UNBEARABLE SIXTEEN

2112 Words
NAGING abala ang mga sumunod na linggo ni Perry sa REI dahil sa tatlong magkakasunod na online interview ng CEO tungkol sa tatlong magkakasabay na ipinapatayong Mall sa buong Europa. Medyo humupa lang nang matapos na ang huling interview nito pagsapit ng alas-kwatro ng hapon. Nang makaramdam siya ng gutom ay agad siyang nagtungo sa pantry area ng office para magtimpla ng kape dahil oras na din iyon ng coffee break ng boss niya. Habang kumukuha siya ng mainit na tubig sa water despencer ay agad niyang napansin ang sapatos niyang sumusuko na. Isang taon na kasi ang sapatos niyang iyon. Akala niya okay pa pero bumigay na rin dahil sa kakalakad niya ng mga papers. Siya kasi ang kumukuha at nagpapadala ng mga papers at contracts na kailangang pirmahan o papapirmahan ng CEO galing sa ibang mga company na gustong makipag-merge. Masyado kasi iyong confidential kaya siya lamang ang pinagkakatiwalaan na humawak sa mga bagay na iyon. Hindi na kasi siya nakabili ng sapatos niya noong nagpunta siya ng Mall dahil hindi na iyon pasok sa budget niya. Sa katapusan pa kasi niya balak bumili since iyon ang araw ng sahod niya. Kaya lang mukhang magagamit na naman niya ang credit card niya para doon. Napailing siya ng makita niya ang oras. "Wooh! I still have one hour to sort all these papers," aniya matapos niyang maihatid ang kape ng boss niya kaya naman tinapos na niya ang mga dapat niyang tapusin na mga papeles na ipapapirma niya sa CEO bukas ng umaga. Mamaya na lang niya iisipin ang pagbili niya ng sapatos. Saktong ala-sinco ay natapos niya ang mga dapat niyang tapusin ng araw na iyon kaya naman dali-dali na niyang inayos ang kaniyang mga gamit saka isinara ang kaniyang portable computer. Naglalakad na siyang nasa bag niya ang atensyon dahil hindi niya makita ang kaniyang cellphone. Mukhang naiwan pa niya iyon sa drawer ng kaniyang lamesa. Nagmamadali pa naman siya dahil siguradong maraming tao sa Mall ngayon. Nang makita naman niya iyon ay nagulat na lang siya nang bigla na lang may humablot sa braso niya. "S-Sir?" utal na sabi niya nang maipasok siya ni Adalius sa loob ng private elevator nito. "T-This is your private elevator, Sir. I'm not allowed to use this." Akma na siyang aalis nang iharang nito ang isang kamay sa gilid niya. "So what? This is my elevator, so no one can stop me who I want to use my elevator with," he said with authority. Iginala naman niya ang paningin sa likod nito kung may iba ba silang kasama sa loob niyon ngunit wala na roon ang butler nitong si Walter. "Walter has been in the parking lot, waiting for us," turan nito na animoy nababasa ang nasa isip niya. "F-for us?" Inilapit naman nito ang mukha sa kaniya. "Didn't I already tell you that we have dinner after office hours?" Napalunok siya. Buong akala niya kasi ay makakaligtas siya ngunit hindi pala nito iyon kinalimutan. Paano na ang pagbili niya ng sapatos? Ang buong akala kasi niya nagbibiro lang ito kanina nang ihatid niya ang kape sa office nito at sinabing magdinner nga sila after office hours. Sa loob kasi ng isang linggong pananatili niya roon ay naging mailap ito sa kaniya na para bang dinidistansiya ang sarili sa kaniya. Which is good para maging focus siya sa kaniyang pagtatrabaho. "I'm s-sorry! I forgot about that," aniya saka lumayo dito ng kaunti. Tumagilid naman ito at itinuon na lang ang tingin sa mga numerong lumalabas sa elevator floor monitoring na nakalagay mismo sa itaas na bahagi ng elevator door habang siya ay nakatingin lang sa kaniyang sapatos na mukhang hindi niya muna mapapalitan. "What happened to your shoes?" tanong nito na kinagulat niya. Nakaramdam siya ng hiya. "I h-have been using it for a year. I plan to buy a new one at the end of the month, b-but it's giving up already since it was a busy week." Hindi naman na ito umimik nang bumukas na ang elevator door at tama nga ito. Naroroon na si Walter. "Get in!" anito na agad naman niyang sinunod. Umupo siya sa kaliwang bahagi ng backseat at sa kanang bahagi naman si Adalius. Sa front seat naman si Walter na siyang magiging driver nito. Katulad din pala niya ang butler nito na all around. Pinagmasdan naman niya ang loob ng sasakyan. Mayroon doong mini TV at bote ng wine at dalawang wine glass. May kurtina din ang loob niyon na animoy nasa loob siya ng isang limousin. Ibinaling naman niya ang tingin kay Adalius na nakapalumbaba ang kanang kamay sa bintana ng sasakyan habang nakapikit ang mga mata na halatang napagod din sa trabaho. Even when asleep, he still has a strong charisma. Mas lalo ding nadepina ang matangos nitong ilong at ang jawline nito na litaw na litaw sa nakatagilid nitong pwesto. Dagdag pa ang kissable pouty lips nito. "If you want to say something, just say it!" anito na kinagulat niya. Gising pala ito. Akala niya nakatulog na ito sa sobrang abala nito sa trabaho. Nakagat tuloy niya ang ibabang labi sa kahihiyan. "Stop biting your lips! It's tempting me to ravish your lips right here!" deretsang sabi nito na nagpainit muli ng kaniyang mukha. Kung pwede nga lang sana siyang lumubog sa kinauupuan niya ay buong puso niya iyong tatanggapin. At kung alam lang nito, gustong-gusto rin niyang gawin ang sinabi nito. Masama na ba itong tignan at pagmasdan? Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Pero may isang bagay talaga na gumuhulo sa isip niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyang kasagutan. Bakit ito umalis kaagad nang araw na magising siya ng wala man lang paalam noon sa barko? Hinanap ba siya nito tulad ng ginawa niya? Iniisip din ba siya nito gabi-gabi? Araw-araw din ba itong dinadalaw ng maiinit nilang mga tagpo sa panaginip? Napatingin siya kay Walter na abala sa pagmamaneho mula sa nakapagitang salamin sa harapan nila. Baka kasi marinig nito ang pag-uusap nila ni Adalius. Mukhang napansin naman ng katabi niya ang bagay na iyon kaya bigla itong nagsalita. "Don't worry! He will not hear anything you say unless you press the red button on the side of your car door." Agad naman siyang napatingin sa kaliwang bahagi niya kung saan naroroon nga ang red button na sinasabi nito. Itatanong ba niya? O mananahimik na lang siya? Paano kung masaktan lang siya sa isasagot nito? Pero sa huli ay nanaig ang kagustuhan niyang malaman ang sagot. Lumunok muna siya bago lakas-loob na nagtanong dito. "Why did you suddenly left without even saying goodbye that day?" Sandaling natahimik ang lalaki bago bumuntong hininga. "Something came up that's why I'm in a hurry that day even if I don't want to leave you alone." Bumaling siya sa bintanang nasa gilid niya. "Sinungaling," bulong niya. Napatingin naman ito sa kaniya na tila naintindihan ang sinabi niya. "Hindi ako nagsisinungaling! I'm telling the truth!" mabilis na sambit nito. Agad naman siyang napatingin dito nang marinig niya ang pagtatagalog nito. "N-nagtatagalog ka?" "Tsk! Isn't it obvious?" "H-how?" wala kasi sa itsura nito ang pagiging o pagkakaroon ng dugong Pinoy. "Simply because my Mom is a pure Filipino while my father is German." Tumango-tango siya. "Kaya pala. Hindi kasi halata sa 'yo na may dugo kang pinoy." Kung ano-ano pa naman ang mga ainasabi niya rito minsan kapag naiinis na siya sa dami ng inuutos nito na kulang na lang ay hatiin na niya ang sarili sa dalawa o 'di naman kaya ay maging apat ang kamay niya. "For a businessman like me, I need to be able to speak different languages so that I can easily impress them and gain their trust." Muli siyang tumango. "What's with the silence?" pansin nito sa kaniya nang patango-tango na lang ang tugon niya rito. Tumungo siya't napakamot sa ulo. "Are you guilty for saying tagalog words behind my back this past few weeks?" Lagot! Narinig nga nito ang mga sinasabi niya kapag naiirita siya sa mga utos nito. "H-hindi ko naman tinatanggi," nakyukong pag-amin niya. Bakit ba napunta sila sa topic na iyon? Hindi ba't tungkol sa nangyari sa kanila noon sa barko ang topic nila? "Teka nga! Bakit ba naiba ang usapan? Hindi ba't tinatanong kita kung ba—" "Oo umalis ako. But I left something for you that day." Agad siyang napatingin sa sinabi nito. "Huh? But I didn't see anything in there." Wala kasi talaga siyang nakitang iniwan nito kahit na isa. Bigla naman itong lumapit sa kaniya dahilan para maipit siya sa sulok ng sasakyan. "Because you can't really see it. All I left was memories of our intense night and of course, the red marks on your body." Then he winks which caused him to blush. "H-hoy! Umayos ka nga ng upo mo! Mamaya makita tayo ni Walter ng ganito kalapit sa isa't isa. Mamaya kung ano pa isipin niya," aniya habang itinutulak ito sa dibdib palayo sa kaniya at para na rin maitago niya ang pamumula niya. Pasilip-silip din siya sa harap kung saan ang driver seat. Adalius looked also in the mirror immediately. "That mirror is a two-way mirror, one-way glass, half-silvered mirror, and semi-transparent mirror. A type of reciprocal mirror that appears reflective on one side and transparent on the other. So in other words, we see them, but he don't see us here inside," he explained. Napasimangot siya. Bakit ba lahat na lang ng idadahilan niya ay may palusot ito? Hmp! "There! That's it for now," sabi nito matapos siyang agawan ng mabilis na halik sa labi na kinagulat niya. Simpleng halik lang ngunit nagbigay sa kaniya ng bolta-boltaheng kilig. "W-why did you do that?" halos sumabog na siya sa kahihiyan. "Doing what?" painosenteng sabi nito. "Hinalikan mo kaya ako!" "Bakit? Boss mo ako kaya gagawin ko lahat ng gusto ko!" Grabe. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na fluent pala ito magtagalog. "Pero hindi mo pa rin dapat ginawa 'yon!" giit pa niya. "Bakit naman hindi? Iyong gabi nga na may nangyari sa atin sa barko pumayag ka, tapoa ngayon, simpleng halik lang ayaw mo?!" Natahimik siya. May punto naman kasi ito. Pero lasing siya ng gabing iyon. Nasa ilalim siya ng matinding epekto ng alak. "L-lasing ako no'n kaya wala akong nagawa." "Are you telling me that you did't like what happened between us in the cruise ship?" "One night stand lang naman ang nangyaring iyon noon sa atin, hindi ba?" "Oo!" Sinasabi na nga ba niya. Hindi man itinanggi ang ginawa at umamin lang basta. "Pero iba ang ibig sabihin n'on sa akin. Naging one night stand siya dahil nagkaroon ng aberya sa REI kaya agad akong nagpasundo sa private helicopter ko." "I-ibig mo bang sabihin, kung hindi lang nagkaroon ng emergency sa REI, mananatili ka?" "Of course! Promise is a promise. I'm your first that's why I should responsible for you. Simula nang gabing iyon, hindi ka na naalis sa isip ko. I always dream about you. Kaya nga nang makita ko ang resume mo ay agad akong nagpatawag ng interview sa HR." deretsang sabi nito. "H-hey!" hiyaw niya nang bigla na lang siya nito buhatin paupo sa kandungan nito ng patagilid. "W-what are you doing?! Hindi na ako bata para kandungin mo!" reklamo niya sa ginawa nito. "Ayoko kasing basta ka na lang nananahimik diyan!" Sino ba naman kasi ang hindi matatameme kung ang lalaking nakauna sa kaniya ay iniisip-isip din pala siya tulad niya. Na napapanaginipan din siya. "B-bitawan mo na ako," pagpupumiglas niya rito. Para kasi itong linta kung makakapit at makayakao sa kaniya. "Kiss me first before I let you go," mando nito. "Ada!" Napangiti ito. "Why?" takang tanong niya nang bigla na lang itong ngumiti sa hindi niya malamang dahilan. "What did you call me?" tanong nito. "Ahm, Ada?" nag-aalangang pag-uulit niya. Ewan ba niya. Bigla na lang iyong lumabas sa bibig niya. "I like it!" anito saka mabilis pa sa alas-kwatrong hinalikan siya. Wala naman siyang nagawa kundi ang tugunin din ang mga halik nito. For him, he'll never forget the smell of their first kisses. Ang halik na matagal na niyang hinahanap-hanap. When he started to kiss him torridly, Perry change his position. He sat on his lap wherein he wrapped his thighs around his waist to deepend their kisses. There is nothing heard inside the car but the exchange of their kisses. "Where here, Boss," anunsiyo ni Walter mula sa nakakonektang speaker nang akma na niyang tatanggalin ang coat ni Adalius kasabay ng paghinto ng sasakyan. "Tsk!" rinig niyang reklamo ni Adalius saka nila inayos ang kanilang mga sarili bago pa sila mapagbuksan ng pinto ni Walter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD