Chapter 5 - Finley

2498 Words
Just what the hell they are doing here? Nakahalukipkip si Marcus habang nakasimangot ang mukhang nagmamasid sa maiingay niyang kaibigan. Talagang mababatukan niya si Declan. Sa pagkakaalala niya kasi, ito lang ang sinabihan niyang nandito na siya sa Pilipinas. Hindi naman sa ayaw niyang malaman ng dalawa pa ang kaniyang pagdating. Madami kasi siyang dapat na ayusin muna bago harapin ang tatlo. Makukulit pa naman ang mga ito lalo na si Declan dahil katulad niya, minsan lang din itong umuwi ng Pilipinas tuwing may laban ito sa ibang bansa. He's a free-style motocross rider na hindi na rin matatawaran ang mga larong naipanalo. Hindi katulad ng dalawa, Tom and Vaughn, na kaniya-kaniyang big boss ng mga sariling kumpanya. Pero mukhang hindi na nga napigilan ang pagiging madaldal ng lalaking mukhang tuwang-tuwa pa sa dilim ng kaniyang mukha. His friends are important to him dahil ito din ang umalalay sa kaniyang ina noong mga panahong nawala ang ama at kapatid sa magkaibang taon. He's on his mission in the US noong unang pumanaw ang ama, at ganoon din ang nangyari nang ang kapatid naman na si Philip ang nawala. Sa dalawang pagkakataong iyon, ang tatlong matalik niyang kaibigan ang unang-unang dumalo at umalalay sa kaniyang ina. "What the hell the three of you are you doing here?" salubong ang mga kilay niya habang pinagmamasdang nagsisipag-babaan sa Alfa Romeo ni Declan ang tatlo. "Ano ka ba? Bakit ba nakalabas na naman yang mga pangil mo? May tinatago ka dito sa Macabebe, ano?" tudyo ni Declan dito. "Chill dude. Mangha-hunting daw kasi ng chicks sina Declan at Vaughn." Natatawa namang sumingit si Tom bago ito iinat-inat na naglakad papalapit sa kaniyang kinatatayuan. "Alam mo naman si Declan, may lihim yatang pagnanasa sa'yo at nangangati na'ng makita ang guwapo mong mukha." "F*ck, no way. Mas guwapo pa rin ako diyan kahit na...Never mind. Mas marami pa din akong fans." Napaikot ang mga mata ni Marcus sa ingay ng bunganga nito. Well, tama lang namang marami itong fans, e sikat ang isang Declan Hernandez sa buong mundo ng motocross. Napaismid naman si Vaugh at tumango lang kay Marcus. Sa kanilang apat, ito ang serious type pero iba ang trip kapag ito naman ang tinopak. "So nice you are back, pare. We've heard na medyo magtatagal ka daw ngayon dahil naka-indefinite leave ka daw. Well, as much as we'd like to feel hurt dahil sa favoritism mo, might as well bumawi ka na lang at i-entertain mo kami dito," ani ni Tom na nakangisi. Napailing si Marcus. Alam naman niyang hindi marunong magtampo ang dalawang kaharap kung madalas ay si Declan ang nakakaunang makaalam ng kaniyang pag-uwi dahil kahit siya nga'y hindi niya din alam kung bakit minsan, kahit hindi niya sinasabi, mabilis nitong nalalaman kung nasa bansa na siya. Perhaps it's because of Luther, too. Kaibigan at kasamahan niya naman sa agency na nataong pinsan ni Declan. "Ikaw ang maysabi noon, Tomas. Saka palibhasa kasi, hindi maka-move itong si Declan doon sa babaeng nakita daw nitong nagpi-freestyle exhibition sa Zambales. Balita niya daw kasi, taga-dito daw sa Benguet." Habang parang mga batang nagkukulitan, wala na ring nagawa si Marcus. Nauna na kasi sina Declan at Tom na pumasok sa malaking pintuan ng engrandeng villa. Kaniya-kaniyang bitbit ng mga naglalakihang overnight bags. Sumakit ang ulo ni Marcus, mukhang hindi bababa sa isang linggo ang itatagal ng tatlo. "Para ngang t*anga 'to. Doon pa nagka-crush sa hindi kilala. Saka matagal na kaya iyon. What 4? 5 years? Man, move on." "Hindi niyo kasi nakita kaya wala kayong alam," kunwa'y nasasaktan si Declan na sinapo ang dibdib. Pagod itong itinapon ang katawan sa malaking couch na nasa living room, ganoon din ang dalawa pa. Hindi kasi biro ang magbiyahe ng hindi bababa sa anim na oras papunta ng Macabebe mula Manila. "Ilang taon na 'yon. Move on, Declan. Para ka pa ring sira-ulo sa kaiisip dun." Nakapikit naman si Tom, matapos nitong ibinato sa kausap ang hawak na duffle bag. "Malay natin, dito pala natin makikita yung hinahanap ng baliw na'yan," ani ni Vaughn. "Can I smoke?" Nanliit ang mga mata ni Marcus, "Sorry, but smoking here is not allowed. Nandito si Aaron." Kibit-balikat na ibinalik ni Vaughn ang pakete ng yosi sa sisidlan nito bago ngumisi. "Tatay na tatay, a!" Kinindatan pa nito ang isang katulong. Hindi na iyong pinansin ni Marcus. naupo na rin ito sa malaking single couch doon at nakangising tiningnan ang mukha ng tatlo. Mula pa pagkabata talaga ay dikit na dikit na silang apat, sa lahat ng kalokohan. Hanggang sa nagkahiwalay lang sila dahil sa kaniyang trabaho. "How's the kid, pare? "He's doing fine. Still couping pero okay na rin compared nakaraan," he sighed. "Kumain ba kayo on your way here?" "Yeah, we're good. 'Higa muna kami dito." Ani ni Tom na kumportable nang ini-stretch ang katawan. Later, they'll go to that large room na sadyang inilalaan sa kanila si Marcus tuwing napupunta sila doon. "Does your mom had an idea na gagawin mong legal ang pagiging ama mo kay Aaron?" tanong ni Vaugh. Tipid na tumango si Marcus, "Yeah, she knows at wala naman siyang magagawa. She'll learn to accept her grandson." "Yeah, Tita will once pumayag ka nang huminto sa trabaho mo at tumayong CEO ng emperyo niyo." Napailing si Marcus sa narinig dahil iyon ang kondisyon ng ina kapalit ng pagtanggap nito sa apo. "Kaso si Samantha ba pare, okay sa kaniya?" "We haven't talked about it. Anyway, we're not that serious. So her opinion doesn't matter." "Naku, ano'ng not serious. Sa'yo, oo. Sa kaniya, mukhang wala ka nang kawala. Mukhang pursigido talaga sa'yo, e. Wala ka pa ba talagang plano?" Bumalikwas mula sa pagkakahiga si Declan. Napaka-hyper talaga ng isang 'to. Marcus hissed, halatang ayaw pag-usapan iyon. "Pumunta ba kayo dito para sa tanong na 'yan? Tsk, umakyat na nga kayo sa lungga niyo!" Kunwa'y inis nitong turan. But his friends know him better. "Of course, alam naman naming ang bata na ang priority mo ngayon. Nasaan na nga pala ang bulinggit n iyon?" "Nasa dining, nagbi-breakfast. He'll be thrilled to know na nandito kayong tatlo." "Pero mind you, pare. Samantha is really tough. Hinding-hindi ka no'n pakakawalan." Mariing napapikit ng kaniyang mga mata si Marcus. Though Samantha is as hot as fire and full of energy in bed, he doesn't feel like doing it soon. Oo, espesyal sa kaniya ang babae dahil matagal nang magkaibigan ang kanilang mga magulang pero hindi siya puwedeng magpatali. Ang alam niya, malinaw sa babae ang estado nilang dalawa. Mas lalo na ngayon. He needs to do something important kaya nga siya umuwi ng Pilipinas. Isa pa, wala talaga sa isip niya ang mag-settle down. Hindi na mabilang ang mga babaeng dumaan sa kaniya but mostly of them, they're just having fun. Wala talaga siyang sineryoso and even Samantha, considered to be the closest so far, yet maliwanag ditong hindi sila magkasintahan. "So, your girl doesn't know this place, huh?!" "She's not my girl. At huwag na huwag niyong sasabihin ang lugar na'to kundi pagsu-suntukin ko talaga kayong tatlo," pagbabanta niya sa mga ito. This is the only place he finds peace. This is for Aaron and for his passion. "Ooopps, sorry pare. Pa'no ba 'yan eh, nasabi ko sa kaniya itong hide out mo," biglang natampal ni Tom ang noo. "What?! You asshole-" Tawanan ang tatlo nang biglang pinulot ni Marcus ang isang throw pillow na nasa sofa at binato dito. "Joke lang. Hindi ka naman mabiro. "Damn, you three idiots. Tumayo na nga kayo diyan at nang makakain na kayo." Maiingay ang mga itong nagtungo ng kusina habang pakindat-kindat pa sina Declan at Vaughn sa dalawang dalagang kasambahay na naroroon. Halata sa mga mukha nito ang pagkakatulala. Sino ba naman ang hindi mapapa-nganga sa kaguwapuhan nilang apat? Bulag na lang ang babae kapag ganoon. "Manang Sonia, kayo na po ang bahala muna sa kanila," bilin ni Marcus sa mayordoma bago iniwan ang tatlo. He needs to do his thing for that day. Bago pa man tuluyang makalabas si Marcus, narinig na niya ang pagsigaw ng bata sa mga pangalan ng tatlo. He smirked. Narinig niya oa ang tawanan ng mga ito at ng pamangki. Those three idiots really are his true friends. Malapit dito si Aaron at sigurado siya, mahal din ng mga ito ang nag-iisang pamangkin. ------------------------------ Pagod na pagod si Marcus nang hapong iyon. Ang balak niyang sumaglit lamang ng farm na nasa bandang likod lamang ng mansiyon ay umabot ng halos tatlong oras. Ayaw magpaiwan ng tatlong buwang siberian tiger na si Finley. Tila matamlay ito at naglalambing. Maliban dito, meron pa siyang limang stallion, mga alagang baka at iba't-ibang klase ng farm animals na hindi biro ang bilang. He simply loves animals at siguro, kung hindi ang trabaho niya ngayon ang kaniyang pinili, veterinary ang susunod na profession niya. Too bad, he's really into his current profession. Kanina pa ayaw humiwalay sa kaniya ang tigre. Miracle baby tiger kasi si Finley. Ayon sa monk na nagbigay nito sa kaniya, nawala lamang ng parang bula ang nanay ng baby tiger matapos itong isilang. Nataong nasa China siya noon at pauwi na sa temporaryo niyang tinitirhan nang makita ang isang monk bitbit ang maliit na tigre. Nakatayo lamang ito sa isang gilid ng commercial building, tila humihingi ng tulong pero walang pumapansin. Hindi niya naiwasang makaramdam ng awa. Kahit hindi niya nauunawaan ang sinasabi nito, hindi siya nagdalawang isip lapitan ang monk. Naghahanap pala ito ng tulong para sa isang inabandonang baby tiger, at iyon nga ang kasalukuyan nitong hawak. Ayon pa dito, hindi daw basta-basta ang pagkakataong pinaglapit sila ng tigre. Isa daw iyong palatandaan na sa kaniyang hinaharap ay mayroon siyang makikilalang may koneksyon sa kaniyang kapalaran. "He is choosing you. He loves you, good man. Take care of him. There's a reason for everything, as the reason it had when your kind heart never doubted to help him." ani ni Chin sa sariling lenguwahe. At iyon din ang dahilan kung bakit sa Paraiso niya naisipang mamalagi. Malamig na klima ang kailangan ng siberian tiger na si Finley. Mabuti na lamang at naalala niyang merong property doon ang kaniyang ama. halos hindi na kasi ito napapansin ng kaniyang ina. Kahit noong hindi pa siya umuuwi ng Pilipinas, paunti-unti na niyang pinapa-renovate ang villa. Dito niya talaga kasi gustong mamalagi. Dahil sa ayaw ngang humiwalay ng alaga, kinailangan niyang isama ito sa mismong villa. Binitbit niya at isinakay si Finley sa kaniyang raptor. Iuuwi na muna niya sa mansiyon ang alaga. Doon, meron itong sariling pwesto at tiyak matutuwa si Aaron at Rocket. Laki sa tao kasi ang tigre at talaga namang sobrang lambing. Pero bubuksan na sana ni Marcus ang pintuan sa side ni Finley nang bigla itong hindi mapakali. Dere-deretso itong tumakbo papalabas ng sasakyan, hanggang sa mabilis itong umakyat ng puno at tumawid sa malaking pader na bakod. "S*it! Mang Anton, pakitawag po kay Mang Rodel, kailangan nating mahabol si Finley bago makalayo!" Mabilis na binuksan ng guwardiya ang malaking gate. Mabuti na lamang at hindi matao ang kalsada ng mga oras na iyon. Nagtatakip-silim na kasi at karamihan sa mga mamamayan ng baryo ay nasa plaza dahil sa mga peryang naroroon. Sa susunod na linggo kasi ay ang baryo fiesta ng Macabebe. "Naku po Sir, doon po sa green na gate pumasok ang tiger, kina Kapitana." ani ni Mang Rodel na noo'y hinahapo na sa pagtakbo. "Just stay here, Mang Rodel. Kami na lang po ang pupunta doon. Mukhang namumutla na po kayo." Ani ni Tom. Nasa likod niya pala ang mga kaibigan na humabol na rin sa kanila sa labas ng kalsada. Hindi na niya pinansin ang mga ito. Mabilis ang takbo niyang diniretso ang nasabing gate dahil baka kung mapaano pa ang mga nakatira doon sa gulat kapag nakita ang inosenteng tigre. Finley may be a siberian tiger and a carnivore one, pero sanay ito sa mga tao at malambing. Baka ito din ang masaktan mamaya sa gulat ng makakakita. "Tao po! Tao po!" nagmamadali siyang tumatawag sa gate habang unti-unti na ring pumapasok pero walang sumasagot. Tahimik lamang ang paligid habang binabaybay niya ang likurang bahagi ng bakuran. The house is a bungalow-type na may pulidong pagkakapinta ng kulay beige. Mero ding raptor na naka-park doon. Nakita niyang lumiko sa kaliwa ang tigre at tila nakahinga siya ng maluwag nang makitang huminto ito. Naupo ito at tila gustong makipaglaro habang nakatingin sa harapan nito, dahil sa buntot nitong gumagalaw-galaw. Mabilis na sana niya itong lalapitan nang makarinig siya ng malakas na tili. "Aaaahhhh!" matinis ang boses ng babae. Napatalon ito at biglang nataranta nang makitang nakatitig at tila siyang-siya dito ang tigre. Gumagalaw-galaw pa ang buntot ni Finley, mukhang gustong-gusto ang nakikitang mukha ng babaeng tanging may kaliitang tuwalya lamang ang nakabalot sa mala-porselana nitong katawan. At nang magtama ang kanilang mga mata, sakto namang natanggal sa pagkakabuhol ang tuwalya nito sa katawan. Ang sutil na tigre kasi, bigla na lamang kinagat ang dulo niyon at hinila. Nasa mood nga talaga itong makipaglaro. Napanganga si Marcus while Tori's face turned into magenta color. Sa mismong harapan ng binata'y lumantad ang napakainis at mala-labanos nitong kutis. Iyon ang tipo na hindi magdadalawang-isip ang mga lingeree company na hindi kunin bilang isang modelo. Ilang beses na napalunok si Marcus. Mabilis na may nanigas sa kaniyang katawan at nahimasmasan lamang nang may tumama sa kaniyang ulo. "What the f*-" sapul sa ulo si Marcus ng isang family size na sabon na pampaligo. "Bakit mo'ko binato?!" "Ikaw na naman?! Manyak ka talagang hinayupak ka! Tresspasser!" He knotted his forehead. Napamura si Marcus. He felt embarrassed to himself na kahit may bukol na yatang tumubo sa kaniyang ulo, he is still in heat and damn! Ang pagtataray ng babae sa kaniyang harapan has just proven she is feisty and sinfully hot. Damn you, a*hole. Not in this situation. She's the woman earlier. Iyong nasa itaas ng puno at naglakas-loob kunin si Rocket. "Tutusukin ko 'yang mata mo kapag hindi mo pa 'yan tinanggal sa katawan ko, manyak!" Napamura si Marcus. He annoyingly closes his eyes bago humakbang papalapit sa tigre. "H-Hoy, ano'ng ginagawa mo? Baka sakmalin ka niyan!" bahagyang lumambot ang boses ni Tori. Aba't bakit hindi ito natatakot sakmalin ng predator na iyon? Natigilan ang binata sa narinig. Tila hindi nito inaasahan ang sasabihin ng babae gayung nasa alanganin itong sitwasyon, pero kapakanan niya pa ang napansin nito. Napatingin siya sa babae dahil doon at mabilis din namang napayuko nang makitang naging tigre na naman ang mukha. Napalunok ang binata. "Damn, Finley! Your too naughty." kinuha nito ang tigre at hinila papalayo sa babae. "Ano'ng F-Finley? Bakit may pangalan iyan?" Pero naagaw na ng mga boses na paparating ang kanilang atensyon. Mabilis na kumilos si Marcus at sa isang kisap-mata, he's now in fron to her. Natatarantang napaatras si Tori at halos magkahiwalay ang katawan at kaluluwa niya nang maramdaman ang init ng katawan ng binata. Don't tell her, yayakapin siya nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD