KINABUKASAN, nagising si Adalius nang wala na sa tabi niya si Perry. Pupungas-pungas siyang nagtungo ng banyo para maghilamos at maligo. Paglabas niya ng banyo ay kumunot ang noo niya nang hindi pa nakahanda ang susuotin niya sa trabaho. Dati kasi ay paglabas niya ng banyo naihanda na ni Perry ang mga isusuot niya. Sandaling tumahimik siya at pinakinggan kung may maingay ba sa kusina ngunit wala din siyang mahimigan doon kaya naman tinungo niya iyon.
Pagdating niya roon ay tahimik at wala pang nakahandang almusal. Kalimitan kasi alam niyang nasa kusina na ito kapag naamoy na niya ang aroma ng kapeng tinitimpla nito para sa kaniya. Bigla ay nakaramdam siya ng takot. Mabilis siyang bumalik sa kwarto at pinagbubukas ang mga kabinet na pinaglalagyan ng mga damit at gamit ni Perry.
"N-no. . ."
Mabilis siyang nagbihis at lumabas ng condo niya. Sigurado siyang hindi pa ito nakakalayo.
Habang binabaybay niya ang daan papunta sa REI ay mabilis niyang tinawagan ang numero ni Perry ngunit out of coverage na ito.
"s**t!" asok niya saka sunod na tinawagan si Walter.
"Yes, Sir?" bungad nito sa kaniya.
"Where are you?"
"I'm already here in REI."
"Good! Now, command all your men to guard all the possible transportation in Hamburg. They shouldn't let Secretary Millares leave the country!"
"Right away, Sir!"
Naikumo niya ang kamay sa manibela matapos ibaba ang tawag.
"Where are you, Perry? Why did you suddenly leave without notice?" tanong niya sa sarili habang tumitingin sa kaniyang kanan at kaliwa, umaasa na baka makita niya ang binata na naglalakad sa gilid ng kalsada.
Wala pa naman siyang alam na lugar na pwede nitong puntahan. Saan niya ngayon ito hahanapin. Wala rin siyang kilala na kakilala nito na pwede nitong lapitan.
Alam niyang may pagkukulang siya. Na naging unfair siya rito. Na hinayaan niyang mas mapalapit kay Perry. Pero lahat naman ng bagay ay may dahilan. Katulad niya, may mga bagay na kailangan niyang protektahan para hindi tuluyang masira. Natatakot siya na baka kapag sinabi niya ang tunay niyang pagkatao rito ay baka lalo itong magalit sa kaniya. Sinubukan niyang pigilan ang nararamdaman niya rito pero may parte sa puso niya na hindi siya dapat maguilty dahil alam niya ang totoo.
Bahagya siyang tumigil sa tapat ng plaza ng makita niya ang pangalan ni Enrique sa kaniyang cellphone. Nang buksan niya ang email nito ay may mga kasama pala iyong mga litrato nila na magkasama sa kama na siyang nagpausbong lalo ng galit sa puso niya. Nakita niya ang sarili sa litrato sa totoong dahilan ng pag-uwi niya ng madaling araw kanina. Ang dahilan ng pagsisinungaling niya.
Hindi kasi niya akalain na matapos silang mag-usap ay nilagyan pala nito ng drugs ang alak na iniinom nila sa bar . Nagising na lang siya na nasa tabi niya ito at walang kahit na anong saplot katulad niya.
"So, how was my gift? Did you like it?" bungad sa kaniya ni Enrique ng tawagan niya.
"How long will you mess up my life, huh? You, assh*le!"
He laughed like an evil. "I'm doing this because it's so easy for you to replace me. I will not let you be happy while I am miserable!"
"You're crazy!"
"Why are you so angry? Don't tell me, Perry left you already because of the pictures I sent to him?" tudyo nito na lalong nagpausok ng kaniyang ulo.
Kung papel nga lang ang cellphone niya ay baka kanina pa lukot iyon dahil sa pagtitimpi niya. "If something bad happen to him, I will kill you!" Saka niya tinapon sa passenger seat ang kaniyang cellphone.
Ngayon ay napagtanto na niya ang dahilan kung bakit bigla na lang umalis si Perry. Bakit ba kung kailan handa na siyang harapin ang lahat ay doon naman sila pinaglalayo ng tadhana?
Sinunod niya ang gusto ni Perry na makipag-usap siya kay Enrique para matuldukan na ang nakaraan nila ngunit hindi naman niya akalain na may maitim palang balak si Enrique sa kaniya. Masyado siyang nagpadalos-dalos. Nag-iba na talaga ito ng ugali. Isang taon pa lang ang relasyon nila noon nang magpasiya na siyang hiwalayan ito dahil sa ugali nito. Nasakal siya sa relasyong mayroon sila noon, na kapag hindi nito nakukuha ang mga gusto nito ay lagi siya nitong tinatakot tungkol sa REI. Nakilala lang naman niya ito noon sa isang bar.
Wala namang nangyaring ligawan sa pagitan nila. Nagsimula lang sila bilang f**k-buddy hanggang sa magpasiya siyang pumayag sa kakakulit nito na bigyan na ng label ang relasyon nila na pinagsisisihan niya. Hindi nga niya alam kung natutunan ba niya itong mahalin o ano. Wala rin sana siyang balak na ipaalam ang tungkol sa REI. Kaya lang sinundan siya nito. Akala niya naging malinaw ang naging paghihiwalay nila noon pero nagulat na lang siya nang bigla na lang itong susulpot ulit kung kailan masaya na ulit siya sa piling ng iba.
Hindi niya inaasahan na magpapakita ito sa harapan nila ni Perry nang gabing iyon matapos ang mahabang panahon. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya nagagawang sabayan sa tanghalian o sa hapunan si Perry minsan. Ayaw niya kasing baka pati si Perry ay guluhin din nito.
"HOW'S the search operation?" bungad niya kay Walter nang salubungin siya nito mula sa pinto ng kaniyang opisina.
"According to the airlines that my people went to, there's no one booked a flight to the Philippines named Perry Millares. I think he's still in Hamburg."
Tumango siya "Do you know anyone here at REI who's a friend or close to him?" segunda niya.
Sumunod sa kaniya si Walter nang tuluyan siyang pumasok sa opisina niya. "Gather all your men to search the entire building and all the departments you can ask about the person close to Perry."
Yumuko ito. "As you wish, Sir."
Nang makaalis ito ay humarap siya sa floor to ceiling na glass wall kung saan kita niya ang naglalakihang mga establishemento sa syudad ng Hamburg.
"Where are you Perry?" tanong niya sa sarili habang nakatulala sa kawalan.
LUMIPAS ang kalahating oras ay napatayo siya mula sa pagkakaupo niya sa kaniyang swivel chair para ihanda ang sarili sa ibabalita sa kaniya ni Walter.
"Sir, we have already gathered information about the person who close to Perry here at REI and we found out that he was accompanied by Homer from accounting department. They even went home together lately," mahabang ulat nito dahilan para mangalit ang kaniyang mga ngipin.
Naikumo din niya ang kaniyang mga palad. Bakit hindi niya naisip agad ang taong iyon? Marahil nasa puder nito ngayon si Perry.
"And where is the man you are referring to? Is he in the Accounting department now?"
Umiling ito. "Today is his rest day."
Nilahad niya ang kamay niya rito. "Then call the HR to send me all the information about that guy including his address."
"But, Sir—"
"I'm the boss here, so I am the only one who has the right to break the rules and regulations of this company," maotoridad na sabi niya.
Kahit saang kumpaniya naman ay pribado ang lahat ng dokumento ng mga empliyado pero so Perry na ang usapan kaya wala siyang pakialam kung pag-usapan man siya ng mga tao.
Wala naman ng nagawa si Walter kundi ang sundin siya kaya agad itong tumawag sa HR gamit ang telepono ng opisina nito.
The day before Perry left Adaliusv condo. . .
"HELLO?" inaantok na bungad sa kaniya ni Homer nang sagutin nito ang tawag niya.
Kinagat niya ang nanginginig niyang labi. Wala kasi siyang tigil sa kaiiyak. "Pasensiya na sa istorbo. Alam kong late na pero k-kailangan ko lang kasi talaga ng tulong mo."
Bumuntong hininga siya. Wala kasi siyang ibang malalapitan kung hindi ito lang. "Are you kidding me? Nang ganitong oras talaga?"
"W-wala lang kasi talaga akong mapupuntahan, e," dahilan niya.
"What do you mean?" naguguluhang tanong nito.
"H-he cheated on me. I saw him naked in bed with his ex," aniya habang nakatingin kay Adalius na mahimbing na ang tulog.
"Oh my god!" bulalas nito.
"G-gusto ko ng umalis dito. Wala naman kasi akong l-lugar dito at hindi dapat ako ang nadidito sa puder niya kasama siya," malungkot na sabi niya.
"So, they really back together?"
Tumango-tango siya kahit hindi naman siya nito nakikita at tanging pagsinghot na lang niya ang naririnig nito mula sa kaniya.
"Sige, magkita tayo mamaya. Susunduin kita sa City B at exactly 6 o'clock."
"T-thank you."
"OKAY LANG ba talaga na tumuloy ako dito sa inyo? Hindi ba magagalit ang tita mo?"
"Hindi naman. Sila nga ang nagsabi na pwede akong magdala ng bisita dito habang wala sila para may nakakasama ako dito kahit papaano kaya tamang-tama lang."
Pinaupo siya nito sa sofa. "Nasaan ba sila ngayon?"
"Nagbakasyon sila sa Thailand."
Malungkot siyang napangiti. Iyon kasi ang unang-una sa listahan ng mga bansang gusto niyang puntahan kasama ang lalaking gusto niya.
The place where same s*x marriage is legal. Gusto niyang libutin iyon kasama ang lalaking gusto na niyang makasama habang buhay. At iyon si Adalius. Nakikita na kasi niya ang future na kasama ito.
Ang dami pa naman niyang gustong gawin kasama ito pero ilisyunado lang pala siya. Umasa siya sa wala.
"Ano na ngayon ang balak mo niyan?"
"Magreresign na ako sa trabaho ko."
Kumunot ang noo ni Homer. "Magreresign? Ano naman ang kinalaman ng pagreresign mo sa REI sa problema niyo ni Charles?"
Naging malikot ang mga mata niya. Nawala sa isip niyang hindi pala nito alam na ang CEO ng REI ang lalaking nagugustuhan niya. Napalunok siya. Ano ang sasabihin niya rito? Sasabihin na ba niya ang totoo?
"Hoy! Tinatanong kita," agaw pansin nito sa atensyon niya.
Nakagat niya ang kaniyang labi. Pwwde naman siguro niya itong pagakatiwalaan hindi ba?
"M-mapagkakatiwalaan ba kita?"
"Oo naman! Ano bang sinasabi mo diyan? Natural magkaibigan tayo kaya mapagkakatiwalaan mo ako."
Bumuntong hininga siya saka nilunok ang bikig sa lalamunan niya. "Si Charles, h-hindi talaga siya iyong taong nagugustuhan ko."
Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Sorry kung nagsinungaling ako sa 'yo noon."
"So, kung hindi si Charles, sino?"
"S-si Adalius Meier."
Nanlaki ang mga mata nito sa natuklasan. Halos malaglag ang panga nito sa sahig. "Oh. My. God! Seriously?"
Tumango-tango siya.
"Kaya pala gusto mong magresign sa REI?" Muli ay tumango siya.
"Grabe! Hindi ako makapaniwala. Napakamisteryoso talaga niya," gulat na sambit nito. Mayamaya ay lumapit ito sa kaniya. "So, ano ang itsura niya? May picture ka ba niya? Pwede ko bang makita?"
"Alam mo namang bawal, 'di ba?"
Napanguso ito. "Ang daya naman! Bakit ayaw mong sabihin? E, 'di ba magreresigan ka na rin lang? Kaya sabihin mo na," pangungulit nito.
"Hindi naman porque aalis na ako sa REI ay ipagkakalat ko na ang tungkol kay Ada."
"Wow! Iyan ba ang tawag mo sa kaniya? Nakakainggit naman!"
"Ano naman ang nakakainggit doon?" tanong niya.
"Maswerte ka dahil kasama mo siya sa iisang bubong."
"Aalis ba ako sa puder niya kung maswerte ako? Baka nga hindi ako hinahanap n'on."
"Kunsabagay. Pero paano ka napunta sa condo niya?"
"Magkasama kami noon nang manakawan ang apartment na tinutuluyan ko noon kaya nagpresinta siya na tumuloy muna ako pansamantala sa condo niya. Hanggang sa wala na akong nagawa nang ayaw na niya akong paalisin sa puder niya."
"At tuluyan kang nahulog sa kaniya dahil matagal kayong nagkasama sa iisang bubong?"
"Akala ko kasi matututunan din niya akong mahalin dahil sa mga pinapakita nito sa akin. Iyon pala ginamit lang niya ako. Ginawa lang niya akong parausan para pagselosin ang ex niya," umiiyak na kwento niya rito.
Umupo sa tabi niya si Homer at hinimas ang likod niya. "Sigurado ka na ba sa desisyon mong umalis sa REI? Hindi mo man lang ba aalamin muna ang paliwanag niya?"
"Para saan pa? Para magsinungaling at paasahin ako ulit?"
"Kung iyan ang desisyon mo wala na akong magagawa. Basta nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong.
Tumango siya. "Huwag kang mag-alala, bukas na bukas ay maghahanap ako kaagad ng trabaho at apartment na malilipatan. Pero may pakiusap lang sana ako sa 'yo."
"Ano iyon?"
"Kung sakali mang tanungin nila ako sa 'yo sa REI, pwede bang huwag mong sabihin na nagdirito ako? Na nagkita't nagkausap tayo?"
"Makakaasa ka."
"Salamat!"
KINABUKASAN ay nakatanggap ng tawag si Adalius mula sa HR Manager at sinabi nitong may sinend itong email sa kaniya na agad naman niyang tinignan. Napahilamos siya nang makita niyang resignation letter iyon ni Perry. Hindi niya matanggap na tuluyan na itong lumalayo sa kaniya.
He can't do that to him. Hindi ito pwedeng basta na lang umalis nang hindi sila nakakapag-usap. Hinilot niya ang kaniyang sintido nang maramdaman niyang kumirot iyon. Wala kasi siyang matinong tulog kagabi kakaisip kay Perry. Halos nimunod niya ang sarili sa pag-inom ng alak kagabi Hindi niya alam kong nasaan na ito ngayon.
Nang maalal noya ang kaibigan nitong si Homer ay agad siyang tumawag sa Accounting Department.
"Good morning! REI Accounting Department," bungad ng babaeng sumagot ng tawag niya mula sa telepono ng kumpaniya.
"May I speak to Homer Vergara?"
"Okay, Sir!"
Narinig naman niyang tinawag nito si Homer.
"Y-yes, Sir? W-what can I do for you?" nanginginig na tanong nito.
Marahil ay bigla itong nagtaka ng bigla na lang niya ito gusto kausapin. Bihira kasi siyang makipag-usap sa ibang mga empliyado.
"I'll go straight to the point. I want you to tell me where is Perry?" Bahagya itong natahimik sa tanong niya.
"I d-don't know where he is, Sir."
Naikumo niya ang kaniyang kamao. Alam niya kasing nagsisinungaling ito.
"Huwag mong hintayin na papiliin kita, Mr. Vergara," aniya.
Nalaman kasi niya na Filipino din ito kaya naman kinausap na niya ito ng tagalog.
"H-hindi ko po talaga alam kung nasaan siya, Sir."
"Mamili ka, Mr. Vergara. Sasabihin mo ba sa akin ang totoo o patatalsikin kita sa kompaniya ko?"
"But, Sir—"
"What now? I'm waiting!"