Mahinang napamura sa kaniyang sarili si Marcus. As he watches Tori and her companions walked towards the big gate, napaisip siya kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang inakto kanina dito.
But wait, hindi ba't iyon naman talaga ang dapat?
Naiinis siyang napatiimbagang. Ever since he'd met her, may pagkakataong nawawala siya sa focus dahil sa bigla na lamang susulpot ang dalaga sa kaniyang isipan. He must remind himself to be neutral and detach from everything that could trigger his failure. This should not happen. Ano'ng nangyayari sa kaniya at bakit tila napangungunahan siya ng inis dahil lamang sa mga bagay na walang ka-kwenta-kwenta?
Kailangan niyang masiguro na walang distraction na mangyayari sa kaniyang pananatili sa lugar na iyon.
Isa pa, really? Sa edad niyang treinta, why does he feel like a teenager kapag nasa paligid ang babae? Bakit sa tuwing pumapasok sa kaniyang balintataw ang maamo pero matapang at may katarayang dalaga ay may kakaibang damdamin siyang nararamdaman? Countless women, he had met and bedded pero ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito, not even to his long-time bed buddy na si Samantha. He must reprimand himself na kung dinadaan siya ni Tori sa karisma nito, he will not let it happen.
Ang tanong Marcus, dinadaan ka nga ba? E mukha ngang wala siyang pakiaalam sa'yo. Not like other women who will just do everything, mapansin mo lang.
Banas na ginulo ng binata ang kaniyang buhok. Sa nakalipas na ilang araw niya pa lang nakaharap ang babae, mukhang may delubyo pa yata itong hatid sa kaniya. She can make him forget for a while kung bakit nasa Macabebe siya. Kahit na nga ang kaniyang bed exercise ay hindi na niya nagagawa dahil nawalan na rin siya ng gana. Thinking of Samantha na ilang beses nang kumokontak sa kaniya, he had realized na almost a week na rin pala siyang "diet". Kung noong una'y hindi siya nakakatiis ng dalawang gabing walang aksyon kasama ito o ang ibang babae, ngayo'y hindi na nga niya namalayan ang mga araw na lumipas.
This is her fault. Marahas na napasuklay ulit sa kaniyang buhok si Marcus. Naaasar siya sa sarili dahil sa hinayaan niyang guluhin ng babaeng iyon ang normal na takbo ng kaniyang s*x life. Ang masaklap, tumatayo lang ang kaniyang junior kapag ito ang nasa isipan niya. Those two awkward moments they have, doon lang talaga ito sumasaludo.
He turned around to get back inside the dining nang agad niyang nakita sina Vaughn at Tom habang nakahalukipkip. Nakatayo ito sa kaniyang harapan, mismong sa living room. Declan on the other hand is comfortably sitting on the couch. Mataman din itong nakatitig sa kaniya katulad ng dalawa.
Salubong ang dalawang kilay niyang tiningnan ang mga ito. "What's with those stares?"
Napahimas sa kaniyang baba si Tom. "Man, you're rude. She's the chairwoman of this community pero sinungitan mo."
"Yeah. You were some kind of an a-hole a while ago. Tapos hindi ka rin namin naringgan na inimbitahan mo 'yung tao na dito mag-lunch kanina. What's the matter, dude?"
"Worst is, you have insulted her noong ipinagpilitan mo pa'ng bayaran 'yung repair fee ng sasakyan. Bakit ba parang bigla ka namang naging masungit sa babae?" ani ni Declan, halatang naaasar sa nangyari.
But he didn't entertain the questions. Umupo lamang siya sa isang malaking single couch at napatitig sa kisame.
Bakit nga ba? Gayung ang natatandaan lamang niya ay nakaramdam siya nang inis nang mapansin niyang tila walang ganang humarap sa kaniya ang dalaga. He felt insulted dahil pakiramdam niya, siya ang mas naunang naging "close" sa babae and yet, mukhang mas magaan pang ngumingiti ito sa tatlong bugok niyang kaibigan.
"I think, I have an idea why you're acting that way, pare. Hindi ka sanay ano?"
Umangat ang isang kilay nito sa sinabi ni Vaugh. "Hindi sanay sa ano?"
May inis sa kaniyang boses dahil matapos nitong sabihin iyon ay ngumisi si Tom habang si Declan naman ay napangisi na rin at napapailing.
"Well, we know for a fact that she's the one you were embracing yesterday. Siya ang babaeng pinrotektahan mo dahil sa ginawa ng sutil na si Finley."
Namilog ang mga mata ni Declen. "No, s*it. Seriously? Si Tori...err..Kapitana iyon?" biglang kambyo nito. Nang marinig kasi ni Marcus ang muling pagtawag nito in first name basis, pinaningkitan niya ito ng mata. Hindi niya alam, pero naaalibadbaran siyang malaman na mabilis gumaan ang loob ng dalaga sa kaniyang mga kaibigan. While him, mukhang may nakahandang mga pangil sa kaniya ang babae.
"Man, I know now. Dahil hindi ka sanay na hindi ka nagiging apple of the eye ng mga babae, kaya ka ganiyan. Tama?"
Tom chuckled, "Mukhang nakakita ka yata ng katapat kay Kapitana, pare. Sabagay, it's a big blow na ang isang Marcus Jace Sy ay hindi man lang mabigyan ng isang matamis na ngiti ng isang dilag na kasing-ganda at sexy ni Kapitana. Mukhang tagilid ka nga doon, pare."
"Tsk, mukhang wala ka nang kawala talaga kay Samantha niyan, 'tol. Pang-Samantha Dizon ka na lang talaga, pare." Tila pinipigilan ni Vaughn ang matawa pero hindi nito nagawa lalo pa nang sumenyas si Declan nang thumbs down.
"Don't you engage me in this stupid and nonsense assumption? It doesn't matter and she's not into my league."
"Hindi naman sa ganoon, pero nakakalungkot lamang isipin na wala ka palang epekto sa kaniya ang isang Marcus Sy, lalo pa't bago pala nangyari ang kahapon, meron na palang eskenang nangyari sa labas ng gate. Inah and Aaron told us. Mukhang ginawa pa nga daw kayong love team dito sa baryo, sabi ni Manang Sonia."
"And yet, hindi siya apektado sa'yo. Mukhang nawawala na ang epekto ng pangma-magnet mo sa mga tsiks, man."
Ngumisi si Marcus but deep inside him, it was really a pain in his ego. Hindi naman siya playboy katulad ni Declan. Ito lang naman kasi ang madikit sa mga babae dala na rin ng propesyon at kasikatan nito. Pero hindi din naman siya ang klase ng lalaking hindi papatol kapag nilapitan at natipuhan for a one night stand. Ang ipinagkaiba din nila'y dahil sa kaniyang trabaho, sobrang tutok siya noon at ngayong nandito naman siya sa Pilipinas, being Samantha as persistent as she is, and being a wild partner in bed, kuntento na siya dito.
Pero ibang usapan na siyempre kapag ang isang tulad nga naman niya ay hindi mapansin-pansin ng dalaga. As far as he knows, wala pang babaeng nakakatanggi sa kaniyang karisma. In short, wala pang babaeng hindi ngingiti sa kaniya ng matamis at magpapa-cute.
"Well, mukha naman kaming okay kay Kap, so I guess, that's all matter."
"What would be the price kapag napaamo ko? Tatahimik na kayo?" Bahagyang nanggigigil niyang tanong sa mga ito. Alam ni Marcus ang tinutumbok ng mga ito. They are challenging him and even it's not his thing to do such childishness, he's somehow up for it for his personal reasons.
Nagkibit-balikat ang dalawa samantalang si Declan naman ay ngumisi, "Kapag nagawa mo siyang paamuin, name your price, pare."
Tumayo na si Marcus at nagsimulang maglakad papunta ng kaniyan kuwarto. Pero bago pa man siya makahakbang paakyat ng hagdanan, nilingon niya ang tatlo. With a smirking face, he said, "Challenge accepted, and I don't need anything in return. Just wait and see, and learn from your alpha. Bababa din ang bandera."
Because there's something in her that I want to know more...
Iyon ang nasa isipan ni Marcus habang binabaybay ang hagdaan paakyat ng kuwarto. Maging siya ma'y nagtataka kung bakit parang ang bilis niyang mainis kapag kasama niya ang dalaga.
Pero aminin niya man o hindi, aminado siyang ito pa lamang ang babaeng nakita niyang may nagsusumigaw na personalidad. Not only that she's bearing a mouth-watering bum, malakas ang dating ng babae dahil sa hinaharap nito at tindig. Aminado siyang kanina nang marinig ang tungkol sa pageant na inaalok na salihan nito, bigla na lamang nag-flash sa kaniyang isipan ang katawan nitong naka-two piece, kasabay ng mga lalaking mapapanganga sa pagpapantasya dito kapag nagkataon. That was the only and quick response he had bago niya namalayang huli na kanina nang gumawa siya ng eksena sa dining table.
Napahinga siya ng malalim. "You're stupid, Marcus. Talagang magtataka 'yon sa inasal mo."
Aminado siyang nag-over react kanina sa nalaman. Ilang beses pa nga lang niyang nakikita ang babae though it wasn't in a good way, thanks for their awkward moments that the universe has created for them. But damn, hindi niya maipaliwanag kung bakit kinaiinisan niya ang pagiging impressive nito at the same time, nagagawa nitong balewalain ang kaniyang presensiya.
We'll see, Chairwoman Linares. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong panindigan.
"I like her, and I think Finley and Rocket also like her."
Natigil sa kaniyang paghakbang si Marcus. Kasabay ng pagbaling niya sa pamangkin ay ang pagtitinginan din ng tatlong kaibigan.
"Tita Ria. She's kind and brave, and if there's a girl I wanted to be your girlfriend and wife, Tito Marcus, she must be the one."
Kumunot ang noo ng binata sa sinabi ng pamangkin. Maghang napabalik ito sa baba para lapitan ang bata.
"Where did you get those thoughts, Toffy? I told you to be a good boy, right? Bata ka pa at hindi mo dapat sinasabi ang mga bagay na iyan."
Inosente namang tumingin sa kaniya ang bata bago ito nakalabing nagsalita. "Is it bad now to say honest thoughts, Tito Marcus?"
"Of course not, Aaron, but you're too young to say those stuff."
"I only said I wanted her to be your girlfriend and your wife, because I like her and because she's kind and brave. I didn't see anything wrong with it," inosente nitong pagdadahilan. Napahnga naman ng malalim ang binata. How on earth did he forget that Aaron is not an ordinary kid, but a gifted child? That even at his young age, the kid is considered a prodigy. Magaling sa arts ang bata at kung titingnan ang mga nagawa nitong paintings and sketch works, hindi mo aakalaing isang limang-taon gulang ang may gawa. It could even line up with those who are a pro.
Noong una'y hindi makapaniwala si marcus sa mga kinukuwento ng kaniyang kapatid na si Philip noong ito'y nabubuhay pa. Kahit nasa US naman kasi si Marcus noon ay constant ang communication nila ng kapatid. Sya ang kauna-unahang sinabihan nito ng tungkol kay Aaron, having the child left in a basket sa labas ng penthouse ng kapatid. Hanggang sa ipinakita nito sa kaniya sa pamamagitan ng mga litratong ipinapadala nito ang mga gawa ng bata.
"Can she be your girlfriend, Tito Marcus? I know Dad, if he's alive, he will surely like her a well."
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Marcus. Hearing it, mukhang may parti sa kaniya ang nainis. "Hey, for sure, your dad loves your mom kaya..." Napapikit si Marcus. Hindi nito natuloy ang sasabihin dahil sa bigla niyang naunawaan ang pagkakamaling nagawa. They have long forgotten to mention Aaron's mother dahil sa sumasama lamang ang loob ng bata kapag hinahanap ito at wala siyang maisagot.
Pero ngumiti ito sa kaniyang pagtataka. "Did you know Tito Marcus, I had a dream two nights ago, that I saw Mommy and she really looks like Tita Ria?"
Napaubo si Declan habang si Tom naman ay napangisi sa narinig. Hindi man nila kaharap ang tatlo'y batid ni Marcus na naririnig ng tatlo ang usapan nilang magtiyuhin. Si Vaughn ay sandaling lumabas nang tumunog ang cell phone.
"Buddy, you're just thinking too much. Siguro'y sobrang nagugustuhan mo lang ang -"
"No, Tito. I mean it. I know the woman in my dream is my mom because dad is hugging her while he's kissing her."
"Naku, ayan kasi at hindi nag-iingat. Kung bakit kasi nakita pa kayong dalawa ni Sam ng bata-"
Naputol ang sasabihin ni Declan at nawala ang pagngisi ng balingan ito ni Marcus ng isang matalim na tngin. For sure, it was the incident in New York noong kamuntikan na silang makita ng bata sa living room.
Pero ang mas ikinadilim ng kaniyang mukha ay ang bigat ng loob thinking kung buhay ang kapatid at nagustuhan ang kapitana, and the act Aaaron said will be materialized...
Damn you, Marcus. Wala na ang kapatid mo pero kung mag-isip ka'y parang pinagseselosan mo pa ito.
"Tito, you should not be jealous. If you are listening to me earlier, I said the woman looks like Tita Ria, not Tita Ria itself."
"Boom, nabasa ka 'tol. Sabi na nga ba, 'yung pang-iinis mo kay Kapitana may kakaiba, eh." Tawanan ang tatlo sa inabi ng makulit na si Declan. nakabalik na ri si Vaughn at nakitawa dahil sa narinig. Ngingiti-ngiti naman si Aaron bago mabilis na tumakbo papasok ng sariling silid.
"Man, admit it. Apektado ka ay Kap, sinusungitan mo dahil naiinis ka sa hindi niya pamamansin sa'yo."
"Mas lalo ka niyang mahihirapan kapag sumali na siya sa pageant. Tiyak madadagdagan ang manliligaw noon." si Vaugh, nakangisi pero pasimpleng nang-asar din.
"Tsk, mukhang mas lalo kang hindi mapapansin, man."
Pero ngumisi lamang si Marcus. "Let's see, at nang kainin nyo 'yang mga sinasabi niyo.
She' ll even beg for my mercy kapag nalaman niya ang totoo.