RYSHA'S POV "Kailan kaya siya magigising?" "Sana maging okay na siya." Naririnig ko ang pag-uusap ng mga kaibigan ko pero nanatili akong nakapikit. Wala lang, gusto ko lang marinig ang pag-uusap nila. "Si Rysha pa ba? E wala naman 'yang inuurungan e," narinig kong sabi ni Brylle. "Oo nga. Kayang kaya nya 'yan," proud na sabi naman ni Lizeth. "Pero isang linggo nang walang malay si Rysha," malungkot na sabi naman ni Zairah. What? Isang linggo na akong tulog? Pero bakit? Inalala ko ang mga nangyari. Si Nerissa at ang mga gem ko. Ang huling naaalala ko ay pumasok sa katawan ko ang lahat ng gem at ang pagbabagong anyo ko. Ibig sabihin no'n ay tapos na ang misyon ko? Pero bakit nandito pa rin ako? Bakit wala pa rin ako sa Psyche World? "Hindi pa rin ba nagpapakita ang mga magulang niya

