UNBEARABLE TWENTY-FOUR

2174 Words
MAKALIPAS ang tatlong araw, ay muling gumising si Perry nang masakit ang ulo at maga ang mga mata. Hindi kasi siya nakakatulog ng maayos dahil sa tuwing pinapaalalahanan niya ang sarili na kalimutan niya na si Adalius ay lalo lamang nitong ginugulo ang isip niya. Gabi-gabi niyang iniiyakan ang naging pag-uusap nila ni Adalius noon. Iniisip niya kung tama ba ang naging desisyon niya na mas pinaniwalaan niya ang sinabi ni Enrique kaysa rito? Tama ba na hindi niya pinaniwalaan nang sabihin nito na siya talaga ang mahal nito at hindi si Enrique? Na hindi rebound ang tingin nito sa kaniya? ""No! I don't love him anymore! Because you're the one that I really like. Please, believe me." Paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang mga katagang iyon. Ang pagmamakaawa nito. Pati na rin ang pagluha, pagluhod at ang malaking pagbabago sa katawan nito. Paano kaya kung nagtiwala siyang muli noon? Masaya kaya sila ngayon? Umiling siya. Dahil alam niyang naguguluhan lang si Adalius. Ni hindi nga nito alam kung 'like' o 'love' ba talaga ang nararamdaman nito para sa kaniya. Bahagya niyang sinabunutan ang kaniyang buhok. "Tumigil ka na, wala kang laban sa first love niya," suway niya sa sarili saka nagpasyang bumangon na sa kaniyang kama upang paghandaan ang kaniyang pagpasok sa SBN kahit na nangangalumata pa siya. Nagluto muna siya ng kaniyang agahan. Isinangang niya ang tira niyang kanin kagabi at hinaluan ng meatloaf, egg, kangkong at iba pang pampalasa para makapagluto siya ng chaofan. Nagtoast na rin siya ng buttered bread at swissmiss chocolate mallows. Matapos kumain ay kinuha lang niya ang kaniyang tuwalya sa sampayan niya sa terrace saka nagpasya ng maligo. Paglabas ng banyo ay agad niyang pinalantsa ang kaniyang sususoting damit. Nang makapagbihis na siya ay nilagyan lang niya ng gel kaniyang buhok saka pumasok na ng trabaho. At nang araw na iyon ay naging abala si Perry sa kaniyang trabaho dahil sa sunud-sunod na aplikante. Magbubukas kasi ng panibagong branch ang SBN Advertising Company sa Stade kung saan iyon na ang ika-labinlimang branch sa buong mundo. Saktong ala-singko ng hapon naman siya nakapag-out kaya kasabay niya ang ilan sa mga kapwa niya Filipino doon na nakakasama niya sa mga night-out nila. "Ang lamig ng panahon, parang ang sarap mag-Noodle House, ano?" Si Beth, isang Graphic Designer. "Oo nga! Tara!" sabat naman ni Marisol, ang Market Research Analyst naman ng SBN. "May magagawa pa ba ako kung pareho na kayong nakapagdesisyon?" pagpayag niya. Hindi na kasi siya nakakatanggi kapag nagkasundo na ang dalawa. Nakilala niya ang mga ito nang minsang lapitan siya sa canteen. Nalaman daw kasi ng mga ito na Pinoy siya kaya nakipagkaibigan ang mga ito sa kaniya. Hindi naman niya magawang tumanggi dahil regular ang mga ito sa SBN at baguhan naman siya. Kailangan niyang mag-adjust. Being with girls is not his thing before because it irritates him a lot but when it comes to Mirasol and Beth, who are older than him, all his irritations fade away. Apart from having the same race, they also know that he is homosexual. Flashback . . . "HOY! Kanina pa tayo dito pero inom ka lang nang inom diyan," pansin ni Mirasol sa kaniya matapos nitong tunggain ang tequila. "Oo nga! Ang dami-daming chiks sa paligid pero ni minsan hindi man lang kita nakitang tumingin sa paligid mo," segunda naman ni Beth matapos sipsipin ang lemon. "Wala akong gana," maikling tugon niya. Pinanliitan siya ng mga mata ni Beth. "Why are you looking at me like that?" takang tanong niya rito. Lumapit naman ito sa kaniya. "Are you gay?" Naibuga niya ang iniinom niyang tequila sa gulat. Nahalata ba siya ng mga ito? Hindi kasi niya talaga gusto sumama sa mga ito, pero dahil sa heartbroken siya ay sumama siya. Hindi naman niya alam na dadalhin siya ng mga ito sa bar na may mga nagsasayawang mga babae. "No, I'm not!" tanggi niya. "Mamatay?" tukso naman ni Mirasol. "Oo nga!" giit niya pa saka muling sinalinan ang kaniyang shot glass. Hindi niya kasi matignan ng matagal ang mga ito, mata sa mata. "E, bakit kanina ka pa nakatingin sa dalawang iyon?" sabay nguso ni Beth doon sa dulong bahagi ng bar kung saan may nag-iinuman na dalawang lalaki na ngayon ay naghahalikan na. Napalunok siya. May naaalala kasi siya kaya maya't maya ang tingin niya sa dalawang lalaki. Nakikita niya ang mga sarili nila ni Adalius kapag nakakulong lang sila sa condo unit nito. Inaamain naman niya na namimiss talaga niya ito lalo na ang mga halik, yakap at ang paglalambing nito. "Hindi naman sila ang tinitignan ko." "Sige, tanggi pa more!" tudyong muli ni Beth. Inakbayan siya ni Mirasol. "Ano ka ba, okay lang naman sa amin kung aamin ka. Wala namang masama doon at saka sanay naman kami makakita dito ng mga same s*x relationship." Hiindi na siya umimik. "So, silence means yes?" Ngumuso siya. "Oo na! I'm homosexual, happy?!" "Sabi na, eh!" napahampas pa sa table ang mga ito. Napailing-iling siya. "Bakit ba ang observant niyong mga babae?" "Woman instinct ang tawag do'n!" sabay na sabi ng mga ito. Hindi siya ulit umimik. Wala naman na siyang magagawa kung buking na siya ng mga ito. Tinapik siya ni Beth. "Hindi naman kami mapanghusgang tao dahil una sa lahat, hindi naman namin kasalanan kung iba talaga ang tinitibok ng puso mo. At kung namomoroblema ka sa pagtago ng kasarian mo, don't worry, safe ang sekreto mo sa amin." "E, iyon ay kung ikukwento mo sa amin ang lovelife mo, 'di ba?" baling ni Mirasol kay Beth na tinanguan naman ng dalaga. Bumuntong hininga siya. "Ano bang gusto niyong malaman tungkol sa lovelife ko?" tanong niya. Mas maigi ng magkwento siya kaysa naman tumunganga lang sila buong gabi sa bar. Unang nagtanong si Sol. "Kailan mo nalaman na lalaki pala ang gusto mo?" Napangiti siya nang maalala si Harrison. Dahil doon ay lalo niyang napatunayan na hindi na siya apektado rito. Kung mayroon man siyang dapat maramdaman dito, iyon ay ang makuha ang kapatawaran nito. "Narealize ko 'yon dahil sa kaibigan ko." Nagkatinginan ang dalawa. "Seriously?" ani Beth. "Nasaan siya ngayon?" segunda ni Sol. "Nasa Pilipinas." "Eh, bakit parang nalungkot ka bigla diyan?" Uminom muna siya alak bago nagsimupang magkwento. "May nagawa kasi ako sa kaniya na hindi maganda kaya nagkaroon kami ng alitan." Nacurious naman ang dalawa. "Ano naman ang ginawa mo?" Kinuwento naman niya rito ang nangyari noon sa Inn na pinagdalhan niya kay Harrison. "Oh. My. God! Ginawa mo 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Beth. Tumango naman siya at hindi na rin napigilan na ikuwento ang tungkol sa ama niya. "Hala no! Grabe naman pala ang kwento ng buhay mo." "Alam ba ng Mama mo ang tubgjol sa tunay mong kasarian?" Umiling siya. "Iyan ang hindi ko masabi-sabi sa kaniya. Ayoko kasi na saktan siya ulit tulad ng ginawa sa kaniya ni Papa." Hinawakan ni Beth ang kamay niya. "Maiintindihan ka naman siguro ng Mama mo. Anak ka niya at alang ina ang hindi nakakaintindi at nakakatiis sa kanilang mga anak." Napayuko siya. Sana nga katulad ng mga sinasabi nila ang kaniyang ina. Ayaw niya kasing pati ang kaniyang ina ay kamuhian siya tulad ni Harrison. "Ang bestfriend mo ba ang dahilan kung bakit inggit na inggit ka sa lovebirds kanina?" tukoy ni Sol sa dalawang lalaki na naghahalikan kanina sa dulong bahagi ng bar. Umiling siya. "Actually, I fell in love with my boss." Nanlaki ang mata ng mga kasama niya. "With your boss?" sabay ulit na sabi ng mga ito. "Hmm," tanging sambit niya saka ulit tinunga ang shot glass niya. "Ang gwapo siguro ng boss mo na 'yan, ano?" "Malamang! Hindi naman 'yan magkakaganiyan kung hindi gwapo si boss," pag-uusap ng dalawa. Napailing siya. Mali yata na binanggit pa niya sa mga ito ang tungkol kay Adalius. Mukha kasing hindi siya titigilan ng mga ito hanggat hindi nalalaman kung sino nga ba ang boss na tinutukoy niya. At para hindi mabunyag ang pagkatao ni Adalius ay pinakilala niya ito kung paano niya pinakilala si Charles kay Homer. Kilig na kilig ang dalawa sa kwento niya tungkol sa magagandang pangyayari sa kanila ni Adalius lalo na ang unang pagkikita nila sa cruise ship. Ngunit nalungkot din ang mga ito kalaunan nang malaman ang kinahinatnan nila ni Adalius. "Ayoko na pala sa kaniya," angil ni Sol. Humalukipkip naman si Beth. "Kung ako ang nasa kalagayan mo, ganiyan din ang gagawin ko, no!" "Naku! Kapag nakita ko talaga 'yang Charles na 'yan kukurutin ko talaga siya sa singit," gigil na sabi ni Sol. Natatawang napailing na lang siya. Kahit papaano ay nakalimutan niya ang problema niya sa kaniyang puso. End of flashbanck. . .  "ANO'NG kakainin natin ngayon?" tanong ni Beth pagdating nila sa counter. Napahawak sa baba si Perry habang iniisip ang oorderin. "I want combo 2!" aniya. "Combo 3 na lang sa akin. Ikaw?!" baling naman ni Beth kay Sol. "Combo 2 rin sa akin." "Okay! Hanap na kayo ng pwesto natin. Ako na ang bahalang kumuha ng order natin," presenta niya. Tumango naman ang mga ito saka naghanap ng mapupwestuhan nila. At matapos ang labin-limang minutong paghihintay ay nakuha na niya ang kanilang order at agad na dinala sa table nila. "Girl! Look at them! The girls are staring at you," ani Beth pagkalapag na pagkalapag niya ng mga order nila. "I'm not interested," aniya habang inaalis sa tray ang mga pagkain. "Hay! Kung hindi ko siguro alam na kulay berde ang dugo mo baka isa ako sa kanila na nahuhumaling sa 'yo," komento naman ni Sol habang nagdi-day dream ng nakatingin sa kaniya. "Tigilan mo 'ko, Sol, huh? Kinikilabutan ako sa mga tingin at sinasabi mo!" suway niya rito habang iniaabot ang kutsara at tinidor dito na agad din nitong kinuha. "Hindi naman kasi maitatangging may itsura ka. Tignan mo naman ang sarili mo, lalaking-lalaki ka manamit at kumilos," gatong pa ni Beth. "Isa ka pa!" aniya na halos ihampas an rito ang kutsara't tinodor nito na inaabot niya. Ngumuso ito. "Nagsasabi lang naman kami ng totoo." "Pero mas yummy iyon, sis!" tinabig ni Beth si Sol habang iningunguso ang entrada ng Noodle House kung saan may dalawang lalaki na sabay na pumasok. "Ang pogi!" mahinang tili ni Sol. "Oo nga! Kung alam ko lang na palaging may gwapo dito sa Noodle House palagi na akong kakain at tatambay dito." "Hmp! Mukhang kalahi mo pa yata, Perry," dismayadong sabi ni Beth kalaunan nang mapansin nitong umakbay ang matangkad na lalaki sa kasama nitong hanggang tainga lang nito ang taas. Tinignan naman niya ang itinuturo ng mga ito kaya lang nakalagpas na sa lamesa nila kaya hindi niya nakita ang mukha ng mga ito. "Sa tingin mo?" baling ni Mirasol sa kaniya. "Hayaan mo na nga sila, Sol. Samahan mo na lang akong magbanyo at kanina pa ako naiihi." "Banyo lang kami," paalam ng dalawa. "Bilisan niyo lang dahil mabilis lumamig ang mga pagkain." "Yeah, yeah, yeah!" sabi ni Beth habang nagthumbs-up naman si Sol. Tinignan naman niya ang tinutukoy ng mga kasama niya. Nakatalikod sa gawi niya ang dalawang lalaki. At base sa kaniyang obserbasyon ay kalahi nga niya ang isa sa mga ito. Ang matangkad na lalaki ay halatang may pagnanasa sa kasama nito dahil iba ang pagkakaakbay nito sa kasama. Para kasi iyong may kasamang haplos. Habang ang isang lalaki naman ay sa tingin niya ang lalaking-lalaki dahil sa tindig nito at kilos. Pero nang maghanap na ang mga ito ng mauupuan ay ganoon na lamang ang pag-iwas niya ng tingin dahil pamilyar sa kaniya ang matangkad na lalaki na may blondeng buhok. Hindi siya maaaring magkamali. Napatuwid siya ng upo nang maramdaman niyang umupo ang mga ito ng magkatabi sa likod niya. May kung anong pinag-uusapan ang mga ito pero hindi niya maintindihan dahil sobrang lakas ng t***k ng puso niya. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Hindi siya nito pwedeng makita. At sino ang lalaking kasama nito? Hindi ba nito kasama ang nobyo? Is he cheating on his boyfriend? O namamalikmata lang talaga siya? At dahil gusto niyang makasiguro ay pasimple siyang tumingin sa gilid kung saan ang pader ng establishemento ay gawa sa salamin. At ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya at paglabas niya ng Noodle House nang makumpirma niya ang lalaki. Mabuti na lang at nagpaalam ang dalawa niyang kaibigan na magbabanyo lang dahil kung hindi ay baka tinawag siya ng mga ito na siguradong maririnig ng lalaki. Hindi rin kasi niya kinaya ang nakita niya kung paano himasin ng lalaki ang binti ng lalaking katabi nito at bulungan na animoy pinapapak na ang tainga nito. Nang makalayo ay muli siyang sumulyap sa restaurant at nakita niyang nakaakbay pa rin ang blondeng lalaki sa kasama nito nang lumabas na ang mga ito sa restaurant bitbit ang t-in-ake-out na mga pagkain. Ngunit ang sumunod na pangyayari ang hindi niya inaasahan dahil bigla na lamang kinabig ng matangkad na lalaki ang batok ng kasama nito dahilan para maghinang ang labi ng mga ito kasabay ng pagsambit niya sa pangalan ng lalaki. "Enrique..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD