggit ni Kiro, napansin na rin naman niya 'yon sa lalaki. It's just she's in denial dahil aminin niya man sa hindi, ang nasabing artista lamang ang nakahiligan niyang subaybayan at i-fan girl.
Napangiwi si Tori. At her age, she's a fangirl of Ji Chang-Wook. Para na rin niyang sinabing crush nga niya ang mayabang na Sy na 'yon.