"SO, is this unit okay with you?" tanong ng landlady kay Perry matapos nilang ikutin ang buong apartment unit. Huling araw na kasi niya sa bahay ng Tita ni Homer kaya naman desidido na siyang makalipat kaagad.
"Yes! It's fine with me."
"Great! I'm glad to hear that," nangniningning ang mga matang sabi nito.
"So, how much is the monthly compensation?" tanong niya kapagkuwan.
Sandaling nagbilang ito. "Ninety euro for monthly rental and one hundred eighty for two months advance deposit, so that would be two hundred seventy euro in total."
Two hundred seventy euro? It's almost sixteen thousand in peso?
Napabuntong hininga siya. Kung hindi lang talaga niya kailangang lumipat ngayon ay hahanap pa siya ng ibang malilipatan. Pero ayos na rin iyon dahil kumpleto naman na sa gamit. At may sariling kusina, banyo, may maliit na terrace na pwede niyang pagsampayan ng mga damit at higit sa lahat, may magandang seguridad dahil may CCTV sa bawat hallway ng palapag at may fire extinguisher din bawat kwarto.
Kinuha niya ang kaniyang pitaka at kumuha ng saktong pambayad saka iniabot sa babae. "Here's the payment."
"Danke!" (Thank you!) pasasalamat nito.
"Danke!" aniya matapos yukuan ito.
Akmang papasok na siya sa loob para iaayos ang kaniyang mga gamit nang muli siyang tinawag ng landlady.
"I forgot to give you the password of the WiFi."
"Oh, you have WiFi also?" aniya saka iniabot ang phone niya rito.
Tumango-tango naman ito habang tina-type ang password sa kaniyang cellphone.
Not bad. Sulit na rin pala ang bayad niya.
"There!" saka nito ibinalik ang kaniyang cellphone.
"And if you have any concerns about your neighbor don't hesitate to tell me, okay?"
"Okay! Danke!" muling pasasalamat niya saka tuluyang pumasok sa apartment niya. Sa wakas, wala na siyang ibang iintindihin dahil nakahanap na rin naman na siya ng bago niyang trabaho.
Mabuti na lang at urgent hiring sa kompaniyang in-applyan niya. Hindi na rin niya sinabi na nanggaling siya sa REI, baka kasi paghinalaan pa siya kung bakit siya nagresign sa isang kilala at prestihiyosong kompaniya at piniling magtrabaho sa mas maliit na kumpaniya.
Nakapasok kasi siya bilang Human Resources Assisstant sa SBN Advertising Company na hindi man kasing laki at kilala katulad ng REI ay sapat naman ang sahod at benepisyong makukuha niya. Hindi rin niya sinabi sa kaniyang ina at tiyuhin ang ginawa niyang pagre-resign sa REI dahil siguradong kukwestiyunin din siya.
Pagkatapos niyang ayusin ang kaniyang mga gamit ay nagpasiya siyang kumain ng hapunan sa labas. May nadaanan kasi siyang kainan na malapit sa apartment niya kanina na mukhang masasarap ang mga pagkain kaya naman kinuha niya ang susi ng apartment niya at dali-daling nagsuot ng makapal na jacket na may hood dahil mukhang uulan pa ng niyebe sa labas.
Pagdating niya sa Korean Noodle House ay agad na sumalubong sa kaniya ang Kpop music na siyang umaalingawngaw sa loob ng establishimento mula sa telebisyon kung saan kita niya ang music video ng isang kilalang Kpop group. Dumeretso siya sa counter at mabilis na umorder dahil ramdam na niya ang pag-aalburoto ng kaniyang tiyan dahil sa gutom.
Bukod sa unli ramyun noodles ay may combo meal din doon kaya naman umorder siya ng chicken kimbab na may mustard sauce at ramyun na may kasama ng drinks sa murang halaga lang. Pero hindi pa siya nakuntento doon dahil umorder din siya ng kimchi at chapchae.
Mayroon nga doong Spicy Ramyun Eating Challenge kung saan kapag nabeat mo ang bilang ng bowl ng ramyun na mauubos mo na nasa score board ay mananalo ka ng isang pack ng ramyun noodles kung saan naglalaman iyon ng sampung pirasong noodles at may kasama pang dalawang flavor ng korean meat na pang-samgyup. Siguro ay sa ibang araw na lang niya iyon susubukan.
NAKAHAWAK sa tiyang lumabas si Perry ng Noodle House matapos kumain ng dalawang malaking mangkok ng ramyun noodles at isang buong kimbab. Bigla kasi niyang namiss ang Korean food at tamang-tama ang mainit na sabaw sa malamig na panahon ngayon sa Hamburg. Nabawasan niyon kahit papaano ang lamig sa kaniyang katawan.
Nakakailang hakbang pa lang siya paalis ng Korean Food House nang tumunog ang cellphone niya. "Oh, Homer? Napatawag ka?"
Hindi na kasi siya nito naabutan sa bahay ng Tita nito kaya siguro hinahanap na siya.
"Nasaan ka?"
"Nasa City B na ako. Malapit lang sa bayan ang apartment na tinutuluyan ko ngayon."
"M-mabuti naman kung ganoon. Kailan ka pala magsisimula sa bago mong trabaho?"
"Bukas ang first day ko."
"Maayos naman ba riyan sa nilipatan mo?" gatong niya pa.
"Secured naman. Teka nga, bakit ang dami mong tanong? Pumunta ka na lang kaya dito?"
Bahagyang natahimik ang kabilang linya.
"Homer?" tinignan niya ang telepono niya kung gumagalaw pa ba ang timer ng call o hindi na. "Hello, Homer? Nandiyan ka pa ba?" tanong niya nang hindi naman naputol ang linya nila.
"I'm sorry, Perry." At pinatay na nito kaagad ang tawag.
Kunot-noong ibinaba niya ang kaniyang cellphone. "Nangyare, do'n?"
Nagkibit balikat na lang siya saka ibinulsa ang aparato at dali-dali ng naglakad pabalik ng apartment niya.
PAPALIKO na siya sa kanto malapit sa kaniyang apartment nang bigla na lang may humintong itim na sasakyan sa harap niya. Napaatras siya nang makilala niya ang pamilyar na sasakyan. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang sasakyang iyon ay sa taong pilit niyang kinakalimutan.
Paano nito nalaman kung nasaan siya?
Tatakbo na sana siya palayo rito nang marinig niya ang baritong boses ng lalaki na nakapagpahinto sa kaniya. Na hindi niya itatangging namiss niya. Tatlong araw lang ang lumipas pero pakiramdam niya taon ang nagdaan. Gusto niya itong yakapin at pugpugin ng halik pero sa tuwing naaalala niya ang mga sinabi sa kaniya ni Enrique ay napupuno ng galit ang puso niya.
"Don't you dare run away from me again!" sigaw nito na may kasamang hinanakit.
Anong ginagawa nito dito? Hindi ba dapat ay hindi na siya nito ginugulo dahil nakipagbalikan na ito kay Enrique?
Gusto niyang tumakbo pero ayaw kumilos ng kaniyang mga paa.
"Bakit basta ka na lang umalis nang hindi man lang inaalam ang totoo?" tanong nito.
Naikumo niya ang kaniyang mga kamay. Bakit pati ang pagsasalita nito ng tagalog ay namiss din niya? Ang boses nito, ang yakap, ang halik at ang lahat-lahat dito.
Ngunit hindi iyon ang oras para magpantasya siya. Oras na para sabihin dito ang dapat ay noon pa niya sinabi. Hindi naman na siguro siya mahihirapan dahil sigurado siyang wala ng magiging epekto dito kung sasabihin niya ang totoong dahilan ng pag-alis niya. Tutal ay nagkabalikan naman na sila ng taong mahal nito, hindi ba?
Sasabihin na niya ang lahat para mailabas niya ang lahat ng sakit na idinulot nito sa kaniya at para tuluyan na rin tapusin ang lahat sa kanila. Kaya naman lakas loob niya itong hinarap pero hindi niya inaasahan ang bumungad sa kaniya.
Malaki ang pinagbago ng itsura at pangangatawan nito. Magulo ang buhok at parang ilang araw ng hindi nakakapag-ahit ng bigote. Maga rin ang mga mata dahil sa naglalakihan nitong eyebags.
What happened to him? He looks miserable.
Nakaramdam siya ng awa pero pinigilan niya ang sarili dahil hindi siya dapat magpadala sa bugso ng kaniyang damdamin. Kailangan niyang magpakatatag.
"Umalis ako dahil dito," deretsang pagtatapat niya habang itinuturo ang kaniyang puso. "Sinabi sa akin ni Enrique na nagkabalikan na kayo. Noong una hindi ako naniniwala, pero nang makita ko iyong litrato niyong makasama sa kama at walang mga saplot? Para mo na akong pinatay!"
"But that's not true!" depensa nito.
"Lahat naman sayo hindi totoo, eh! Iyong mga pinapakita at pinaparamdam mo. Lahat iyon ay pagkukunwari lang. Lahat iyon ginawa mo para lang may magpunan ng pangamgailangan mo!"
"Hindi totoo ya—"
"Tama na! Ayoko ng makarinig pa ng mga kasinungalingan galing sa 'yo! Dahil kung talagang pinapahalagahan mo ako, hindi mo ako sasaktan ng paulit-ulit!"
Hinawakan siya nito sa magkabila niyang braso. "No, you're not! Hindi ganoon ang pagtingin at intensyon ko sa 'yo!"
"Huwag mo akong hawakan!" asik niya saka ito tinaboy palayo sa kaniya.
"But you're the one I love!" pagtatapat nito.
Dapat matuwa siya dahil sa wakas, nasabi na rin nito iyong matagala na niyang gustong marinig mula sa taong mahal niya pero kabaligtaran ang nararamdaman niya.
Kiming tumawa siya. "Like? Yeah, right! But you're still in love with him!"
"No! I don't love him anymore! Because you're the one that I really like. Please, believe me," he begged.
"Ano pa bang ikinapuputok ng butsi mo, ha? Nagkabalikan na nga kayo, hindi ba? Lumayo na ako pero bakit ginugulo mo pa rin ako?! Hindi mo naman na kailangang magkunwari! Huwag ka ng umakto na parang may pakialam ka pa sa akin dahil tapos na ang role ko sa buhay mo!" aniya na animoy kutsilyong paulit-ulit na sumasaksak sa kaniya.
"No, please! Don't say that."
"Alam mo dapat matuwa ako kasi gusto rin ako ng taong mahal ko, e! Pero hindi ko magawang magsaya. Alam mo kung bakit?"
Nilunok niya ang namuong bukol sa lalamunan niya bago siya muling nagpatuloy. "Because you don't really like me as a man, or a lover. I'm just someone for you to play with! That you just need someone to satisfy all your needs! That you're just with me because of s*x! Na panakip-butas mo lang ako!"
Nanginginig ang buong katawan niya hindi dahil sa lamig ng klima kundi dahil sa galit at puot. Ayaw man niyang sabihin ang mga salitang iyon pero naging tapat lang naman siya sa sarili niya dahil iyon ang pinaramdam nito sa kaniya.
The pain he causes him is unbearable.
Akmang tatalikuran na sana niya ito nang hawakan nito ang kamay niya at saka lumuhod sa kaniyang harapan. "No! I really love you, Perry! Please, don't leave me! I'm begging you."
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang muli niyang makita ang luhaang itsura nito, na tulad niya ay hilam din ng luha ang mga mata nito dahil nakatingalang nakatingin ito sa kaniya.
Gusto niyang punasan ang mga luha nito. Gusto niyang yakapin at sabihin na mahal na mahal din niya ito. Pero pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil hangga't may taong nasasaktan, hindi sila magiging masaya.
"The difference between 'like', 'love', and 'in love' is the same as the difference between 'for now', 'for a while, and 'forever'," paliwanag niya saka tuluyang bumitaw at tumalikod dito.
NAIWAN namang luhaan si Adalius. Halos matumba siya sa sobrang panghihina. Tatlong araw na siyang walang matinong tulog at kain. Parang ngayon lang niya naramdaman ang epekto ng puyat, pagod at stress sa paghahanap kay Perry.
"Sir, I think we need to go! The snow is getting heavy," singit ni Walter na ngayon ay inaalalayan na siyang tumayo.
"Why didn't he even let me explain to him?"
Simula ng umalis sa puder niya si Perry ay nasabi na niya kay Walter ang lahat ng tungkol sa kanila ni Perry. Wala naman kasi siyang ibang malalapitan at makakausap kundi ito lang, since ito na rin ang pumalit pansamantala sa pwesto ni Perry sa opisina.
"Don't rush everything. Let the time heal your hearts. And you both need space too."
"B-but I love him so much," umiiyak na sumamo niya rito.
"But love isn't enough when someone is hurt."
UMIIYAK na tumakbo pabalik ng apartment si Perry. Sinabi niya sa land lady na kung mayroon mang maghanap sa kaniya ay huwag papasukin na agad namang sinang-ayunan ng huli. Pagkasara niya ng pinto ng kaniyang kwaryo ay napasandal siya doon at parang nauupos na kandila na umupo sa sahig. Hanggang ngayon kasi ay masakit pa rin ang idinulot sa kaniya ni Adalius at Enrique. Halos hindi nga niya ito matignan ng deretso kanina. Gusto niyang maibsan ang sakit na nararamdaman ngunit hindi niya alam kung paano niya gagawin iyon kung gabi-gabi siyang ginugulo ng mga ito sa panaginip niya.
Natigil ang pag-iyak niya nang muling tumawag sa kaniya si Homer. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha saka pinakalma ang sarili.
"H-hello?"
"Kumusta ka?" bungad na tanong ni Homer sa kaniya nang sagutin niya ang tawag nito.
Hindi siya umimik.
"S-sorry. Alam kong nangako ako na wala akong pagsasabihan tungkol sa 'yo, kaya lang pinapili niya ako sa pagitan mo at sa REI. Alam mo namang kung gaano kahalaga sa akin ang makapagtrabaho sa REI, 'di ba?"
Bumuntong hininga siya. Hindi naman niya ito masisisi. "Ako nga dapat na humingi ng tawad sa 'yo. Nadamay ka pa tuloy sa away namin."
"Nakapag-usap na ba kayo?"
Tumango siya kahit hindi siya nito nakikita. "Nakita't nagkausap kami kanina."
"Pinakinggan mo ba siya?"
Umiling siya. "W-wala naman na kaming dapat na pag-usapan. At saka hindi ko pa siya kayang harapin. Kapag nakikita ko kasi siya bumabalik lang iyong masasakit na alaala."
"Naiintindihan ko. Basta kung may problema ka at kailangan mo ng kausap at masasandalan nandito lang ako."
"Salamat, Harrison. Thank you for everything."
"You're always welcome, Perry."