"SORRY about earlier," paumanhin ni Adalius kay Perry nang tumabi at yumakap na ito sa kaniya sa kama.
Kung iba lang ang sitwasyon nila ngayon baka sinunggaban na niya ito ng halik. Katatapos lang kasi nitong maligo at amoy na amoy niya ang ginamit nitong shampoo at sabon.
"Hey! Say something. Hindi ako sanay ng tahimik ka," pangungulit nito.
Hindi lang kasi siya makapaniwala na iyong masaya sana niyang kaarawan ay masisira nang dahil lang sa pagsulpot ni Enrique.
Hangang ngayon iniisip niya kung bakit kaya naghiwalay ang mga ito? May third-party kayang naganap? Family issue? O nafall-out of love ang isa sa kanila?
At ngayong dumating na siya sa buhay ni Adalius, ginagamit lang ba siya nito para makawala kay Enrique?
Napaluha siya sa isiping iyon. At hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Adalius.
"A-are you crying?" gulat na tanong nito saka pilit na pinapaharap sa kaniya.
"No, I'm not! Nahamugan lang siguro ako kanina kaya medyo s-sinisipon ako," kaila niya saka nagtalukbong ng kumot.
"Oh, god! Please, don't cry. I'm sorry kung nasira iyong date natin nang dahil sa kaniya. Hayaan mo, hindi na siya ulit makakalapit sa atin," anito habang pilit na tinatanggal ang kumot sa mukha niya.
"G-gusto ko ng lumipat."
"No! You're not gonna leave me!" galit na sabi nito.
Tinanggal niya ang kumot sa mukha niya saka umupo para harapin ito. Wala na siyang pakialam kung makita nitong luhaan siya.
"Para saan pa? Bumalik na siya, 'di ba? Kaya ano pang lugar ko dito?!"
"So, what are you trying to say, huh?"
"That I'm just your secretary! No! I'm just your f-f**k buddy. Na kaya mo ako pilit na pinatitira dito sa condo mo kasi pinagseselos mo lang siya para bumalik siya sa 'yo! H-hindi ba't tama ako?!"
"Of course not!"
"Pero iyon 'yong pinaparamdam mo sa akin!"
"I'm sorry, okay! S-sorry kung iyon 'yong nararamdaman mo. Pero hindi ganoon ang tingin ko sa 'yo."
"Then w-who am I really to you?" tanong niya sa pagitan ng kaniyang mga hikbi.
"Y-you're special to me," sabay iwas ng tingin sa kaniya.
Sarkastikong natawa siya habang umiiling. "Iyon lang? Iyon lang ang masasabi mo? I can't believe you!"
"Perry, wait! What are you doing?!" tanong nito nang kunin na niya ang maleta niya at isa-isang ipinasok ang kaniyang mga damit.
"Ano bang ginagawa mo!" sigaw niya rito nang alisin nito lahat ng pinapasok niyang damit.
"You're not leaving!"
"At ano ang gusto mong gawin? Ikulong ako rito ng hindi naman dapat ako ang nandirito?"
Niyakap siya nito sa bewang niya saka nagmakaawa. "Perry, please! Don't leave me! Aayusin ko ito. Kapag naayos ko na ang lahat sa amin, ibibigay ko na sa 'yo ng buong-buo ang oras at puso ko."
Ramdam niyang namasa na ang suot niyang damit dahil sa luha nito kaya iniangat niya ang mukha nitong nakasubsob sa baywang niya.
And he's really crying. Ngayon lang niya ito nakita sa ganoong sitwasyon. He looks scared and weak. At hindi niya ito kayang tiisin. Marupok na kung marupok. Lahat naman ng tao, deserve ng second chance.
Pinunasan niya ang luha sa mga mata nito. "H-hahayaan kitang makausap siya sa huling pagkakataon. At g-gusto ko tuparin mo ang pangako mo na magiging buo at handa ka na kapag humarap ka na sa akin."
Tumango-tango naman ito. Saka siya muling niyakap ng mahigpit.
"I love—"
"Shhh. . ." pigil niya rito. S-sabihin mo sa akin iyan kapag nagkausap na kayo. Kailangan niyo ng closure para tuluyan ka ng makawala sa nakaraan ninyo."
Matagal na niyang gustong marinig iyon pero hindi sa ganoong sitwasyon. Saka na kapag handa na ito at tuluyan na nitong pinakawalan ang nakaraan nito.
THE NEXT DAY, Perry was currently rushing the two proposal letters for Adaliu's upcoming video conference this afternoon when his phone suddenly rang. He took his phone from his pocket and saw the unregistered number from the caller ID. He answered it immediately, thinking that it's only an overseas call from his mother and maybe she changes her number.
"Hello, Mo—"
"I know your dirty little secret with the REI's CEO."
Fuck! This person really knows about Adalius' true identity.
Perry stunned when he heard that familiar voice. It's Enrique. The man who wants to get Adalius back, desperately.
Kumunot ang noo ni Perry. Saan nito nakuha ang number niya?
Bahagya siyang umubo para alisin ang bata sa lalamunan niya. Hindi siya dapat magpahalata.
"I'm sorry, Sir? I think you called the wrong number—"
"Oh, cut the crap, Secretary Perry Millares! I know you're living in the same roof. And let me remind you, you're just his f**k buddy. So don't expect him to look at you more than that because he will never be yours! He's mine. Mine alone!"
He closed his fingers into a tight ball. "With all due respect, Sir, but where did you get my number? Because I don't know what you are talking about."
"Oh, common! Could you please stop pretending? And I know you knew where I got your number."
Wala namang ibang nakakaalam ng domestic number niya kundi ang company, si Adalius, Walter at ang kaniyang ina lang. Hindi kaya nakuha nito kay Adalius? Nagkita na ba sila?
Tumayo siya at naglakad-lakad sa harap ng kaniyanGB office table. Hanggat maaari ay kailangan niyang magtimpi. Dapat ipakita niyang propesyonal siya pagdating sa trabaho niya.
"If you have an issue with the CEO, don't involve the REI."
"And who are you to tell me so? You have no rights to dictate what I should do or I shouldn't do. I'll do whatever I want to do!"
Perry greeted his teeth in anger. "Please, Enrique! Stop pestering Adalius. Whatever the reason of your past relationship, just accept the fact that you will never get him back!"
"So, what are you trying to say?" tanong nito.
Huminto siya sa paglalakad at taas noong sinagot ito. "That he'll never be yours again because he's going to be mine. Mine!"
Narinig niyang humalakhak si Enrique sa kabilang linya. "Ops! Sorry! Your joke really made my day. Adalius is not into serious relationship. I'm sure, what happened between us will happen to you also so, don't be full of yourself."
May kung anong takot siyang naramdaman sa huling sinabi nito.
"If you have nothing good to say, just mind your own business!"
Nanginginig na ibinaba niya ang telepono.
Hindi niya alam kung magiging handa ba siya kung dumating man ang oras na iyon. Napahilamos siya. Bakit ba napaka-advance niya mag-isip? Lahat naman ng magkarelasyon ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan pero nalalagpasan at nalalagpasan pa rin.
"PERRY!" napahinto siya sa employee exit nang marinig niya ang tawag na iyon sa kaniya ni Homer.
"Oh, Homer, you need something?" tanong niya nang makalapit ito.
Umiling ito. "I just wanted to say hello and ask if you already talk to Charles about your feelings?"
He rolled his eyes. "Bakit ang tsimoso mo?"
Umakbay ito sa kaniya. "Bakit? Masama na bang kumustahin ang lovelife ng kaibigan ko?"
"Kalalaki mo kasing tao, tsimoso ka."
Nagkamot ito ng ulo. "Ikaw naman, ngayon na nga lang tayo nagkita ganiyan ka pa. Ano na? Kumusta na nga kayo?"
"Medyo nagkaroon ng away."
Napahinto ito. "Ano nangyari?"
He took a deep sighed. "Because his ex-lover is back. And that person want him back, desperately."
"You mean, you met his ex-lover?"
Tumango siya. "I think, he still loves that person."
Napatingin ito sa kaniya. "How did you say so?"
Namulsa siya habang naglalakad. "Because he seems distracted and gets annoyed easily these past few days."
Hindi tuloy niya maiwasan na mag-alala. Minsan kasi tulala at palaging mainit ang ulo nito. Pero pagdating naman sa kaniya kumakalma ito. May ilan kasing hindi magandang nangyayari sa REI kaya may mood swing ito. Hindi rin sila nagsabay ng uwi ngayon ni Adalius dahil ngayon ang nakatakdang pag-uusap nila ni Enrique.
"If that's the reason, meaning, you're conclusion is wrong. I think he doesn't love or care about that person because if he does, he should be happy. Maybe, that person knows something important that he uses to blackmail Charles."
Natigilan si Perry sa sinabi nitong iyon. Hindi kaya ginagamit ni Enrique ang katauhan ni Adalius para makontrol niya ito? Kaya ba may mga gabi dati na hindi na ito umuuwi noong mga panahong hindi pa niya nakikilala ang dating nobyo nito?
Hindi maaari. Hindi siya papayag na hawakan nito sa leeg si Adalius. Being Adam outside REI makes Adalius safe from the business world. He need to do something.
"Hey, Perry! Wait! Why in a hurry?" pigil sa kaniya ni Homer nang bigla na lang siyang tumakbo
Huminto siya sandali. "I need to talk to him about that person!" sigaw niya saka ulit tumakbo.
"Okay! Take care!" rinig niyang habol pa nito. Itinaas naman niya ang kaniyang kanang kamay nang hindi ito nililingon bilang pamamaalam.
"HELLO, Enrique? It's me, Perry," bungad niya nang sagutin nito ang tawag niya.
"Oh? Why did you call?" Halata ang iritasyon sa boses nito.
"Where are you? Can we meet?"
"Oh, I'd love too. But I can't leave right now because Adalius is still here in my condo, sleeping soundly. I think he got tired of our makeup s*x. Maybe next time, what do you think?"
Napaupo siya sa sofa sa nalaman. Halos kararating lang niya sa condo ni Adalius para magpalit ng damit upang kitain si Enrique para kung pumayag man ito ay nakahanda na siya. Ngunit sa sinabi nito ay parang hindi na nila kailangan pang mag-usap.
Tama nga siya ng hinala. Mahal pa nito si Enrique at si Homer ang nagkamali sa kanila ng konklusyon.
"Perry? Are you still there?" agaw atensyon sa kaniya ni Enrique sa kabilang linya pero agad na niyang pinatay ang tawag.
His hope was completely shattered, especially when Enrique send some pictures of him and Adalius, naked in bed.
Lumuluhang napahawak siya sa kaniyang dibdib. Muling bumalik sa kaniya ang pamilyar na sakit na naramdaman niya mula sa kaibigan niyang si Harrison noon. Halos hindi siya makahinga sa sobrang sakit. Animoy dinudurog ng pino ang kaniyang puso.
Wala na ba siyang karapatan na sumaya? Hanggang ngayon ba ay pinaparusahan pa rin siya ng Panginoon sa ginawa niyang panloloko kay Harrison noon? Bakit kailangan niyang masaktan ng paulit-ulit?
Hanggang sa namalayan na lang niya na inilulunod na pala niya ang sarili sa alak mula sa mini-bar ng condo ni Adalius upang ibsan kahit papaano ang sakit na kaniyang nararamdaman nang bigla niyang marinig ang pagbukas-sara ng pinto.
Dumating si Adalius. Tinignan niya ang oras at pasado alas-tres na ng madaling-araw at mukhang hindi nito napansin ang presensiya niya dahil nagtuloy-tuloy lang ito sa kwarto nito.
Kailangan niya itong kausapin kahit sa huling pagkakataon. Iniubos muna niya ang huling alak sa shot glass niya bago pagewang-gewang na sinundan ito. Pagpasok niya sa kwarto nito ay mahimbing na itong natutulog.
Naghubad siya ng kaniyang mga saplot saka ito tinabihan at sinimulang halik-halikan na nagpagising dito.
"P-Perry?" gulat na reaksyon nito.
"You're drunk," dagdag pa nito nang hindi niya ito sinagot.
"A-Ada? Can we do it?"
Kumunot ang noo nito. "What do you mean?"
Napangiti siya dahil sa kalasingan. Napakagwapo kasi nito kahit nakakunot ang noo. Hindi mo aakalain na labing-walang taon ang agwat ng edad nila dahil mukha lang itong nasa trenta'y-anyos.
"Ahm, d-don't you feel like having s*x with me right now?" lakas loob na sabi niya.
"But you're drunk?" tutol nito.
Pero hindi niya ito sinagot sa halip ay pinagpatuloy niya ang paghalik sa leeg at panga nito. Gusto lang niyang maramdaman na angkinin nito muli tulad ng ginawa nito sa kaniya sa cruise ship kahit na sa huling pagkakataon. Ipinapangako niyang pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na siya magpapakita pa ulit dito. Hahayaan na niya ito sa taong mahal nito.
"Perry, stop! You're drunk and it's already three o'clock in the morning. We should take a rest."
Tumigil siya sa paghalik sa leeg nito "F-fine! So, how's your c-closure with Enrique?"
Tumalikod ito. "H-hindi natuloy ang lakad namin kaya hindi kami nakapag-usap dahil nagka-emergency sa kanila."
Dahil sa sinabi nitong iyon ay muling nanikip ang dibdib niya. Pero kinalma niya ang sarili. "K-kung ganoon, bakit babago ka lang u-umuwi?"
"Nagkaroon ng get together sa bahay, nag-aya sila uminom. Babago lang kasi kami magkita-kota ng mga pinsan ko kaya hindi na ako tumanggi."
Naikumo niya ang kaniyang mga kamay. Tahimik siyang umiyak habang pinagmamasdan ito mula sa likod nito. Hanggang sa narinig na lang niya ang mahinang hilik nito.
"H-hanggang kailan ka magsisinungaling sa 'kin? B-bakit palagi mo na lang akong sinasaktan at pinapaasa? A-ano ba talaga ako sa 'yo?" mga salitang naisambulat niya habang walang tigil sa pag-agos ang kaniyang mga luha.