Chapter 8 - Finally meet you

2136 Words
"You'll see. Hindi lang siya basta-bastang mekaniko." Napaangat ang isang kilay ni Marcus sa narinig. Hindi naman kaya sobrang bilib ng kanilang kasama kung paano i-build up ang pupuntahan nilang tao? To think na hindi ordinaryong sasakyan ang aayusin dito sa Macabebe? Maliit lamang ang baryo at medyo malayo sa kabihasnan. Hindi sa minamaliit niya iyon, actually it's more of a fresh environment na gugustuhing puntahan ng sinumang nagtagal sa isang magulong set-up ng syudad. Pansin niyang ang baryong kinabibilangan ng kaniyang villa ay halos napapaligiran ng malalawak na taniman ng mga bulaklak. Marami-rami din ang mga puno ng mangga kung saan ay alam niyang isa din sa pangunahing produkto ng mga taga-roon. Ngunit karamihan sa mga tanim na madalas makita sa baryo ay ang mga namumukadkad na mga tulips at stargazer. Ang bayan ng Paraiso kung saan nabibilang ang barangay Macabebe, ay isa sa may pinakamalaking produksyon ng nasabing mga bulaklak sa buong Pilipinas. They even export those flowers in the whole Asia. "Siyanga po pala, Sir Marcus. Naka-" "Just call me Marcus, Kagawad...?" "Ah," napakamot sa ulong sambit ng kausap. "Samuel na lang. Samuel Tuazon." Mabilis nitong inilahad ang palad kay Marcus. They shook hands and after that, isa-isa namang ipinakilala ng binata ang mga kabigan dito. "Those three idiots are my friends Declan, Vaughn, and Tom." "Tss," angl ni Declan, ang pinaka-reklamador sa tatlo. Ang dalawa nama'y natawa lamang na parang sanay na sa narinig. "He's an idiot, too, in disguise." Talagang tumira pa ng pang-aasar. "Nice meeting you, kagawad." Natatawang napakamot-ulo naman ang huli. "Samuel na lamang," bumaling ito pagkatapos kay Marcus nang tinawag ang pangalan. "Ano nga pala 'yung itatanong mo kanina, Samuel? And please, huwag mo na nga akong po-po-in. I'm just an ordinary citizen of this humble community." Ngumiti naman si Samuel. Nahinuha nitong mukhang mabait naman ang anak ng namayapang don. Bagama't para dito at malamang sa buo nilang baryo ay kailangan pa rin nilang bigyan ng distinction ang binata dahil ang ama lamang nito ang taong tumulong sa kanilang maliit na baryo kung papaano ito nakilala sa buong probinsiya ng Benguet. Mukhang hindi naman ito mayabang at matapobre, hindi gaya ng ina nito. Ang asawa ng don na may dalawang taon na rin yatang hindi nila nakikitang nagagawi doon. Mukhang mabait naman at pala-kaibigan ang isang Marcus Sy. "Kako, kung nagkita na ba kayo ni Kapitana. Eh, halos magkaharap na nga lang kayo ng bahay. Imposible namang hindi pa nagku-krus ang inyong landas? Tuwing umaga kasi nagdya-jogging si Kapitana eh. " Natigilan si Marcus. Ang halos kaharap lang kasi ng malaking gate ng villa ay ang bakery, green house ng mga tulips, ang bahay na may green na gate... Bigla niyang naalaa na naman ang nangyari sa loob ng bakuran ng may green na gate. Sakto namang they are approaching into its front area kung kaya't hindi na niya napigilan ang mapangiti. Baliw yata ang babaeng iyon. Dalawang beses na sila nitong nagkita at pareho pang nasa napaka-awkward na pagkakataon. Baliw pala ha? Pero hindi mawala-wala sa isip mo? Sa tanang buhay niya, ngayon lang talaga siya nakakita ng babaeng walang kaartehan sa katawan and worst hindi apektado sa kaniyang presensiya. Wala pang babae nakakahindi sa kaniyang karisma. He doesn't have to ask if he wants to get laid, for women volunteered themselves para makasama siya ng isang gabi. Wala pang nakakasigaw at nakakasapak sa kaniya maliban sa warfreak at baliw na babaeng iyon. Nang bigla'y nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Wala sa sariling napatingin siya kay Samuel at may itatanong sana nang mapagtanto niyang nasa harap na pala sila ng isang talyer. Dere-deretso itong pumasok sa gate na gawa sa kahoy at cyclone wire. Nakangiti itong tumawag ng mga pangalan. "Nanay Nita, Kap. Magandang umaga po!" Nakasunod lang silang apat sa kagawad. Abala sa pagtitingin-tingin ang tatlo niyang kasama habang si Marcus naman ay unti-unting namamangha. Tuluyang nawala ang ngiti sa kaniyang mukha nang makita ang pamilyar na tindig ng babaeng nakatalikod sa kanila at abala sa pakikipag-usap sa isa nitong tauhan. He must be damned, pero mukhang pamilyar sa kaniya ang pigura nito. Habang malugod silang binabati ng ina ng dalaga ay hindi naman maalis-alis ang kaniyang tingin dito. Ang kasama naman nitong lalaki ay tahimik lamang na nakamasid habang kinakablit ng palihim ang dalaga. Kasalukuyan kasi itong may ginagawa at pasulyap-sulyap lamang sa kanila. Nakita ni Marcus ang pagsilay ng isang pormal na ngiti ng babae bago sila tiningnang apat kung saan ay pahapyaw lamang ang sa kaniya. That moment, pinipigilan lamang ni Victoria ang umalpas ang inis dahil sa muling pagkikita nila ng lalaki. "Sina Sir Marcus nga po pala at mga kaibigan niyang taga-Maynila, Nanay Nita, Engineer." Gulat silang apat na napatingin sa babaeng iminuwestra ng kasama. Ngayo'y nakaharap na sa kanila ang dilag na halos mukhang madungis nang tingnan dahil sa grasa sa mga kamay, hindi pa rin maitatatwang isa ito sa pinakamagandang babae na kanilang nakita. "A, Marcus, ipinakikilala ko sa inyo ang aming maganda, napakasipag at responsableng barangay chairwoman ng Macabebe, Engr. Victoria Linares. Kap. Tori sa karamihan ng naririto. "Nice to meet you, Kap. I'm Tom Yu." Bakas sa mukha nito ang pagkagilalas ngunit mas lamang dito ang makahulugang ngiti. Inilahad nito ang kamay at nagpumilit pang tanggapin ni dalaga kahit halata sa mukha ng huli ang pag-aatubili. "Hi. Pasensiya na, madumi kasi ang kamay ko." The chairwoman plastered a civil smile, ni hind nito tiningnan si Marcus. Si Marcus naman ay tahimik lamang na nakamasid. Never in his dream, he'll encounter a woman na mas naging sexy at maganda pang tingnan kahit puno na ng grasa ang damit at mga kamay nitong may hawak pang wrench. At naiinis itong makitang tila hindi siya nag-eexist sa harapan ng dalaga. Damn this woman. Didn't she know how attractive and hot she looks right now? Wearing a ripped jeans, hindi maitago ang kaputian ng hita nito. Simpleng puting t-shirt na tila luma na pero hapit na hapit sa katawan nito ang suot ng babae, wala man lang bilbil at biniyayaan talaga ng magandang hinaharap. Low-cut converse na kulay navy blue ang sapin nito sa paa. Nakatupi ng ilang pulgada pataas ang sidsiran ng pantalon nito kaya agad niyang nakita ang suot din nitong anklet. He silently took a nite of it at ibinaling ulit ang tingin sa babae. She is simply stunning in what she wears habang nakatali ng messy bun ang buhok. Nagsipagsunuran kay Samuel ang mga kaibigan ni Marcus nang ipakilala nito ang ina at kaibigan ng dalaga. "Declan Hernandez, Kap." Halos mapunit ang mukha nito. Mukhang tinamaan pa yata sa chairwoman dahil biglang pananahimik kanina at ngayon nga'y may kakaibang kislap na ang mga mata. Tumikhim si Marcus pero tila hindi iyon narinig ng mga kasama. Naiirita siyang gumalaw sa kaniyang kinatatayuan para kunin ang atensyon ni Tori pero walang epek sa dalaga ang kaniyang presensiya. Hindi nakaligtas kay Marcus ang pagkislap ng mga mata ni Tori. "You're the famous international motocross rider under Suzuki's flagship, hindi ba?" Nagsalpukan ang makapal na kilay ng binata. Bigla tuloy ay parang gusto niyang hablutin at ibalibag si Declan pero naunahan na siya nito. "Wow, you knew me? I'm so flattered, Kapitana." "Oo naman. Mahilig kasi ako sa motor." "Kaya pala meron ka niyan." halata ang pagkamangha sa mukha ni Declan habang nakatutok ang mata sa puting motorsiklo na nasa isang sulok. "Ah, yes." "You do ride?" Sasagot sana si Tori. Halata ang nag-aalngan nitong tingin nang biglang inagaw ni Nanay Nita ang atensiyon ng lahat. "Ayun na ang sagot, Inah. Iyon ang hilig ng kaibigan mo. Kaya huwag ka nang umasa na sasali ang kaibgan mo." it's more of light joke rather than a negative connote. Napabungisngis naman ang bakla. Nakitawa ang ibang naroroon maliban lamang kay Marcus. Inis na naparolyo ang mga mata nito. Parang tumama naman sa lotto ang mukha ni Declan. Napakasaya nito at tila lumobo pa ang ulo sa yabang dahil nakilala siya ng kausap. "So, mahilig ka sa motor?" "Hindi lang siya basta mahilig sa motor, fafa Dec. She's been the grand slam champion sa Asian-ouch!" hndi na natapos pa ni Inah ang sasabihin nang bigla itong tapakan ni Tori. "Ang daldal ha." pabulong niyang angil sa kaibigan. Pero mukhang narinig iyon ni Marcus the way he stared at her. Hindi ito nagtanong pero may pakiramdam siyang magtatanong ito kapag nagkataon. Ssu, bakit naman. Tingin mo interesado sa'yo 'yung tao? Mabilis na kinastigo ni Tori ang sarili dahil sa inner whisper ng sariling utak. "Ako naman si Vaughn Yap. Nice to meet you, Kap." kakaiba naman ito kung ngumiti. Tumango lamang ito sa kaniya matapos niyang itaas ang dalawang kamay, patunay na hindi iyon malinis dahil sa kaka-butingting ng makina ng sasakyan. "Hi, nice to meet you too." "Mukhang may maganda pa lang naibunga itong pagpunta namin dito. She is her, right?" "Shut up, Vaughn." matigas na ani ni Marcus. Agad namang tumalima si Vaugh at sumenyas pang sini-zipperan ang bibig. Nangunot-noo si Tori bago nag-init ang mukha sa na-realize. Posible kayang nakita sila ng lalaking kaharap, ng tatlong 'to? Hindi nakaligtas sa kaniyang pandinig ang sinabi ng nagpakilalang si Vaughn doon sa Tom. Tila may laman iyon. Nang balingan niya ng tingin si Marcus, halata ang sama ng tingin nito sa tatlong kasama, kaya naman kaniya-kaniyang iwas ito ng mga tingin sa binata. Hindi na lang iyon pinansin ng dalaga. Naninigas na ang panga at leeg niya sa kaiiwas pero hindi pa rin niya hinayaang tapunan ng tingin ang huling lalaking hindi pa nagbibigay ng kaniyang pangalan. Bahagya na nga niyang nakalimutan ang most embarrassing situation na nangyaro sa tanang buhay niya, ano pa't eto na naman sa kaniyang harapan ang shrek? Kung alam lang ni Tori, halos magkatulad lamang sila ng iniisip ni Marcus. Bakit parang siyang-siya pa ang babaeng 'to sa tatlong ugok na' to? Iyon ang pumasok sa ulo ni Marcus bago ito humakbang papalapit sa dalaga. Lumawak ang mga ngisi nina Vaughn at Tom habang halata namang naaasar si Declan. Walang kamuwang-muwang si Declan sa naiisip ng dalawa pa nilang kaibigan. Sa tangkad niyang 6'1, Marcus towered Victoria with confidence and authority. "Marcus Jace Sy. It's my pleasure to finally meet you, Chairwoman Victoria Linares." Whilst Tori's face heated, Marcus was immediately captivated. Hindi naitago ang amusement at paghanga sa mga mata. Naramdaman niya ang bahagyang paghigpit ng hawak nito sa kaniyang kamay. She gave him a meaningful stare na ikinangisi naman ng binata. "Ah, Kap, puwede daw bang mabisita mo ang sasakyan ng isa sa mga kaibigan ni Marcus sa Villa? Ayaw daw kasing mag-start." "Ganoon ba? Ahm ano ba'ng nangyari bago nagkaproblema?" "Eto kasing g*g*ng 'to-" "Hey, bunganga mo, Dec. We're not in your place," mabilis na suway dito ni Marcus pagkatapos ay tila nahihiyang napatingin sa nakangiting si Aling Nita "Pasensiya na po sa kaibigan namin, Nay. Ganiyan lang po iyan pero mabait naman po iyan." Natatawang sumenyas ng okay lang ang matanda. "Walang problema, iho. Narinig ko nga'ng medyo hindi daw naging maganda ang unang pagtatagpo niyo nitong aking dalaga." "Nay," mabilis na sinuway ni Tori sa ina, pagkatapos ay mabilis na sinulyapan si Marcus . Nakita na naman niya sa mukha nito ang amusement bagama't napakamot ito sa makapal nitong kilay. "O, aba't wala naman akong sinasabing masama, anak. Gusto ko lang din sana'ng marinig ula sa guwapo nating bisita kung ano ba talaga ang nangyari at umuwi ka dito nang namumula sa galit." "Kaunting hindi pagkakaunawaan lamang po, pero ang totoo po niyan ay ni-rescue niya ang alagang pusa ng pamangkin ko." "Yeah, right. Pero para kayong aso't-pusa lalo pa sa nangyari kahapon." singit naman ni Tom ng nakangisi. "Siguarduhin mo na'ng hindi makakalabas si Finley, pare.: Namumulang binalingan ni Tori si Marcus. Confirmed nga, they knew it. Nanggigigil niyang sininghalan ang binata. "Sinabi mo?!" Naaalarmang napataas ng dalawang kamay si Marcus, "I didn't tell them. Pero mukhang nakilala ka nila." tiim-bagang na binalingan ni Marcus si Tom at sinamaan ng tingin. Katulad ni Marcus ay nagtaas din ng dalawang kamay si Tom bago humingi ng paumanhin sa dalaga. "Pasensiya na Kap, We don't mean to offend you. It's just an accident, but promise, wala kaming nakita." nagtaas ng kanang kamay si Tom at mukhang nagsasabi naman ng totoo ang pagmumukha nito. Muling sinamaan ng tingin ni Tori si Marcus bago hinarap si Declan. "Puntahan na nga lang natin ang sasakyan mo." saka tumalikod si Tori para may kunin. "Damn, she really looks so hot, man." "Psh, umandar na naman 'yang pagka-manyak mo, Dec." "What? Hinahangaan ko si Kap, manyak na kaagad." "Shut up you two, Dec and Tom. Marinig kayo ni Nanay Nita." it was Vaughn. Nakikinig lang si Marcus sa usapan ng tatlo habang sinusundan ng tingin ang dalagang chairwoman. Whatever plays in his mind right niw, only Marcus knew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD