Chapter 14 - The Representative

1721 Words
Isang malusog na sanggol ang ngayo'y walang humpay sa kaiiyak. Blurred ang nakikita niyang nakapalibot dito, aside from the crying. Bigla'y nagflash ang larawan ng isang lalaking punong-puno ng tattoo ang jatawan habang may hawak ito sa kamay. Then a picture of a black lotus came. Mabilis na namang nag-iba ang senaryo and this time, she saw the familiar woman running again into the forest. Sunod-sunod na putok ng baril ang tila naririnig niya sa panaginip pagkatapos ay ang pagbulagta ng babae. May hawak itong damit ng isang sanggol. Tumakbo daw siya para lumapit dito at pero habang papalapit siya dito'y siya namang tila lumalayo sa kaniya ang pigura ng babaeng nakabulagta. Kanina pa gustong makaalis ni Tori. Halos hindi na siya makangiti dahil sa iritasyon at kung pwede nga lang sana siyang mag-walk out, kanina niya pa ginawa. She felt unease that day dahil sa kaniyang panaginip kaninang madaling araw. Napapikit ang dalaga. Something inside of her almost believe na may ibig sabihin ang kaniyang mga napapanaginipan. She can feel it na parang sandali na lang ang kaniyang hinihintay at mayroon siyang malalamang bahagi ng kaniyang pagkatao. Bahagya siyang balisa at wala talaga siya sa kondisyon. Ang kaso, nasa harapan siya ng ama ng bayan ng Paraiso kasama ang lahat ng barangay chairman na nasasakupan nito para sa isang buwanang pagpupulong. Kung alam niya lang sana na wala nang iba pang pag-uusapan sa araw na iyon kundi ang matagal nang iniuungot ni Mayor Caloy, naghanap na lang sana siya ng proxy na dadalo in behalf of her. Hindi sa iniiwasan niya ang kaniyang tungkulin sa monthly meeting sa munisipyo ngunit kung ganito lang namang iya din naman ang malalagay sa alanganin, hindi naman siguro iyon masama, lalo pa’t feeling niya nang mga oras na iyon ay unti-unti na siya mako-corner. She was caught in a compromising situation nang si Mayor Caloy na mismo ang nakiusap sa kaniya sa harap na labing-siyam na barangay captains, isama pa ang mga heads ng iba’t-ibang departamento ng tanggapan ng munisipyo, maging ang mga SK chairmen at chairwomen. Aba’y full force na full force ang datingan ng meeting para lamang siya’y ma-check mate. “Chairwoman Linares, alam kong ikinabibigla mo ang bigla naming pagsasanib puwersa ngayong hapong ito subalit para sana sa kapakanan ng ating bayan, at dahil na rin sa ang gobernador na mismo ang tumawag sa akin para pakiusapan ka, sana nama’y mapaunlakan mo ang buong mamamayan ng Paraiso.” Namputsa talaga, oo. Ang hirap ng kaniyang sitwasyon dahil bukod sa mukha ni Yorme na nababakasan ng malaking pag-asa habang nakangiti ng maamo sa kaniya, nangako din itong tutulungan siyang mahanapan ng 1000 sq meters na lupain para sa kaniyang proyekto. Hindi niya maalalang may pinagsabihan siya tungkol sa planong bigyan ng tahanan ang mga aetas na napadpad sa kanilang baryo may dalawang buwan na ang nakakaraan. Halos nasa treinta ang mga ito na kinabibilangan ng mga bata at mayroon na ring matatanda. Nakita niya lamang ang mga ito nang minsang napadpad siya sa maliit na plaza ng Macabebe. Namamalimos ang ilan sa mga ito at nang kaniyang malapitan at mapagtuunan ng pansin, she found out that they were homeless. She found them seeking temporary refuge, sa ilalim ng tulay. Hindi niya naiwasang makadama ng paninikip ng dibdib dahil ang ilan pa sa mga ito ay halos nanghihina na at ang iba’y may sakit. She immediately summoned an emergency meeting with her officials at sa tulong ng kaniyang nasasakupan at mga constituents, they were able to help the tribe ngunit hindi iyon sapat lalo pa’t nakita niya ang totong pangangailangan ng mga ito. She tried keeping the aborigines well-fed and supplied by their basic necessities. Ngunit ang mas kailangan ng mga ito’y isang lugar na ligtas at pangmatagalang solusyon. Meron siyang inuupahang tatlong malalaking bahay pansamantala para sa mga ito at wala siyang planong patagalin ito doon dala na rin sa nakikita niyang tila naghahanap ang mga ito ng lupaing nais pagyamanin. It was from her own personal pocket, ang tinitirhan ng mga ito at kung tatanungin kung saan niya iyon kinukuha? Siya lamang, Nanay Nita at Inah ang nakakaalam noon. At dahil sa tanging ang ina at ang kaibigang bakla lamang ang nakakaalam noon, sumakit ang ulo niya sa reyalisasyong kaniyang napatagni-tagni. Saan pa ba malalaman ng alkalde ang kaniyag brief and well-planned housing project para sa mga ito kundi siyempre, sa dalawa! “Win or lose, ang lupain ko mismo sa iyong nasasakupan ay ibibigay ko sa iyo kaagad, Chairwoman Linares. Just formally sign up the form to be the official representative of our province for Bb. Pilipinas.” Namilog ang kaniyang mga mata nang nasa harapan na niya kaagad ang pagpapatunay na willing ang mayor na i-donate ang lupain basta't pumayag lamang siya at pumirma sa papel na nasa kaniyang harapan nang mga oras na iyon. Katabi ni application form for the pageant ay ang deed of donation naman ng nasabing lupain ni yorme. "I am willing to do my bargain for this, Kapitana. The lot is yours, wala kang po-problemahin sa tubig at lokasyon dahil sadyang mainam iyon sa pagta-tanim. Just be our representative for this year's Bb. Pilipinas." Nawindang siya sa mga narinig. Nang ipukol niya ang matatalim na mga mata Kay Inah, bigla na lang itong nag-iwas ng tingin. Mabilis nitong pinag-aralan ang mga nakasabit na wall designs sa loob ng conference room ng munisipyo. Natural, agad itong dumating nang tinawagan niya at mismong si yorme na nga din ang nagpasundo sa parlor nito. Tumikhim muna siya bago muling hinarap si Mayor Caloy. Maliban sa natataon nitong offer, mukhang hindi niya rin kayang wasakin ang looking-forward na facial expression ng nasa singkwenta anyos na ginoo. Mabait ito, responsable at sadyang malapit sa mga mamamayan ng Paraiso kaya naman wala din siyang tulak-ikabig kung sa serbisyo lang naman ng bayan ang pag-uusapan. Dito lang siya duda sa desisyon ng mga itong siya ang i-push na magdala ng pangalan ng Benguet sa prestihiyosong pageant. "Ahm, Mayor. Sa totoo lang po, napakalaking karangalan po talaga na ako'y inyong napili para sa patimpalak na katulad ng Bb. Pilipinas. Pero po kasi, kahit ang simpleng rumampa sa entablado ay hindi ko po kaya. Baka po kasi mapahiya hindi lamang ang bayan natin kundi ang buong probinsiya ng Benguet. Bigyan niyo na lamang po ako ng sasakyang kukumpunihin o di kaya ng motorsiklong papatakbuhin, maitatawid ko pa po." Halos magmakaawa ang boses niya sa pakiusap. But the good mayor only smiled and shrug his shoulder bago muling nagsalita. "Precisely, why the governor wanted you to be the one because he knew that skills of yours kahit na hindi ka na aktibo sa track ngayon. Though he's sure na hindi basta-bastang mawawala ang galing mo doon. You also got the beauty and brains as well, Kapitana." “Tama si Mayor, Kap Linares. Talagang ikaw lamang ang maaaring magdala ng pangalan ng ating probinsiya. Nasa likod mo kami.” “At makakasiguro kang win or lose, siyento-porsyentong nandito kami, ang buong bayan ng Paraiso para sa iyo, Kap.” Unti-unting nawalang ang kanina’y inis na nararamdaman ng dalagas. Napalitan na ito ng kagalakan at ito na nga ang kaniyang kinatatakutan, mukhang hindi niya kayang saktan at durugin ang mga puso ng kaniyang ka-pulungan. Bahagyang nagsisi-ingayan sa loob ng meeting room na iyon. Lahat ay kung hindi nakikiusap sa kaniya, nagbibigay naman ng assurance at suporta. "Eh, Mayor. Madami naman po tayong ibang dalaga na kayang-kaya ang rumampa. Isa pa po-" "Please, just this once, iha. Don't worry, we have the best people to train and help you with the pageant. Hindi ka namin pababayaan ng mga kababayan natin. Please, para sa Paraiso?" Tumahimik ang lahat ng naroroon, lahat ay nakatitig sa kaniya at naghihintay ng kaniyang sagot. Napapikit ang kapitana. Humugot ito ng isang malalim na paghinga at nag-isip ng ilang segundo bago nito dinampot ang ballpen na nasa harapan. Sinimulan niyang sulatan ng kaniyang mga impormasyon ang form. Para sa Macabebe at Paraiso, at sa mga katutubo...I can do this. May isang oras pa yata silang nagtagal doon sa conference room. Masayang nagsisipagbatian sa kaniya at nagbibigay ng kaniya-kaniyang suporta ang mga kapitan at kapitana ng mga baryo ng Paraiso hanggang sa nagpaalam na rin sila at may kailangan pa silang puntahan matapos ang meeting na iyon sa munisipyo. Kailangan nilang magmadali, dahil nangako sila kay Mang Ambet na dadalawin si Kiro sa ospital at sila muna ang magbabantay ni Inah habang wala si Naida. Umalis kasi ang dalaga, sumama ang loob sa nangyaring kaguluhan sa bahay ng ama-amahan. It turns out, that when Tori knew Kiro's trouble, mayroon na rin pa lang nangyayari sa pagitan nito at ng dalaga. Buntis na pala ito at dahil sa nalaman, matapos ang pa-hostage hostage na drama na hindi naman daw sana mangyayari, ang siste, napuruhan ni Tori si Kiro. Naibalibag niya ang binata at nabugbog kaya nasa ospital ito ngayon dahil mukhang nabalian talaga ng tadyang at mga braso. "Eh, kung hindi mo ba naman kinarate, Mang, ano?" "Kasalanan niya din naman. Mabuti na iyon at nang magtanda." "O, e ano nga palang ginagawa ni Papa Marcus doon? Sabi ng ilang mga tagaroon nakita daw nilang pumasok sa likuran ng bahay nina Mang Ambet?" Natahimik si Tori. Salubong pa rin ang mga kilay niya dahil unti-unti nang nagsi-sink-in sa kaniya ang sitwasyong pinasukan. Oo nga ano, naisip niya. Narinig nga rin niya iyon. Papauwi na siya nang marinig niya ang pangalan ng Marcus Sy. Nanliliit din ang mga mata ng dalaga nang dumulas ang bibig ng isang pulis pero agad naman nitong binawi. Umangat ang kaniyang kilay at nang makita nitong mukhang hindi siya kumbinsido, sinabi na lamang nitong may isang Marcus Sy na nadaan sa presinto, meron daw hinahanap. Ano nama'ng pakialam niya doon sana kaso nataon lang daw na ang pulis na kausap ang hinahanap. Hindi niya na iyon pinagkaabalahan. Wala naman siyang paki doon kesyo dumaan man doon o tumatahi lang ng kuwento ang pulis, basta't sigurado siyang hindi naman iyon magkakamaling pumasok sa likurang bahay nina Mang Ambet. Bakit naman, di ba? Nagkibit-balikat na lamang si Tori, "Ewan ko, hindi ko naman siya nakita. At bakit naman siya magpupunta doon? Pulis ba siya? Hayaan na nga natin ang mayabang na 'yon." At mabilis na siyang humakbang sa dala nilang sasakyan ni Inah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD