PAGBUKAS ng pinto ay agad na inilibot ni Perry ang kaniyang paningin sa buong opisina ng CEO dahil ayaw niyang palampasin ang mga ganoong pagkakataon lalo na't isa siya sa maswerteng makakakita niyon.
"Wow! This room is really awesome!" manghang komento niya nang makita niya ang malaki, maganda't kakaibang interior design ng CEO's Office.
Super manly. Wala siyang ibang nakikitang kulay doon kundi pinagsama-samang puti, itim at kulay abo lang bukod sa mga kulay berdeng mga halaman at ilang mga paintings.
Bukod sa center table nito na malapit sa ceiling to flooring na dingding na gawa lamang sa salamin ay mayroon din itong sariling living room na may malaking flat screen TV. Sa kaliwang bahagi naman ay mayroong mini library at mini bar. Sa bandang kanan naman ay mayroong wide screen na kung saan sa harap niyon ay may nakaset-up na camera.
Sa palagay niya iyon ang lugar kung saan nakikipag-meeting or nakakatanggap ang CEO ng mga interviews from different networks and companies na isa sa mga nabanggit sa kaniya ni Ms. Becker.
Napakabango din ng amoy at kitang-kita din niya ang buong syudad ng Hamburg mula sa kaniyang kinatatayuan.
"Secretary, Millares?"
Napukaw ang paglilibot niya nang marinig niya ang tawag na iyon ni Butler Walter sa kaniya. "Y-yes, Butler Walter?"
"Master Meier is asking you something."
Sandali siyang nanigas at pinagpawisan sa sinabi nito na kinabahala niya kaya agad siyang yumuko at humingi ng paumanhin.
Yumuko siya. "Oh! Good morning, Sir Meier! I'm sorry for my inappropriate actions. I have no intention of ignoring you. I was just amazed at the beauty of your office."
"Walter, could you please give me some private time with my new secretary?" Bahagya niyang nakagat ang ibabang labi nang marinig niya ang maotoridad na boses na iyon ng kanilang boss na hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin habang nakaupo sa swivel chair nito.
Pero bukod doon ay may iba pa siyang ikinabahala. Pamilyar kasi sa kaniya ang boses na iyon. Parang narinig na niya iyon kung saan. Ngunit isinawalang bahala niya iyon dahil hindi iyon ang oras para magbalik tanaw siya sa bagay na hindi naman niya maalala.
"As you wish, Master," nakayukong sabi naman ni Walter saka ito nagmartsa paalis ng opisina.
Humigpit ang kapit niya sa tablet na hawak niya nang aila na lang dalawa ng Big Boss ang naiwan sa silid dahil kinakabahan na siya sa maaaring sabihin nito sa ikinilos niya sa opisina nito. Upang mabawasan ang kabang nararamdaman ay itinuon na lang niya muna ang pansin sa hawak na tablet. Nandodoon kasi lahat ng work schedule ng CEO kaya kinalikot na niya iyon para kung sakaling may itanong ito ay masasagot niya kaagad.
Malamig sa buong silid ngunit pinagpapawisan siya pati ang kamay niya. Inihanda na rin niya ang kaniyang taenga kung sakali mang sigawan at sermunan siya nito.
"Long time no see, young man..."
Bahagya siyang napatuwid ng tayo at nanigas sa kaniyang kinatatayuan nang marinig niya at makilala ang pamilyar na boses na iyon. Tinapunan din niya ng tingin ang swivel chair na ngayon ay wala ng nakaupo roon.
Hindi niya namalayan ang presensiya nito na nasa likod na niya. At dahil sa huling tinawag nito sa kaniya ay doon tila bumalik ang kaniyang alala. Hindi siya maaaring magkamali. Pag-aari iyon ng lalaking matagal na niyang hinahanap. May kung anong namuhay sa puso niya ngunit ayaw niyang umasa dahil baka nagkamali lang siya ng pagkakarinig kaya naman unti-unti niya itong hinarap at ganoong na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang tuluyan na niyang mapagsino ang taong nasa likuran niya.
"Y-you?"
Mr. Meier grinned. "Missed me?"
Bahagya pa nitong pinisil ang baba niya nang hindi niya magawang magsalita.
"I'm glad that you still remember me," anito nang muling ilapit sa kaniya ang mukha nito.
Bahagya siyang lumayo rito. Hindi pa rin makapaniwala na nasa harapan na niya ang taong laging laman ng isip at panaginip niya. Ang dahilan kung bakit nanakit ang likod at pang-upo niya ng buong araw na iyon. Hanggang sa napalunok siya nang muling magbalik sa balintataw niya ang mga pinagsaluhan nila sa cruise ship noon.
"s**t!" mabilis niyang itinakip ang hawak niyang tablet sa kaniyang p*********i.
'My manhood is aching and throbbing by just looking at his puffy eyes,' aniya sa sarili.
Nangibabaw ang halakhak nito sa buong silid nang makita ang naging reaksyon niyang iyon.
Napakagat labi ito. "Am I that handsome for you to get harden?"
Namula siya sa pagiging prangka nito. "I think t-this is not the right time and place to t-talk about that, Sir. Just like what you said in one of your rules, don't bring any personal issues at work."
"Oh! Am I?" Inayos nito ang kurbata niya saka muling nagsalita. "I think, I'll be the first one to break that rule."
And with that, their lips met again.
They kiss like they miss each other's lips and tongue.
Hinapit pa nito ang baywang niya upang pagdikitin ang kanilang masesrlang bahagi ng kanilang katawan na naghatid ng kakaibang init at sensasyon hindi lamang sa kanilang katawan kundi pati na rin sa buong silid.
Naglaban ang kanilang mga labi't mga dila. Walang ibang tunog na nangibabaw sa buong silid kundi ang kanilang mga halik at mumunting mga ungol. Pareho nilang habol ang kanilang mga hininga nang tuluyang maghiwalay ang kanilang mga labi.
"I really miss your lips and scent," bulong nito sa tainga niya nang idantay niya ang noo niya sa balikat nito.
Napangiti siya nang maamoy din niya ang pamilyar nitong amoy. Ang amoy na naiwan sa kumot at unan sa kamang ginamit nila sa barko. Bahagya rin siyang napapikit nang marahan nitong himasin ang buhok niya na tila ba ayaw na siya nitong pakawalan.
Hindi ba siya nananaginip? Ang misteryosong CEO ng REI at ang lalaking kumuha ng puri niya sa barko ay iisa?
"So how was your first?" he asked out of the blue, referring to their unforgettable intense night on the cruise ship.
Nag-init ang kaniyang mukha at mabilis na humiwalay dito nang mapagtanto niya ang kanilang ginawa. "Can we stop talking about that, Sir? It's still our office hours."
"Then have dinner with me later so that we can talk about that thing," he says directly without hesitation and blinking his eyes.
'Was he asking me to go on a date with him?' Perry asked to himself.
He wanted to punch himself for thinking like that. He shouldn't jump into a conclusion without assurance.
Bumuntong hininga siya saka sinalubong ang mga mata nito. "Why? Is it a big deal to you?" Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maisatinig niya ang kaniyang nasa isip.
He saw how his right hand clenched upon hearing those questions from him.
Kumunot ang noo niya sa naging reaksiyon nito. Hindi ba't wala lang dito ang nangyari sa kanila sa barko? Bakit ganito ito ngayon sa kaniya?
His aura becomes dark. "Yes! It really means a lot to me because it's your f*****g first time!"
He laughed dryly. "Don't act as if you really care!" galit na sabi niya rito.
Wala na siyang pakialam kung Boss pa niya ito. Ito ang dahilan ng pangalawa't huli niyang heartbreak kaya may karapatan siyang magalit at sigawan ito.
Halata naman sa mukha ng boss niya ang gulat sa ginawa niyang pagsigaw dito.
"I do care about you!" giit nito.
Tinalikuran naman niya ito. "If you really care about me, you shouldn't leave me just like that."
"It's not—"
"Excuse me, Sir. I have a lot of works to do," aniya saka ito tuluyang tinalikuran at iniwan.
Nang makabalik si Perry sa kaniyang table ay muli niyang tinapunan ang pintong nilabasan niya.
"Tsk! Wala talaga siyang pakialam. Ni hindi man lang niya ako hinabol." aniya saka inabala na lang ang sarili sa mga paperworks.
SUMAPIT ang tanghalian ng mag-isa lang kumain si Perry sa canteen. Tulala siya nang biglang dumating si Homer.
"Hey! Kumusta ang first day of work?" bungad na tanong nito pagkaupo't pagkalapag na pagkalapag ng tray sa mesa.
"Huh?"
"Lutang ka ba? Ang sabi ko kumusta ang unang araw mo sa trabaho mo!" pag-ulit nito.
"A-ayos naman," kiming sagot niya.
Natawa naman si Homer. "Bakit paramg hindi ka sigurado? Siguro tama nga ako ng hula tungkol sa Big boss." lumapit ito ng bahagya sa kaniya at bumulong. "Masungit at terror siya, ano?"
"H-hindi naman. Masyado lang talaga siyang maraming pinapagawa," pagsisinungaling niya.
Hindi naman kasi niya pwedeng sabihin dito ang totoo lalo na't ang boss nila ang pinag-uusapan. At saka isa pa, kung anuman ang nakikita't nalalaman niya sa loob ng opisina ng CEO ay mananatili lapag sa loob kaya minabuti na lang niyang manahimik.
"Ikaw ba, kumusta ang una mong trabaho?" paglilihis niya ng topic.
"Ayon, katulad mo rin. Malaki ang kompaniya at dahil sa ito ang pinaka-main doble ang trabahong ginagawa namin. Hindi lang ang sales ng conpany ang iniintindi namin kundi pati na rin sa ibang business under REI," anito matapos sumubo.
Uminom naman si Perry ng juice. "Pero ang astig dito, ano? Libre ang lunch and snacks."
"Sinabi mo pa. Kaya pala malaki ang ipon ng mga empliyado dito. Hindi talaga tayo nagkamali sa pagpili sa REI."
"At saka ang maganda pa doon, kapatid ang turingan ng bawat isa," dagdag pa niya.
Hindi kasi Ma'am at Sir ang tawagan nilang mga associates. They call each other 'Schwester' and 'Bruder' na ang ibig sabihin ay 'Ate' at 'Kuya'. Ang tinarawag lang nilang Ma'am at Sir ay ang mga board of directors.
Tumango-tango naman si Homer bilang pagsang-ayon sa kaniya.
"May lakad ka ba mamaya?" tanong ni Homer kapagkuwan habang inuubos na lang nila ang oras ng lunch break nila.
"Wala naman, bakit?"
"Bar naman tayo mamaya," aya nito.
"Wala pang sahod, ah?"
"Huwag kang mag-alala, libre ko naman. Para naman makapagliwaliw tayo. For celebrating our first day," giit nito.
Tumango siya. "Ikaw bahala."
"Ayos!"
"Magkita na lang tayo sa labas mamaya."
"Sige!"
"Kunin ko pala iyong cellphone number mo para ma-text kita kapag naka-out na ako," sambit nito saka ibinigay sa kaniya ang phone nito. Kinuha naman niya iyon saka nagtipa ng numero niya.
"Heto—"
"Teka! Saan ka pupunta?" tanong nito matapos jiyang ibalik ang phone nito.
"May meeting kasi si Bossing ngayon. Baka mabembang ako kapag nalate ako."
"Ganoon ba? Sige! Kita na lang tayo mamaya!"
"Bye!"
MATAPOS ang isang oras na lunch break ay kaagad din bumalik si Perry sa kaniyang lamesa nang bigla siyang ipatawag ng kanilang boss kay Walter.
"O-okay!" aniya kay Walter saka kinuha ang tablet.
"You're so slow! You supposedly fix that a while ago before my virtual meeting with the investors," bungad nito sa kaniya pagpasok niya na kinagulat niya.
Maaga pa nga siya sa lagay na ito dahil forty-five minutes lang ang kinunsumo niya sa kaniyang lunch break.
Nasaan na ang malokong Adalius kanina? Bakit bigla itong naging cold? Kumain ba ito ng tanghalian?
"I-i'm sorry, Sir," hinging paumanhin niya. Ayaw na kasi niyang sumagot at magdahilan pa baka kasi mag-last day siya kapag in-attitude-an niya.
"Just make it fast! After that, make me some coffee," dagdag pa nito.
Pero bahagya itong umiwas ng tingin ng tapunan niya rin ito ng tingin. Hindi tuloy siya makakilos ng maayos dahil sa prisensiya nito. Pakiramdam niya bawat galaw niya ay pinagmamasdan nito.
"Hurry!" hiyaw nito na kinagulat niya.
"Sungit!" hindi niya napigilang sambit.
"What did you say?" tanong nito.
"I mean, it's all set, Sir!" anunsyo niya kaya naman tumayo na ito mula sa swivel chair nito saka pumwesto sa harap ng camera kung saan hanggang leeg lang nito ang nakikita.
Nagpakawala aiya ng buntong hininga. Muntik na siya roon. Mabuti na lang at hindi ito nakakaintindi ng tagalog.
"You may now go!" utos nito kaya naman dali-dali na siyang lumabas para puntahan ang board room kung saan naghihintay ang mga investors and stockholders.
Pagpasok ni Perry ay kaagad niyang pinamigay ang mga folders na naglalaman ng mga reports and proposals. Nang masiguro niyang nabigyan na niya ang lahat ng naroron ay agad na niyang binuksan ang projector kung saan nakikita na nila ang Big Boss.
Nang magsimula ang meeting ay nanatili lamang siyang nakatayo sa gilid habang nakikinig. Upang magkarinigan ang mga tao roon at ang CEO ay may pinipindot ang mga ito sa microphone na nasa kani-kanilang harapan.
Habang nakikinig siya ay hindi niya maiwasang mamangha kay Adalius. Napakalakas kasi ng dating nito mula sa projector kahit na nakadekwatro lang ito at nakapalumbaba sa arm rest ng kinauupuan nito. Isama pa ang raspy voice nito.
Kaya hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin siya sa mga nangyayari. Hindi niya malaman kung bakit kailangan nitong itago ang mukha sa madla. Sa katunayan ay wala namang maipipintas sa panlabas na anyo nito. Para sa kaniya isa ito sa mga Greek God na bumaba sa lupa.
Marami ba itong kaaway kaya ito nagtatago? O may mga tao lang talaga na gusto itong sirain at pabagsakin?
Pero sa kabila n'on ay marami pa rin ang nagtitiwala rito at kitang-kita iyon sa patuloy na pagtaas ng kanilang sales.
"Now, let's talk about the expansion of Red Eagle Hotel in Asia," anunsiyo nito sa big screen kaya naman sunod-sunod na naglipat ng pahina ang mga kasama niya sa board room.
Ang REI kasi ay hindi lang basta-bastang korporasyon lang dahil mayroon din silang Hotels, Restaurants, Airlines and Agencies sa buong Europa. At ngayon nga ay nagbabalak ng magtayo ng Hotel sa buong Asya.