Chapter 13 - Kiro

2360 Words
Hindi pa man naihihinto ang tricycle ay mabilis nang lumabas mula sa loob nito ang dalaga. Nakasunod sa likuran nito ang tanod na si Ador, samantalang humahangos namang humahabol si Pedring. Ilang metro ang layo nila mula sa isang bahay na may iilang mga taong nagsisipag-usyoso, kitang-kita sa mga mukha nito ang takot. Ilang mga kalalakihan ang naroroon na halatang nag-aalangan din sa sitwasyon. Naalala ng dalaga, kanina’y narinig niyang binanggit ni Pedring na may hawak na baril si Kiro. Si Kiro ay isang half-filipino, half-japanese na pamangkin ni Mang Ambet. Matanda lang siya dito ng mga limang taon pero dahil sa dugong banyaga ito, hindi nalalayo sa kaniyan edad ang pisikal nitong anyo. Minsan na itong nagparamdam sa dalaga ng pagkakagusto ngunit sa kasamaang-palad, tinanggihan iyon ni Tori. Ani ng dalaga’y hindi niya ito mabibigyan ng pagkakataong maniligaw dahil bukod sa nakatali ang buong atensiyon niya sa pagiging ina ng Macabebe, wala itong planong magpaligaw talaga. May isang taon na ring lumipas mula nang huli silang nag-usap nito nang maayos at kung minsan mang magkakasalubong sa baryo ay sibil lang na tatanguan nito ang dalaga at dederetso na ng lakad. “Si Kapitana.” “Tabi muna kayo, mga kasama. Nandito na si Kap.” “Kap, magandang hapon po.” Halos sabay-sabay na bumati ang mga naroroon. Isang mabilis na tango ang iginanti sa kanila ni Tori bago nito hinanap ng may seryosong mukha si Mang Ambet. Ahad naman nitong nakita ang pakay. Lumapit ito sa kaniya at naiiling na magsasalita sana nang maunahan na ito ng dalaga. “Ano po’ng nangyari, Mang Ambet? Papa’no po’ng may baril si Kiro?” Dismayadong sumulyap ang nasa sisenta anyos na matanda. “Hindi ko nga din alam, Tori. Basta na lang siyang dumating ng bahay nang namumula ang mga mata. Tahimik nga lang siya noong una pero maya-maya, narinig ko na lang si Naida na umiiyak. Nang tingnan ko ang nangyayari sa loob ng kuwarto nito, may hawak na nga siyang baril. Hindi niya naman tinutok sa isa, pero pinalabas niya ‘ko ng bahay, pinaiwan si Naida. Ako ang tinutukan niya. Hinahanap ka at sinabing papuntahin ka dito kung ayaw naming may masamang mangyari sa kaniyang pinsan.” Nanlulumong napahawak sa kaniyang noo si Tori. Ampon ni Mang Ambet si Naida, kasing-edad ito ni Kiro. Hindi niya nakikitang close ang dalawa pero hindi rin naman niya nariringgan na hindi ito pinakikitunguhan ng maayos ng binata. Though narinig na niya kay Wanda, na may gusto dito si Naida. Sa liit ba naman ng kanilang baryo at sa radar ni Luwanda, imposibleng wala siyang maririnig na mga updates sa kaniyang mga constituents. Hindi nga lang siya iyong tipo na magdadagdag sa kuwento. “Basta narinig ko na lang kanina na nahihirapan na raw siya at gusto nang magbago. Kailangan niya daw ikaw na makausap.” Bakas sa mukha ni Mang Ambet ang hindi matatawarang pangamba nang mga oras na iyon. Sasagot pa sana si Tori nang bigla’y nakarinig sila ng isang tila nabasag na vase mula sa loob ng bahay. Sunod-sunod iyon kasabay ng malakas na iyak ni Naida. Hindi na nag-aksaya ng panahon ang dalaga, humakbang siya papalapit sa bahay ni Mang Ambet. Nagsimulang magsipag-ingayan ang mga naroroon, karamihan ay nagsasabi sa kapitan na mag-iingat habang ang iba’y pumipigil. Dumating na din ang mga pulis na noo’y mabilis niyang kinausap na kung maaari ay siya na muna ang makikipag-negotiate sa lalaki na nasa loob. “Kap, sigurado po kayo?” “Sigurado po ako, Officer. Kilala ko po ang taong ‘yan. Hindi po siya likas na masama. Ako na po ang bahala,” anito pa kaya naman tumango na lamang ang opisyal ng PNP. Wala naman sanang kinalaman ito sa pambabasted ko sa’yo, Kiro. Ingat na ingat na pumasok ng bahay ang chairwoman. Sa mismong main door ito pumasok pero dahil sa tila nagtatalo ang dalawang tao na nasa loob ay mukhang hindi siya napansin ng mga ito. Nang bahagya siyang sumilip ay nakita niyang si Kiro iyon at Naida habang ang huli'y umiiyak. May hawak ngang ang binata pero sa unang tingin pa lamang ni Tori, sigurado siyang hindi iyon tunay na baril. Hindi rin iyon nakaumang sa dalaga at kung titingnan ang dalawa'y para pa ngang magkasintahan itong nagtatalo. “At ako? Ano ako sa’yo? Paninindigan mo na lang ba ang sinabi ng mga kaibigan mong pustahan nyo lang ako?’ Nakiramdam si Tori. Matagal bago sumagot si Kiro kaya naman napilitang sumilip ang dalaga mula sa kaniyang kinakukublihan. Nakita niyang wala itong kibo at blangko lamang na nakatitig sa sahig na nasa harapan. “Kiro, sagutin mo naman ako. Kung sasabihin mo’ng hindi totoo ang mga narinig ko, maniniwala ako sa’yo. Minahal mo ba’ko talaga?” halos maghalo na ang luha at sipon ni Naida sa pagsusumamo kaya naman napapikit ng mariin si Tori nang marinig ang sinabi ng binata. “I’m sorry, pero tanga ka lang kasi dahil pinili mong magpaloko. Alam mo namang simula pa lang noon, iisang babae lang ang gusto ko. At iyon ay si T-Tori.” bahagya pang pumiyok ang pagkakabanggit ni Kiro sa kaniyang pangalan. Doon na hindi nakatiis ang dalaga. “Itigil mo ‘yan, Kiro!” Kapwa napanganga ang dalawa dahil sa gulat sa biglang pagpasok ng babaeng kababanggit lamang ng binata. Pero hindi iyon pinansin ng kapitana. Mabilis itong nakapasok sa loob ng bahay at habang dere-deretsong naglakad patungo sa harapan ng lalaki’y bumaling si Tori kay Naida at nagsalita. “Naida, lumabas ka na. Ako na’ng bahala dito.” “Bakit ba kasi ganiyan ang tingin mo sa’kin? Hindi naman ako mananakit.” nakabaling kay Naida si Kiro. Umangat ang isang kilay ng dalaga at pagkatapos noo’y matalim na tinitigan ang lalaki. Mukha namang namatanda ito at hindi na nakagalaw kaagad. Huli na nang inangat nito ang “baril” para tutukan si Tori. “K-Kap, may baril po si Kiro.” “Kiro, bitawan mo na si Naida, at mag-uusap tayo. Hindi mo din kailangan ang baril. Kung anuman ang problema mo, pag-uusapan natin ‘yan ng maayos at pangako, gagawin ko ang lahat para matulungan ka sa problema mo. But please, release Naida, now.” “Lumabas ka na, Naida. Go.” Pasigaw na sambit niya kaya naman natataranta ring sumunod ang huli. Kasabay noo’y inilingan ni Tori si Kiro. “Puwede ka nang lumapit, Kap.” "Lalapit ako Kiro, pero sinasabi ko sa'yo, sa ginawa mo'ng ito, alam mo na kung ano ang gagawin ko sa'yo." Her voice is void of empathy. “Tsk, Kiro, ano itong ginawa mo? You created chaos because of your childish act at idadamay mo pa ako dito?!” galit na sinigawan nito ang binata kasunod ng pag-angat ni Tori ng kaniyang mga kamay. Mabilis nitong naagaw ang hawak ni Kiro and she were right, the gun is a fake one. Bago pa man makahuma ang binata'y isang mabilis na suntok sa mukha ang nakuha nito kay Tori saka iniikot ang katawan ng lalaki ay sinipa sa binti nito. Tori know martial arts, she's a black belter to be exact. Alam niyang kaakibat ng kaniyang responsibildad sa kaniyang barangay ay ang posibilidad na makaka-encounter ito ng mga ganitong pagkakataon. "A-Aray, Kap. A-awat na po." "Ah, so ngayon pumo-po ka na sa'kin?" hawak-hawak ni Tori ang namimilipit sa sakit na kamay at braso ni Kiro, at halos hindi na rin ito makatayo dahil sa malamang injury na nakuha nito mula sa galit na kapitana. "Ibibigay mo sa akin ang listahan ng mga kaibigan mo'ng yan sa ospital. Umayos ka, Kiro, dahil hindi ako mangingiming ipakulong ka kapag hindi ka sumunod sa sasabihin ko." ---------------------------------- “Pare, sandali. Mukhang hostage scene yata ang nangyayari.” Pero hindi pinansin ni Marcus si Declan. Mabilis itong lumabas ng kotse matapos mai-park sa hindi kalayuan mula sa mga nag-uumpukang mga tao. Kitang-kita din nilang may naka-stand by nang ambulansiya katabi ng PNP patrol car kung saan ay nakatayo ang nasa limang unipormadong mga pulis. “Sir, sandali lang po. Bawal na po kayong tumuloy.” Mabilis na hinarangan ng mga pulis si Marcus. Tahimik lang na nakamasid sa likuran ang kaibigan, bakas sa mukha nito ang ngisi sa narinig mula sa mga pulis. Mukhang nahuhulaan na nito ang susunod na mangyayari at hindi nga ito nagkamali. Pasimpleng kinausap ni Marcus ang tila head ng responders. May kinuha mula sa bulsa nito ang binata at ipinakita iyon sa kausap. Kitang-kita ni Declan ang pagbabago sa mukha ng pulis. Agad nitong tinanguan si Marcus at nagpatuloy sa pag-uusap. “Nasa loob na si Kapitana, less than five minutes ago. Ayaw-” “Itigil mo ‘yan, Kiro!” Naputol ang sasabihin ng pulis nang bigla silang makarinig ng isang malakas na sigaw. Sigurado si Marcus, boses iyon ni Tori. Nagsimula nang magkaguluhan ang mga taong nakikiusyuso, lahat ay nangangamba sa mga susunod na mangyayari. Wala nang inaksaya pa’ng panahon si Marcus. Mabilis nitong tinungo ang direksyon ng kusina. Mataktika nitong pinag-aralan ang susunod na gagawin hanggang sa nahagilap nito kung nasaang bahagi ng bahay naroroon ang chairwoman at ang dalawa pa nitong kasama. Walang ibang nasa isip si Marcus nang mga sandaling iyon kundi ang masigurong hindi masasaktan ang dalaga. Nang mabilis nitong mapagtanto ang bagay na iyon, agad nitong sinabi sa sarili sa normal lamang na reaksyon iyon lalo pa sa isang tulad niya. Nakatagilid sa kaniya ang dalaga at ang Kiro nang madatnan niya ang mga ito sa salas ng bahay. Kiro is now holding Naida. He’s taking her as his hostage pero hindi naman nakatutok ang baril. May pagkakataong itinataas ni Kiro ang hawak na baril habang nasa harapan nito si Tori wala pang tatlong metro ang layo. “Bakit ba kasi ganiyan ang tingin mo sa’kin? Hindi naman ako mananakit.” Ani ni Kiro sa dalagang kaharap. Na kay Tori ang mga tingin nito, halatang namumula ang mga mata. Si Naida naman ay tahimik lamang na umiiyak habang nakapulupot sa leeg nito ang kanang braso ng lalaki. “Kiro, bitawan mo na si Naida, at mag-uusap tayo. Hindi mo din kailangan ang baril. Kung anuman ang problema mo, pag-uusapan natin ‘yan ng maayos at pangako, gagawin ko ang lahat para matulungan ka sa problema mo. But please, release Naida, now.” May kakaibang awtoridad sa boses ng dalaga and he can sense it’s not only because she’s the chairwoman. He admitted to himself, there’s something in her that’s intimidating. Natigilan si Kiro.Dahan-dahang lumuwag ang pagkakapulupot ng braso nito sa leeg ni Naida. Mukhang hindi pa rin siya napapansin nang mga ito dahil na rin sa kabinet na pinagkukublian. Sumenyas si Tori kay Naida. Unti-unting humakbang ang dalagad papalapit sa kapitana habang nanatiling seryoso at matalim ang mga tingin ng huli ay Kiro. Sinenyasan ni Tori si Naida na lumabas na ng bahay. Atubili mang sumunod, wala na ring nagawa ang huli hanggang sa ang naiwan na lamang ay ang dalawang magkaharap. “Puwede ka nang lumapit, Kap.” Hinagis ni Kiro ang baril sa isang upuan at itinaas ang dalawang kamay. Nangunot ang noo ni Marcus nang makitang dahan-dahang gumalaw ang babae para nga lumapit. She’s really stupid! Nanggigigil niyang anas sa sarili. Matangkad ang Kiro at sa ngising nakikita niya sa mukha nito, alam niyang may masamang binabalak ang lalaki kay Tori. "Lalapit ako Kiro, pero sinasabi ko sa'yo, sa ginawa mo'ng ito, alam mo na kung ano ang gagawin ko sa'yo." Her voice is void of empathy. And before Marcus knew it, hindi niya naiwasan ang mapanganga na lamang sa nakitang sumunod na nangyari. He couldn't believe what he is seeing right now. He is sure, Tori knows how to fight at hindi nanaisin ng kahit sinong sira-ulo ang makabangga sa ganitong pangti-trip ang nag-uusok sa galit na kapitana. "A-aray, K-Kap tama na po." "Ibibigay mo sa akin ang listahan ng mga kaibigan mo'ng yan sa ospital. Umayos ka, Kiro, dahil hindi ako mangingiming ipakulong ka kapag hindi ka sumunod sa sasabihin ko." Maya-maya'y pumasok na rin ang mga pulis kasama ang rescue team na noo'y umalalay na kay Kiro para madala sa ospital. Sigurado si Marcus sa nakita, hindi basta-bastang pambubugbog ang inabot ng binata. Hindi sinasadyang nagawi sa kaniyang direksyon ang tingin ni Tori. Napalunok si Marcus. Ramdam niyang mukhang nakita siya ni Tori dahil sa pagkakakunot ng noo nito pero sa bilis ng kaniyang kilos, alam niyang hindi siya nito naabutan. Mabuti na lamang at narinig niyang tinawag ito ng police inspector na kausap nito. Pupuslit na sana siya palabas ng kusina nang marinig niya ang sinabi ng hepe ng Paraiso. "Huweifang Triad po, Kap. At ayon sa aming pagmamanman, mukhang nakapasok na sila ng bayan ng Paraiso." Marcus froze. He, of course knew the organization. This is actually his purpose. But hearing that the organization was able to infiltrate Paraiso, is a different matter. Tahimik na bayan ang Paraiso at nakita niya kung gaano kasimple ang pamumuhay ng mga tao dito, lalo na sa Macabebe. How come she wasn't able to know it? Ayon sa kaniyang nalaman kanina, the organization has been operating for a year. Idagdag pang nalaman din ni Marcus na ang hapon na nang-hostage kanina ay itinuturin din nitong kaibigan. Tumunog ulit ang kaniyang cell phone. When he swiped it, he was able to confirm. Ang Kiro na nang-hostage kanina at ang Kiro na tinutukoy sa intelligence report ay iisa. Mula sa kinatatayuan ay kitang-kita ni Marcus ang seryosong mukha ni Tori habang nakikipag-usap sa mga pulis. May pagkakataong umiiling ito hanggang sa nakita niyang tumango ito sa sinabi ng hepe ng PNP station ng Paraiso, bago nagsimulang bumalik sa patrol ang mga pulis. "Marcus, okay ka lang?" seryoso ang boses ni Declan. Kapag ganito na ang tono nito'y alam na ni Marcus na may hinala na ito sa nangyayari. "Hindi ako magtatanong, man. Pero may pakiramdam akong may ibang dahilan kung bakit ka nandito." Sinulyapan muna ito ni Marcus bago pumasok ng sasakyan. Mabilis din itong sumunod na pumasok sa passenger seat. "Is she involved?" but Marcus stayed silent. An indication for Declan not to pursue the question. "Sana'y hindi naman. Kakaiba siyang babae." Yeah. And you just don't know how.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD