"Ang sabihin mo, manloloko ka talagang hayop ka!"
"T-Teka, sandali naman, mahal. Masakit 'yon, a." Himas-himas ng lalaki ang mukha nito may kalmot mula sa kuko ng misis.
"Ahh, masakit...pero no'ng kinakalmot ka dahil sa sarap, hindi. Walanghiya ka talaga!" Pilit na inaabot ni Cita ang long hair na asawa nitong si Lino. Nanggigigil ang babae at mukhang napuno na talaga sa pambababae ng mister.
Mabilis namang pumagitna si Wanda, ang baragay secretary ng Macabebe for the past five years. Kung kelan nagsimulang manungkulan si Tori ay ganoon din katagal ito. Pinsan naman ito ni Inah, sa mother side.
"Awat nga, sandali!" Itinaas nito ang dalawang kamay habang bakas sa mukha ang panggigil, para sana salagin ang sampal ni Cita, pero sa malas, si Wanda ang tinamaan. Nanlalaki ang mga mata nang huli. Napaurong naman si Cita nang makitang lumaki na ang butas ng ilong sa sekretarya.
"Naku, naku. Ano ba naman kasi Luwanda at nandiyan ka sa gitna. Eh, dapat para sa tukmol na 'yan ang sampal na 'yun." halata sa mukha nito ang pagkakataranta habang si Lino naman ay tila nakakita ng pagkakataon. Dahan-dahan itong naglakad ng tahimik papalabas ng barangay hall para tumakas.
"Sandali nga at tumahimik ka muna!"
"Ah, pino-proteksyonan mo 'yang lalaking 'yan, Luwanda?!"
"Eh kung sapakin kaya kita, Lucita? Kanina pa tayo nandito pero wala akong maisulat na report dahil sa titigas ng ulo niyo! O baka gusto niyo pa'ng maabutan kayo ni Kap, para siya na ang mismong magbitbit sa inyo sa munisipyo!"
"Mayabang ka talaga, Luwanda. Palibhasa, ako ang pinili ni Lino at malapit ka kay Kap kaya ka matapang. Sipsip!"
"Aba't...ano'ng sabi mo?"
Ngayon, imbes na ang mag-asawa ang awatin ng tanod na si Mang Dolfo at ng kagawad na si Rosalinda, ang dalawang babae na ang pilit nitong pinaghihiwalay. Kamuntikan na ring mahablot ni Wanda ang buhok ni Cita, habang ang huli nama'y susugod na din sa nauna kung hindi lang naiharang ni Mang Dolfo ang katawan.
"Tumigil na nga kayo at papunta na dito si Kapitana!"
Bahagyang kumalma si Wanda kaya naman nakita nito ang akmang pagtalilis sana ng mister na inire-reklamo.
"Hoy, bumalik ka dito, animal ka." pero hindi sumunod ang lalaki. Tatalilis na sana ito ng alis nang biglang mabangga nito ng hindi sinasadya ang isang matigas na dibdib. Nang tingalain nito kung sino, ang nakaismid na si Inah ang agad nitong nakita.
"Op, op. op. Saan ka pupunta? Ikaw, tatakas ka ano?" mabilis nitong naitulak ang mukha ni Lino habang nakangiwi pang pinandilatan ang lalaki. Kaso nang maitulak ito ng bakla, bigla din itong bumwelo at tatakbo papalabas ng hall, nang si Tori na mismo ang nasalubong nito. Mabuti na lamang at maliksing nakaiwas ang dalaga. Mabilis din ang kamay nito at agad na nasalo ng kanang kamay nito ang mukha ng lalaki. Mabuti na lang dahil kung hindi, malamang ay sa bandang dibdib ng dalaga tumama ang mukha nito. May kaliitan kasi ang Lino. Sumakto ito sa palad ng dalaga na agad namang itinulak ni Tori pabalik. Napaatras ito nang makita kung kanino ang malambot at mabangong kamay ang lumapat sa mukha nito.
"Ano ba'ng nangyayari?"
"K-kap? P-pasensiya na po," natatarantang napabalik sa kaniyang kinatatayuan kanina si Lino. Nang marinig ang pangalan ng tinawag, agad tumahimik si Cita sa katatalak nito na hindi pala tumigil kanina. Alanganing nangiti sa kadarating lamang na chairwoman. Samantalang si Wanda naman ay halos magliyab na sa pagpipigil. Mukhang may spark pa rin ang alitan ng mortal enemies. Silang dalawa iyon - Wanda at Cita.
"Magandang hapon po, Kapitana." ani ni Wanda. Hi-ned to foot ito ng pinsan nang malapitan.
"Kap, good afternoon po."
Halos sabay-sabay na bati ng mga nasa loob ng barangay hall. Nadatnan nila Tori at Inah ang dalawang tanod, isang kagawad, ang mag-asawang Cita at Lino, at si Wanda. Ito ang emergency na itinawag ni Nanay Nita kani-kanina lamang habang nanananghalian sila sa villa.
"What happened to you?" nakangiwing tanong ni Inah sa pinsan pero hindi ito sinagot ni Wanda. Abala na kasi ang huli dahil nariyan na si Tori.
Pormal na tumango ang chairwoman sa mga bumati. Pero nang mabaling ang tingin nito kay Wanda, kagat-labi nitong iniiwas ang tingin at ipinukol kay Inah. Paano ba naman kasi'y sa liit ng kaniyang sekretarya, siya namang nagmukha itong amasona dahil sa mukha nitong halos umusok na nga ang ilong sa galit. Mabilis nitong inayos ang sarili habang bumabaon ang mga mata nitong nakatitig kay Cita. and huli naman nang mga oras na iyon ay tahimik lamang sa isang tabi, kung saan katabi rin nito ang asawang inirereklamo.
Sa bayan kasi ng Macabebe, kilala ang dalagang chairman na mabait, marunong makisama at madaling lapitan, ngunit sa oras na ito'y magalit? Hindi mo na iisipin next time na umulit pang bigyan ito ng dahilang magalit ulit.
Tumikhim si Tori. Mabilis na binasa ang maikling initial report ng kasalukuyang sitwasyon ng mag-asawa. Napa-tsk ang dalaga nang makitang mukhang sumasakabilang-bakod ang inirereklamong mister.
Bago pa man niya kausapin ang dalawa'y sumulyap muna siya sa kaibigan na si Inah. Nagpaalam na kasi itong may pupuntahan.
"Iyong pinabibili kong strawberry jam, mang. Please don't forget."
"Copy. Ako na'ng bahala ang maghatid bukas sa villa ha. Para naman makita ko ulit ang mga guwapo."
"Yeah, by all means. Basta siguraduhin mo lang na maibibigay mo ang pinabibili ko kay Aaron."
Mabilis din nitong kinausap muna si Wanda bago tuluyang umalis si Inah. Hinatid niya lang talaga ang dalaga.
Sumunod ay seryoso nang hinarap ni Tori ang mag-asawa.
While sitting in her chair, she leaned forward on her table pagkatapos ay pinagsalikop ang dalawang palad.
"Cita, Lino. Ano ba'ng nangyari, bakit kailangan ko kayong makita na nasa ganitong sitwasyon?"
"Kasalanan po kasi ng babaerong ito, Kap. Nahuli ko po sila ng kabs niya." nagsimula nang umiyak si Cita. Nasa mid-thirty ang babae at kung titingnan ay mukhang may hawig ito sa sikat na komedyanteng si Kakai Bautista. Dumako naman ang mapanuring mga mata ni Tori sa mister nitong si Lino. Nakayuko na ito ngayon at wala pa man siyang sinasabi, mukhang guilty as charged nga ang inirereklamo. Napahinga ng malalim ang dalaga.
"Paano mo naman nasabing may iba nga si Lino, Cita. Eh, sa nakikita ko nga, mukhang sobrang sipag nga sa paghahanap-buhay si mister. Mukhang nanlalalim pa ang mga mata at nangangayayat yata."
Napaangat ng tingin ang Lino. Hindi man nito sabihin, mukhang nakuha nitong may ibang mensaheng nais iparating ang kapitana sa sinabi nito. Nang magtama ang kanilang mga mata, titig na titig ang dalaga dito at tila may ibang mensaheng inihahatid ang mga titig nito.
Napahinga ng malalim si Tori. Lately ay may bali-balitang nakakarating sa kaniya na ang kabilang baryo na siyang katabi ng Macabebe, ang Magayon, ay mukhang napasukan ng ilegal na pasugalan at prostitusyon. Hindi pa man nangyayari ang paghaharap na iyon sa barangay hall, may nakarating nang balita kay Tori na itong si Lino nga ay mukhang napapadalas doon at may kinahuhumalingang ibang babae. She personally knew the couple, dahil bago pa man naging mag-asawa ang mga ito, Lino was Wanda's TOTGA. Kaya nga kanina ay hindi na siya magtataka kung merong hugot ang nangyari sa sekretarya niya at sa nagrereklamo.
"Lino, magsabi ka ng totoo, meron nga ba?"
Tumahimik sa loob ng silid. Tanging ang tunog lamang ng split-type aircondition ang maririnig nang mga sandaling iyon. Umatungal na ng iyak si Cita. Si Wanda na nang mga sandaling iyon ay naayos na ang sarili ay tahimik lamang na nakamasid sa mag-asawa.
"Okay ka lang?"
"Ayos lang po, Kap. Kung hindi lang ako naaawa dito kay Cita, naku hindi ko palalampasin 'yung ginawa niya sa'kin kanina." Inis pa ring turan ni Wanda pero tumahimik na rin ito at hindi na nagsalita.
"Ano na lang ang mararamdaman ni Buboy kapag nalaman niya ito, Lino? Kawawa naman ang bata kapag hindi ka nagtino."
"Eh, masisisi niyo po ba ako, Kap, kung maghanap po ako ng sariwa kung ganitong ni hindi man lang marunong ag-ayos itong si Cita? Lagi na lang nasa kusina at si Buboy ang inaasikaso. Ni hindi na nga makapaligo sa loob ng isang araw." Biglang tumapang si Lino. Tila naninisi pa ang mukhang hinarap at nginisihan ang asawa. Napanganga si Wanda, hindi inaasahan ang sagot ng TOTGA nito.
"Siraulo pala 'to," mahinang nasambit ng sekretarya.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Tori. Tahimik itong tumayo, pero bago iyon, sinenyasan nito si Lino na lumapit. Humakbang papalapit ang dalaga sa lalaki at bago pa man mahinuha ng lahat ang susunod na mangyayari, isang malakas na suntok ang pinakawalan ng chairwoman. Tumama ito sa panga ng Lino na noo'y tila nakakita ng estrelya.
"Hindi ako mangingiming suntukin ka pa ng isang beses kung ganiyang sa pagiging isang maalagang maybahay at ina ng iyong asawa, at nakaligtaan lang maligo ng isang beses e mambababae ka na!" Gigil na gigil si Tori.
"Upo! Mag-uusap tayo, animal ka. Hindi kailanman dahilan ang sinabi mo para lang sirain ang tiwala ng asawa at anak mo sa'yo. Upo!" isang sigaw pa ni Tori at nanginginig na tumalima ang lalaki. Si Cita naman ay napanganga habang ang iba pang naroroon ay tahimik lamang na nagmamasid sa dalagang namumula na ang pisngi sa ginagawang pagtitimpi.
For those who have been with the chairwoman, alam na nila ang mangyayari kapag ganitong galit na ang kanilang kapitana.
Iyon ang eksenang naabutan nina Marcus at Declan.
"Man, she's really something." Nakaawang ang mga labing sambit ni Declan.
"Mawalang-galang lang po, pero sino po ang hanap nila?" Ani ni Kagawad Rosalinda , na noo'y nakalapit na pala sa kanila. Napansin pala sila nito at ngayon nga'y nakangiti sa kanilangharapan.
Tila hindi naman sila napapansin ni Tori. Seryoso ang mukha nito at nang mga sandaling iyon, hindi maalis-alis ni Marcus ang mga tingin sa mukha ng dalaga. Mula sa namumula nitong mga pisngi hanggang sa pagkakasalubong ng mga kilay nito, the woman for her is quite enchanting to stare.
Isang mahinang pagsiko ang nagpabalik kay Marcus sa reyalidad. Nang ibaling niya ang tingin sa kaibigan, nakanguso nitong itinuro ang kagawad nang may nag-aalangang ngiti.
"Naku, mga Sir, pasensiya na po, pero kung si Kapitana po ang sadya niyo, mukhang wrong timing po."
"Ganoon ba?"
Sasagot sana ang kagawad nang walang anu-ano'y isang humahangos na lalaki na nasa mid-thirty yata ang edad ang nagkukumahog na pumasok ng barangay hall.
"Pedring, ano'ng nangyayari? May kaso si Kap ngayon."
"Kagawad, pasensiya na po, pero kailangan kasing magpunta ni Kap kina Mang Ambet. Si Kiro po kasi, nakalaklak na naman, ayun at nagwawala."
"Ano?! Eh, ang mga tanod, nando'n na ba?"
"Nandon na, pero hindi makalapit, may baril kasi saka si Kap ang hinahanap."
"Pedring, ano'ng problema?" Nagtama ang mga mata nila ni Tori pero hindi siya pinansin ng dalaga. Nasa nagpa-panic na mukha ng kadarating lamang na lalaki ang atensyon nito.
"Kap, si Kiro po kasi, sinumpong na naman. May baril naman po'ng hawak ngayon!"
"Nalintikan na. Wanda, Kagawad Rosalinda, kayo po muna ang bahala dito ha. Kuya Ador, 'lika na bilis!" At nagmamadali nang nilisan ng dalaga ang barangay hall, kasama ang isa pang kagawad na tinawag nitong Ador. Sumakay ang mga ito sa tricycle na dala noong Pedring. Ni hindi man lang sila nilingon nito.
"What the hell? She'll really go to that crazy man?" huli na nang marealize ni Marcus, he just said what was in his thoughts at may pakiramdam siyang hindi niya din magugustuhan ang susunod na mangyayari.
"Teka, sa'n ka pupunta?" nagulat si Declan nang mabilis na nilakad ni Marcus ang pagitan nila mula sa kotse.
But Marcus didn't answer. He just want to chase her. All he wants to do ay mapagsabihan man lang niyang huwag basta-basta susugod ito sa panganib, hearing that Kiro has a gun.
Damn, this sss woman.
Tumunog ang cell phone ni Marcus. Nang tingnan niya kung sino ang nasa kabilang linya, mabilis niya itong sinagot.
"Marcus, kumpirmado ang isang lead. There's certain Kiro in that area na siyang may direct contact daw sa triad."
"What? Send me the complete details now, Luther."
Could it be the Kiro he just heard of at ang Kiro na tinutukoy ni Luther ay iisa?
Sa naisip, ang kaninang pag-aalala ay tila binuhusan ng malamig na tubig. He just realized his mission is about to be jeopardized kapag hindi siya nag-isip ng maayos.
She's your subject, Marcus. Focus. Bago tuluyang masira ng babaeng iyon ang misyon.