UNBEARABLE SEVENTEEN

2392 Words
"WHY ARE we here? I thought we're gonna eat?" takang tanong ni Perry kay Adalius nang pumasok sila sa bilihan ng mga sapatos sa halip na sa resaturant. "It's still early for us to have dinner. And you can't even walk properly in your shoes, so it's better if you buy a new one now," anito habang nag-iikot na sa buong shop. "But the shoes here are too expensive. I'll just buy at a cheaper store." Akmang lalabas na siya nang pigilan siya nito. "Don't think about the price. I'll treat you for being my effective secretary." Sandaling napatulala siya. Ganoon ba talaga ito magtrato ng mga empleyado nito? O sa kaniya lang ito ganoon? Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti sa huling naisip niya. "Don't think too much because this is how I really treat all my employees for having a job well done." Napakamot siya. Oo nga pala, iyon nga din pala ang sinabi sa kaniya ni Ms. Becker. Dapat talaga hindi na siya umasa na siya lang ang tinatrato nito ng ganoon. Pero napaisip siya, sa anong paraan kaya nito binibigyang gantimpala ang mga empleyado nito? "D-do you also buy them expensive gifts too?" hindi niya napigilang tanong habang namimili na siya ng kaniyang sapatos. "No! If they want to hang out, all their expenses are paid under my name," pagmamalaki nito habang nakaupo na sa couch ng waiting area. Muli ay napangiti siya. "Kindly assist him and show them all your sturdy shoes," pakiusap nito sa isang sales lady na lumapit dito. "Right away, Sir Adam!" sambit ng sales lady saka siya in-assist. Adam? Tinawag nitong Adam ang Boss niya? Sa pagkakatanda niya, wala namang Adam sa pangalan nito dahil Adalius lang naman ang pangalan nito. Palihim niya itong pinagmasdan. Kahit saan talaga napaka-bossy nito. Kung sabagay, magtataka pa ba siya kung siya naman ang may-ari ng Mall. Pero, alam nga ba iyon ng mga empleyado dito? Na ang misteryosong may-ari ng malaking Mall na ito ay nasa harapan na nila? Mayamaya ay dumako ang mata niya sa mapula nitong labi kasabay ng mga alaala ng pinagsaluhan nilang mga halik sa sasakyan kanina. Kung hindi pa ba sila nakarating agad ng Mall ay may nangyari na kaya ulit sa kanila? Ibig din bang sabihin n'on, may relasyon na sila kung hindi naman pala one night stand ang tingin nito sa ginawa nila noon? Mabilis siyang umiling at sumunod na lang sa sales lady. Ayaw niya munang umasa lalo na't hindi pa naman nabibigyang linaw ang lahat ng namagitan sa kanila. At masyado pang maaga para mag-conclude siya. "This is our best seller shoes," impor.a ng sales lady habang pinapakita't ipinapaliwanag sa kaniya ang quality ng sapatos. "H-how much is that?" "It's only forty euro." Nanlaki ang mga mata niya sa presyo. Forty euro? Kung icovonvert iyon sa pera ng Pilipinas, pumapatak iyon ng tatlo hanggang apat na libo? Sa tatlong libo na iyon ay tatlo na ang mabibili niya, mabibilhan na rin niya ang kaniyang ina. Napatingin naman siya kay Adalius na prenteng nakaupo pa rin sa couch habang nakadekwatro at halukipkip ito. Nakataas din ang kilay na nito habang nakatingin sa kaniya. Parang sinasabi nito na huwag niyang subukang tumanggi o ayawan ang ipinapakita sa kaniya ng sales lady. "Is that all you wanted?" tanong ni Adalius nang nagbabayad na sila sa counter na kinatango lang niya. Umiling-iling ito. "It's not enough." Saka nito sinenyasan ang isa pang sales lady na lumapit sa kanila. "Give him the brown one of these leather shoes." Akala niya iyon lang ang idadagdag nito nang magpahabol pa ito. "And give him some vans, sketchers and sonverse shoes." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Sir! That's too much!" "One more refuse, I'll deduct all of it on your salary!" pananakot nito. Napanguso siya. Ano pa nga bang magagawa niya? Sahod na niya ang pinag-uusapan. Baka mamaya lalo pa siyang mawalan ng trabaho kaya paglabas nila ng shoe store ay may bitbit na siyang apat na paper bags na may tatak ng iba't ibang sikat na brands ng shoes. "IT'S NICE to see you again, Sir Adam! May I take your order?" bungad na tanong ng waiter nang makahanap sila ng kumportableng pwesto sa loob ng Italian restaurant. "Same old," sagot nito sa waiter saka bumaling sa kaniya. "How about you?" Napatingin naman siya sa hawak niyang menu. At sa pangalan at itsura pa lang ng mga foods ay masasabi niyang masasarap lahat. Ganoon din sa mga drinks na may iba't ibang nga kulay base na sa mga flavors nito. Katulad sa shoe store kanina ay muli siyang nalula sa mg presyo ng pagkain. Parang gusto na lang niya umorder ng isang basong malamig na tubig. "I'm fine with Italian pasta," aniya. Iyon lang naman kasi ang pamilyar siya. Napakahirap naman kasing basahin ng mga pangalan ng pagkain sa menu. "No! Don't mind his order. Just make my order good for two," mando nito aa waiter na agad naman tinaguan ng huli. "Right away, Sir Adam!" "Thank you!" Kumunot ang noo niya sa kaniyang nasaksihan at naobserbahan. Ngayon lang nag-sink in sa kaniya ang mga pangyayari. Bakit lahat ng makakasalubong nila ay tinawag na Adam ang kasama niya? Ganoon ba ang pagkakakilala sa kaniya ng iba para hindi nila paghinalaang siya si Adalius Meier ng REI? Kaya ba nananatiling misteryoso si Adalius dahil sa pangalang Adam na gamit niya outside the company? Nakagat niya ang ibaba niyang labi. Alam niyang kalalaki niyang tao para maging ususera pero gusto lang naman niya na mas makilala pa ang lalaking nakauna sa kaniya. "Sir, I hope you don't mind, but I'm a little bit curious about something. Why are they keep calling you Adam? Is that your way to keep Adalius mysterious?" tanong niya. "Exactly! Because even if I'm a well-known businessman, I also want to live a peaceful and normal life. So that I can go anywhere I want without anyone watching or gossiping about me as if I'm one of those famous Hollywood stars. If I make a mistake as Adam, REI will not be affected. All they knew about Adam was that, he was just a simple citizen of Europe who's really far from being Adalius Meier. And they know me because I always come here whenever I want to unwind.l Napangiti siya sa kaniyang nalaman. Parang oras-oras yata ay ang dami niyang nalalaman tungkol dito. He's really a tough man. At nagiging dahilan iyon para umasa siya. Hindi naman na siya nagtanong pa dahil dumating na ang mga order nila. Parang bumalik tuloy sila sa panahong nasa cruise ship pa sila. "Stop starring at me! It's rude! Just finish your food." May mood swing yata ito. Ang bilis kasing magbago ang mood nito. Hindi lang kasi siya makapaniwala na muli silang pagtatagpuin ng tadhana. Akala niya noon wala ng pag-asa na magkita silang muli. At hanggang ngayon ay humahanga pa rin siya rito. Iniisip niya tuloy, hanggang saan kaya sila aabot na dalawa? Aabot ba sila sa relasyong inaasam niya? He snapped his fingers in front of his face. "Hey! You're spacing out again!" "S-sorry!" tanging nasambut niya saka inubos ang kaniyang pagkain. "Make it faster, so that we can take you home." Mabilis siyang iwinagayway ang mga kamay sa harap nito bilang pagtanggi. "No need! I can go home by myself." Humalukipkip ito saka siya sinamaan nito ng tingin. "Do you really love your job?" "S-sir, nakakahiya na kasi sa inyo." "When I say, I take you home, I'll take you home. No more buts!" "Tsk! Bossy!" bulong niya. Paano ba naman kasi, akala mo mag-nobyo sila kung manduhan siya. Parang wala na siyang sariling desisyon. Mahirap pala ito maging karelasyon. Pakiramdam niya magiging under siya nito. Na magiging aunud-sunuran siya rito. Bumuntong hininga ito. "I just want to make sure that you can go home safely." Napainom siya ng wine ng wala sa oras dahil sa sinabi nitong iyon at sa klase ng tono nito na animoy may ginawang kasalanan kaya humihingi ng paumanhin sa kaniya. Nag-init tuloy ang kaniyang mukha. "O-okay," iyon na lang ang nasabi niya. PAGDATING nila sa apartment building na tinitirhan niya ay may kung anong kumusyon na nagaganap dahil may mga police mobile sa tapat niyon. Mukhang may hindi magandang nangyari kaya naman mabilis siyang bumaba at nagpaalam kay Adalius. "Thank you, Sir, for taking me home. And thanks for the dinner and for these also," habol pa niya habang pinapakita ang bitbit niyang paper bags na tinanguan lang nito. Akmang isasara na ni Adalius ang car window nang biglang sumingit ang land lady ng apartment niya. "Perry!" humahangos na lumapit ito. Bahagya pa nitong tinapunan ng tingin ang boss niya. "Sorry for interrupting you guys, but your room was among those entered by thieves a while ago." "What?!" gulat na bulalas niya kaya naman dali-dali siyang pumasok sa loob upang puntahan ang kaniyang silid. Iyon pala ang dahilan kung bakit may mga pulis sa lugar nila. Naabutan niyang sira ang door knob ng kwarto niya na katulad din ng sa ibang mga tenants na pinasok din. Magulo ang kwarto niya na animoy dinaanan ng bagyo. Mabilis niyang tinungo ang kabinet na pinagtataguan niya ng perang itinatabi niya for emergency purposes. Nanlulumong napaupo siya sa sahig nang hindi na niya makita ang pitakang pinaglalagyan niya ng pera at savings card niya. Hindi kasi niya dinadala lahat kapag pumapasok siya dahil iniiwasan niyang manakawan sa daan kapag naglalakad siyang papasok at uuwi. Hindi naman niya akalain na sa apartment pa niya mismo siya mananakawan. Gusto niyang umiyak. Paano na siya ngayon? Sa katapusan pa naman siya sasahod. Paano kapag biglang nangailangan ang kaniyang ina ng pera? Anong ipapadala niya? "What important things did the thief get from you?" Napatingala siya nang marinig niya ang boses na iyon. Si Adalius. Naririto pa pala ito. Buong akala niya kasi ay umalis na ito. Nakita pa tuloy nito ang sitwasyon niya. "Some of my cards and may bottle bank.l tukoy niya sa kaniyang mga debit cards at alkansiya na gawa sa plastic bottle bg softdrink. Lumapit naman ito sa kaniya at marahang hinimas ang kaniyang likod. "Perry, you can stay in my condo for a while if you want." Umiling siya. "No, I'll be fine. Thanks!" Ang dami na kasi nitong nagastos sa kaniya ngayong araw. Kalabisan naman kung makikitulog pa siya sa condo nito. "But you are no longer safe here," anito sa mapupungay na mga mata. Hindi siya nakasagot. "What if the thieves come back? They may not just rob you next time, they may kill you too," he added. Natakot siya sa sinabi nitong iyon. Ayaw niyang umabot siya sa ganoong sitwasyon dahil siguradong malulungkot ang kaniyang ina. Ayaw niyang mawala sa piling nito tulad ng pag-aabanduna ng kaniyang ama sa kanilang mag-ina. "Hey, don't cry," anito na kinagulat niya. Hindi niya akalain na nangilid na pala ang kaniyang mga luha. "I'm sorry!" hinging paumanhin niya saka pasimpleng pinunasan ang kaniyang mga luha. Agad naman siyang niyakap nito. Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas nang muli silang magkita't magkasama ay napakarami ng nangyari. Bakit bigla yata siyang minalas sa kabila ng sunud-sunod na blessings na dumadating sa buhay niya? Nakita pa tuloy nito kung gaano siya kamiserable ngayon. "Hush now. Fix and pack your things. I'll just talk to the land lady about the robbery," anito na tinanguan lang niya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone saka mabilis na tinawagan ang bangko para ipa-freeze ang mga card na ninakaw sa kaniya para hindi nito magalaw ang laman niyon. Matapos iyon ay nanlulumong inayos na niya ang kaniyang kwarto saka isinunod ang kaniyang mga damit na dadalhin. Nakakalungkot lang dahil iyong alkansiya niya na nangangalahati na ang laman ay nakuha ng magnanakaw. Pinagtiya-tiyagaan pa naman niyang ibalot sa straw ang mga bills na naiipon niya mula sa mga ibinibigay sa kaniyang allowance ng kaniyang ina at Uncle Julius noong nag-aaral pa siya. Hindi bale, oansamantala lang naman ang pagtira niya sa condo nito. Hahanap na lang aiya ng bagong matitirhan niya sa rest day niya. Tatlong araw mula ngayon. "Are you done?" bungad ni Adalius ng makabalik na ito na tinanguan lang niya ulit. "Okay! Let's go!" NANG makarating sila sa isa sa mga pagmamay-ari nitong hotel ay hindi niya maiwasang mamangha dahil ang buong akala niya condo unit lang ang tinitirhan nito iyon pala konektado ito sa penthouse ng building. At sa palagay niya walang nakakaalam niyon bukod sa kaniya at kay Walter. Knowing him as a mysterious man. "S-saan ako matutulog?" tanong niya nang wala naman siyang ibang kwarto na nakikita kundi ang kwarto lang nito. "In my room," mabilis na sabi nito. Natigilan siya sa paglilibot. "H-huh?" "Ang sabi ko sa room ko. Tabi tayo matutulog." "A-ano? E, ano iyong isang pinto na iyon? H-hindi ba guest room iyon?" Sabay turo niya sa kulay puting pinto sa gilid. "It's not a guest room. It's just my stock room." Napanguso siya. Hindi sila pwedeng magtabi dahil baka kung saan pa sila umabot na dalawa. "Why? Are you afraid I might do something aside from sleeping?" bulong nito sa tainga niya. Napalayo naman siya rito nang maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa kaniyang tainga. "H-hindi, ah! M-malikot kasi ako matulog kaya. . . Ahm . . . Sa couch na lang ako matutulog. Oo tama! Sa couch na lang ako. Mukha namang sakto lang ako sa couch." Sabay punta at upo niya sa couch. Lumapit naman ito sa kaniya saka ikinulong sa couch. "Are you avoiding me?" Hindi naman nakagalwa si Perry dahil ang lapit nito sa kaniya at nasa gilid ng ulo niya ang mga kamay nito. Nag-iwas siya ng tingin nang maramdaman niya ang hininga nito sa pisngi niya. "S-sir . . . You're to near." "So what? I'm your boss and I'm the owner of this hotel, so I can do whatevwr I want. And all you have to do is to obey me." "B-but, Sir—" "No more buts! And I don't take no for an answer." Naitikom niya ang kaniyang bibig. May magagawa pa ba siya kung nakapagdesisyon na ito? Sisiguraduhin na lang niya na hindi ito makaka-score sa kaniya. He take a deep breath. It looks like his first night in his condo will be difficult for him. He should up all night to guard himself from his captivating boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD