Chapter 9 - Tsinito

2815 Words
"Marcus Jace Sy. It's my pleasure to finally meet you, Chairwoman Victoria Linares." Ilang segundo din siyang hindi nakahinga ng normal dahil sa pagtatama ng kanilang mga mata. Ngayong magkaharap sila ng binata, wala siyang choice kundi ang tingalain ito at bigyan ng isang sibil na ngiti. Nang ikutin niya ng tingin ang kanilang mga kasama, lahat nang ito'y nakamasid sa kanila maliban kay Nanay Nita at Samuel na noo'y mukhang may ibang pinag-uusapa. Nakalahad ang kanang kamay ni Marcus. Some wear an amusement smile particularly Vaughn and Tom, habang si Declan naman namamanghang nakatingin lamang sa dalaga. Kasabay ng mahina niyang pagtikhim, ganoon naman kahalata siyang siniko ni Inah. "Huy, abutin mo naman." Mabilis niyang nilingon at pinandilatan ng mga mata ang bakla. Nang mga oras na iyo'y gustong-gusto niya itong kurutin ng pino. Wala itong kaalam-alam kasi sa nangyari sa kaniya at sa guwapong ogre na nasa kaniyang harapan. Makuha ka sa tingin. Nagbababalang sinulyapan niya ang kaibigan sinagot naman nito ng ngisi. Bumaling siya kay Marcus na noo'y nanatiling nakatitig lamang sa kaniya ng tiim at nakaangat pa rin sa ere ang palad. He's so tall that she only stands until his chin gayung ang dalaga'y nasa 5'7 na ang tangkad. "Nice to meet you too. Pero madumi kasi ang kamay ko," she raised it and gesture, pagkuwa'y mabilis na ngumiti dito ng pormal. Huwag lamang siyang matawag na snob dahil hindi naman dapat. Kung ano ang namagitang awkward moments sa kanila ng lalaki, sa kanila na lang iyon. Sana. Hindi niya tinanggap ang pakikipag-kamay nito at mas lalo pa siyang nainis nang tila nang-aasar pa itong ngumisi. Mabuti na lang at biglang umeksena ulit si Inah. To the rescue nitong inagaw ang kamay ni Marcus para iharap kay Nanay Nita na noo'y titig na titig na sa nauna. Nakangiti ito habang nakatingala kay Marcus kaya naman agad na nagkapalagayan ng loob ang dalawa nang isang magaan na ngiti din ang sinagot ng lalaki. Pahapyaw na narinig ni Tori ang pinag-uusapan ng kaniyang nanay at ni Marcus bago siya humarap kay Samuel. "I'm honored to meet you, Mrs. Linares. Mukha nga pong pamilyar kayo sa akin." "Ganoon ba? Baka nakita mo lang akong pakalat-kalat sa bayan, Sir Marcus. At ah, Nanay Nita na lang ang itawag mo sa akin." Marcus smiled, "Sige po, Nanay Nita. Huwag na rin pong sir, Marcus na lang din po sana, Nanay." Napaubo si Inah habang ang tatlo namang kasama ng binata ay napangisi. Kitang-kita ni Tori na sumulyap sa kaniya si Marcus, tila ba gusto nitong makita ang kaniyang reaksyon sa sinabi nito. Hindi niya ito pinansin. Bagkus ay inirapan niya lang ito at hinarap si Samuel na noo'y tila nahahalata din ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nakarating na din kasi sa kaalaman nito ang nangyaring eksena sa puni ng mangga three days ago. "Marcus, ikinagagalak kong matawag sa pagkilalang iyan. Pero kailangan ko na ring mauna muna sa inyo, mga anak," bumaling ang ina-inahan ng dalaga sa mga naroroon. "May kailangan pa akong tapusin sa bahay." Saglit pang pag-uusap sa matandang babae at kaniya-kaniya nang usapan ang nangyari. Tom and Vaughn joined Samuel and Inah na noo'y pinag-uusapan ang tungkol sa nangyaring pagrescue ng dalaga sa pusa. Mukhang nalaman na din kasi ng mga ito ang nakaka-kilig daw na moment ng guwapong Sy at magandang kapitana ng kanilang barangay. Napailing na lamang si Tori. Si Declan naman ay humakbang papunta sa lugar kung saan ay nakapuwesto ang isang bagay na matagal na niyang kinahihiligan. Halata sa mga mata nito ang kakaibang kislap habang tila nakaawang pa ang mga labi. Mukhang nakilala nito ang pinakamamahal niyang pag-aari. Ang kaniyang 2018 Alta Red Shift. "I never expected na ikaw ang makikita ko ngayon dito." "Why, dahil babae ako? And what's with that annoying smile?" "I'm sorry, I didn'mean to offend you, Chairwoman. I am actually amazed." nagtaas ito ng dalawang kamay na tila sumusuko. Pero hindi ito pinansin ng dalaga. Saglit itong nagpaalam sa mga kausap na maghuhugas ng kamay. Ni hindi tinapunan ng tingin si Marcus. "Ano nga pala ang sadya natin, Kagawad?" hinarap si Samuel pagkatapos. "Eto nga po, Kap. May problema kasi sa sasakyan ng kaibigan ni Mr. Sy," ininguso ng kagawad si Declan na noo'y namamangha pa rin pinagmamasdan ang kaniyang motocross bike. "Ginamit kasi ni Vaughn iyong Alfa Romeo ni Declan. Kaninang gagamitin na sana namin, ayaw nang gumana ng makina. We have basic knowledge in auto-mechanic but I guess, hindi talaga namin maaayos ng kami lang." "Ano ba'ng modelo ng sasakyan?' "Stelvio, 2018." "I see, sige puntahan natin." Pagkuwa'y bumaling ito kay Kikoy. "Kikoy, kaya mo na ba dito? Sasaglit muna ako sa kabila. Painitin mo na lang 'yung makina ng SUV ni Vice, ayo sna 'yan." "Opo, Kap. Ako na po'ng bahala. Ihahanda ko na lang po muna ang mga gamit." Ngumit si Kapitana dito, "Sige, salamat Kikoy." Nakarinig siya ng pagtikhim, at nang bumaling siya sa may-ari nito'y bahagya siyang nataranta. Nandoon na naman kasi sa likuran niya ang binata. This time, Marcus face is serious. Sinungaling siya kung sasabihin niyang hindi totoo ang mga deskripsyon dito ng kaibigan. Marcus is indeed an almost example of a living greek god na aakalain mong hindi totoo dahil sa kaguwapuhan at kakisigan. "I never thought that it was you Samuel is referring to." She can almost feel his stares at her, wala pang isang metro ang layo nito sa kaniyang likuran. Hindi niya ito nilingon.Still, hindi niya ito pinansin. "You sure you can fix the car?" Napapikit na si Tori. What is with this man na hindi nito maunawaang ayaw niyang makipag-usap dito?" "What can I say? I was surprised to know that I have already met the queen of this barrio bago pa man ang araw na'to." Doon na hindi nakapagpigil si Tori at mas lalo pang nainis nang makita nito'ng tila pinipigilan ng lalaki ang mangiti. She looked at him with a deadpan face, bago niya ito pasimpleng sinabihan. "Please, Mr. Sy. Spare me with those words dahil ayokong makita ng mga constituents ko kung papaano kita gustong kalmutin sa mga oras na'to." Marcus chuckled. Namulsa ito at tumingin sa kaniya ng tuwid. Damang-dama ni Tori an pinipigilang inis sa lalaki nang mga oras na iyon pero kailangan niyang maging mahinahon. This is the worst deprivation she had tuwing siya'y inis na inis dahil kailangan niya iyong kontrolin in the name civilization. "I wouldn't mind though, kung sa tuwing maiinis ka naman o magtataray at ganiyang namumula ang iyong mga pisngi, I somehow find it..." "What?" Nanggigigil niyang anas dito. Mabuti na lamang at mukhang hindi iyon nahalata ni Kikoy nang dumaan ito sa kaniyang harapan para ibigay sana kay Samuel ang mga gamit pang-mekaniko. Mabilis itong tinawag ni Marcus sanhi para mapalingon ito sa kanila. Nagtataka ang mga matang huminto si Kikoy. "Yes, boss?" "Mga gamit ba 'yan na kailangang dalhin ni Kapitana?' "Opo, boss. Bakit po?" Nagtatakang napatingin si Kikoy kay Tori pero bago pa man makasagot ang dalaga'y naunahan na ito ni Marcus sa sasabihin. "Ako na lang ang magdadala." Tumingin sa dalaga si Kikoy na tila ba humihingi muna ng permiso, bago tumingin kay Marcus. Napakamot sa kaniyang ulo ang binata, mukhang nakakahalata sa tensyong namamagitan sa dalawa. "Hindi mo kailangang gawin 'yan, Mr. Sy. Meron-" "Just Marcus. No need for such formality." Umirap ang dalaga at hindi iyon pinansin. Sinubukan nitong pigilan ang lalaki ngunit parang wala itong narinig. Mabilis na nakuha ni Marcus ang tool box mula sa pagkakahawak ni Kikoy. Sinenyasan na lang niya ang huli bago tinungo si Nanay Nita. Mukhang hindi ito nakaalis kaagad kanina dahil sa may sinasabi pa ito kay Samuel. "Nay, titingnan ko lang po 'yung sasakyan nila sa kabila." paalam niya dito. "Sige, Anak. Si Inah, sasama ba?" "Of course, Nanay Nita. Samahan ko lang po si Kapitana sa kabila. Baka kailanganin niya din kasi ng aking tulong." Ani naman ng kaibigan, pero na kay Tom ang mga mata. Natawa naman si Samuel. Hindi lingid dito ang pagka-crush ni Inah sa kagawad pero dahil sa halos saba-sabay silang lumaki sa Macabebe, naging magka-tropa na ang tatlo kung kaya't alam na alam na ng mga ito ang ugali ng isa't-isa. Matagal nang magkaibigan sina Tori, Inah at Samuel. "As if naman hahawak ka talaga ng basahang may grasa?" "Sshh, huwag kang maingay. Gusto ko lang kasing makasama pa si Papa Tom." Natawa siya sa sagot ng kaibigan. Mukhang may bago na naman itong crush at nakakita na ipapalit sa kanilang kaibigan. Habang naglalakad sila'y kung ilang mga taga-Macabebe ang kanilang nakakasalubong at bumabati sa chairwoman. Magalang at matiyagang binabati din ito pabalik ng dalaga kaya naman malapit man ang kanilang destinasyon, bahagya pa rin silang natagalan. As a matter of fact, silang dalawa na nga lang ang naiwan sa labas ng malaking gate ng villa. Nahinto na naman sila sa pagpasok nang may tumawag sa pangalan ng kapitana. Nauna nang pumasok sina Inah at Samuel, nakasunod sa tatlo. "Kapitana, magandang umaga po." Magiliw na nginitian ng dalaga ang nasa singkwenta-anyos na ginang. "Aling Ising, magandang umaga din po. Pasasaan po kayo ngayon, bakit po mukhang may dala po kayong overnight bag?" "Ay, ako'y dadako na muna sa kabilang bayan, Kap." Nakangiting sagot ng binati. Bumaling ito kay Marcus nang nangiti pa rin. Ang binata nama'y nanatili lamang na nakatayo sa gilid ni Tori. Hawak-hawak pa rin nito ang tool box. Tipid din itong ngumiti sa ginang bago ibinaling sa kasamang dalaga ang tingin. Tila naaaliw namang muling nagsalita si Aling Ising. "Aba'y mukhang totoo nga po pala ang balita, Kapitana? Kayo ho ba'y kailan na lalagay sa tahimik?" Nawala ang ngiti sa mukha ni Tori at mabilis na napalitan ng pamumula ng pisngi. Nang ibaling niya ang tingin kay Marcus, mukhang hindi naman ito affected. Mukha pa ngang abala ito sa pagmamasid sa kanilang paligid. "H-Ho? Ay hindi po, Aling Ising. Siya po si Marcus Sy, panganay pong anak ni Don Carlos Sy. May sira po kasi ang kotse ng kaniyang kaibigan. Titingnan ko nga po sa loob." Hindi niya naiwasan ang mapapikit dahil nang mga sandaling iyon ay parang sinisilaban na siya sa tabi ng binata. Kanina niya pa gustong makalayo dito ngunit sa kung ano'ng dahilan, para naman itong lapit ng lapit. "Ay ganoon po ba, Kap? Naku at pasensiya na po, hane? Paano po kasi'y bagay na bagay kayong tingnan. Pareho pa kayong may pagka-singkit ang mga mata. Akala ko nga'y siya na ang iyong Mr. Right? 'Yung tsinito ba 'yun?" Nangunot-noo pa ito at tila pinag-iisipan kung tama ba ang sinasabi. "Ay ewan, basta iyon 'yung may kanta yata ni Kim Chiu na may icing sa cupcake?" Doon na natawa si Marcus. Hilaw namang nagaya din sa pagtawa ang dalaga, nakikisakay ba, ganoon. "Ah, 'yung tsinito po kasi, kanta 'yun ni Yeng Constantino, Nay. Iba naman 'yung kay Kim." Hala ka. Talagang alam niya 'yun? Tigalgal si Tori na lihim na kinausap ang sarili. Kung titingnan mo kasi ito, hindi mo aakalaing may ganoong nalalaman ito sa mga OPM. Ito kasi iyong tipo na pang-rock star o alternative genre ang mga hilig. She's impressed somehow na may alam ito sa musikang lokal. Though sa kisig at laki ba namang tao? Tsk. "Naku.Sige po, Aling Ising. Humayo na po kayo at nang makarating na po kayo kaagad sa inyong patutunguhan." Hindi iyong kung anu-ano pa po'ng pumapasok na ideya sa utak niyo, kamuntikan na niyang maidugtong. "Ingat po, Aling Ising. Malay niyo nga naman at ako nga talaga ang icing sa kaniyang cup cake." Nakangising pahabol ni Marcus, halata namang nang-aasar lang. Muli na namn niya itong inirapan. "O, biro ko lang 'yon, Kap. Smile ka na diyan. Baka mamaya, matunaw pa ang icing mo." he chuckled, too. She cringed at that thought. Humakbang na ang dalaga't mabilis nang naglakad papasok ng villa habang naiwan naman si Marcus na natatawa. _______________________________ "Wow, thanks, Engineer! Never thought that a beautiful lady like you could really fix a car and looks hotter with what you do. Hindi talaga ako makapaniwalang isa kang mekaniko at talagang puno ng grasa ang malalambot at makikinis mong kamay." Napangiwi si Tori. Hindi siya kasi sanay makarinig ng katulad sa mga sinabi ni Declan. Of course, walang hindi nagsasabi sa kaniyang maganda siya sa tuwing makikilala siya sa unang pagkakataon, but hearing such words coming from an international motocross star at halatang cassanova, hindi sanay makarinig ang dalaga ng ganoon. "Tori na lang. I would prefer to be called by my first name rather than that title. Hindi naman kasi ako lisensiyado." Totoo. Isang siyang Mechanical Engineering graduate student but she wasn't able to take the licensure examination dahil naging abala na siya sa pagseserbisyo sa kaniyang baryo. Ilang beses siyang nananalo as barangay kagawad bago siya nagdesisyong tumakbo bilang kapitana sa Macabebe at hindi biro ang kaniyang mga responsibilidad. Iyong sinasabi niyang "sa susunod na lang" ay hindi nangyayari hanggang sa ngayong isang taon na lang bago siya'y maging 30! Ibinalik na niya sa kotse nito ang atensiyon nito. Dalawa silang kasalukuyang nakatayo sa may ilalim ng hood ng kote habang ang iba'y may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan. Maliban kay Marcus. Nakapamulsa lamang ito sa harapan ng pantalon nito habang tila may malalim na iniisip. Pasulyap-sulyap ito sa kanila na tila ba may malalim na iniisip. Hindi rin sigurado ang dalaga, pero parang nakita niya ding umirap ang lalaki. Hindi na lang niya iyon pinansin. Minabuti na lang niyang ituon ang atensyon sa kasalukuyang ginagawa at nang siya'y matapos na rin. Malapit na rin kasing mag-Alas dose ng tanghali. Kailangan na niyang magtungo sa barangay hall. Mabuti na lamang at kaninang umaga'y naihabilin niya sa barangay secretary na baka after lunch na ang kaniyang dating kaya naman wala siyang mahalagang schedule nang umagang iyon. "Usually, pagka-ganiyang ayaw umandar, nagkaroon lang 'yan ng leak o lumuwag 'yung nasa karborador." Nagpupunas na siya ng kamay gamit ang tuyong tela. "Yeah, I'll take note of that. Salamat talaga." "Ayos lang. Hanggang kailan ba kayo dito?' Nagkibit-balkat si Declan at sumulyap kay Marcus. "Depende, pero hindi naman kami puwedeng tumaga. Kaniya-kaniyang commitments kasi. Pero balita namin, malapit na daw pala ang barrio fiesta dito. Gusto sana naming maranasan. Puwede kaya, Kap?" "Aba'y siyempre naman, puwedeng-puwede. Kahit sino naman ay welcome na welcome dito sa amin. Medyo nagiging abala na nga ang barangay sa paghahanda, that would be less than two months from now. And speaking of that, kailangan ko na ring magtungo ng barangay hall. Kailangan ko na ring umalis at nang makapag-ayos na'ko." "You know what, Kap? For a woman like you na parang hindi makabasag-pinggan sa ganda mong 'yan, hirap talagang mapaniwalaang panglalaki ang napili mong propesyon. And don't worry, kanina pa'ko nag-papacute sa'yo pero parang hindi talaga umuubra. So, friends?" Nakangiting inilahad nito ang kamay." Saglit niyang tinitigan ang mukha ng binata. Masasabi naman niyang hindi ito nangti-trip at aminin man niya o hindi, nakagaanan niya ito ng loob. "Oo naman, Declan. And please, just call me by my first name. Lalo pa't isang international star pa ang kausap ko." she genuinely smiled. "Tsk, I wouldn't contradict that, but it is so nice to meet you, Tori." nagkatawanan pa ang dalawa. Something with the guy she can tell, Declan is kind of cool at may sense naman kausap. Mukha lang mayabang talaga at playboy. "At mukhang kailangan ko na ring mauna na muna. Kanina pa ako nasusunog, e." Nagtatakang napatingin si Tori dito. "Nasusunog saan?" Ngumuso si Declan at itinuro ang lalaking kaaalis lang din sa puwesto nito. "Kay Marcus Sy. Mukhang kanina niya pa ako nililitson sa kaniyang isipan." Napahalakhak ito habang siya nama'y iiling-iling lang na inayos na ang mga gamit sa tool box. Tinulungan siya ni Declan at wala pang ksampung-minuto, nagpaalam na rin ang dalaga. Hindi niya maunawaan kung ano'ng ibig sabihin nitong nasusunog na sa tingin ni Marcus, though truth to be told, kita niya ang masamang tingin nito sa kanila kanina. "Tita Tori!" "Oh, hello Aaron. Kumusta?" mabilis na napaluhod si Tori nang makalapit ang bata. Aaron hugged her tight. Feeling niya tuloy super close sila ng bata. "I am happy right now because you are here. Can I just call you Tita Tori? I'd like to call you that instead of ate since I call Tito Marcus tito." Err, ano kaya ang connect? Saglit napatanong sa sarili si Tori pero hindi na rin iyon pinansin lalo na nang muling yumakap sa kaniya ang bata. "O-okay lang naman. Tita Tori it is." she lovingly pinched the kid's cute face. "Yehey! Dito po kayo kakain? Samahan niyo po ako sa lunch, puwede po?" Now, how can Tori decline the request, when all she can feel is warmth in her heart as she hug the kid? "Oo naman. Sasamahan kita." Wala sa loob na napahawak ang dalaga sa kaniyang dibdib. Why does her heart ache for this kid?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD