Nang tumigil ang sasakyan sa harap ng mansiyon ay nauna siyang bumaba sa abuela. Patakbo siyang pumasok sa loob ng mansiyon. Nakita niya ang isa nilang katulong na sumilip mula sa kusina. Ngunit pareho silang napatigil sa paglalakad ng marinig ang sigaw ng kanyang lolo. Ang katulong na sana ay sasalubong sa kanya ay mabilis na bumalik sa loob ng kusina.
Napipinta ang galit sa mukha ng abuelo. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ito na galit at mataas ang boses sa kausap.
"Sa kabila ng kabutihang pinakita ng pamilya ko sa pamilya niyo. Ito lahat ang igaganti niyo. Sunugin ang hacienda! Ilagay sa kapahamakan ang mga tao rito?"sigaw pa rin nito.
"Maawa kayo sa aking asawa. Huwag niyo siyang ipakulong! Siya lang ang naghahanap ng ikabubuhay namin. Maawa kayo Don Renato. May maliliit pa kaming mga anak." Pagkasabi'y lumuhod ang babae sa harapan ng abuelo. Nakatalikod man ito ngunit alam niyang nagtatangis ito.
Matalim ang mga titig na pinukol ng abuelo sa kausap
"Maawa?Hindi kayo dapat kaawaan! Kung sana'y inisip muna ng asawa mo ang kinalalabasan ng ginawa niya bago gawin ang karahasang iyon. Hindi sana aabot tayo ganito!"
"Labag man sa aming kalooban. Kailangan namin sumunod sa utos ni Don Mortillano para sa anak namin. Kailangan namin ng malaking pera para mapagamot siya."
Pagkasabi'y natahimik ang matandang babae at nagpunas ng mga luha. Nagpalinga-linga muna ito bago dugtungan ang sasabihin.
"At para rin sa panganay kong anak. Para matanggap siya ni Don Mortillano."
" Hindi sapat na dahilan..."
Hindi na niya narinig ang sumunod na sinabi ng abuelo. Dahil kinuha ng abuela ang kamay niya at nagmamadaling naglakad papunta sa likod ng mansiyon.
"Who is she? Is she Nana Martha? Why Lolo got mad at her? Why is she kneeling down?" sunod-sunod niyang tanong sa abuela habang nilalandas nila ang daan patungo sa likod ng mansiyon.
Tumigil sila sa paglalakad. Kinulong ng abuela ang maliit niyang mukha sa mga palad nito. "Always bear this in mind. Always find the reason in every doubt. Huwag mong hayaan ang sarili balang araw na lumubog sa duda. Hanapin mo ang kasagutan."
Nagsalubong ang mga kilay niyang sinalubong ang mga titig ng abuela. Hindi niya ito maintindihan.
Naagaw ang atensiyon nilang maglola sa sigaw ng isang babae sinasambit nito ang pangalan ng abuelo. Mabilis silang bumalik sa harapan ng mansiyon.
"Anong nangyari Martha?"sigaw na tanong ng abuela sa matandang babae na umaalalay sa abuelo para hindi tuluyang bumagsak sa sahig. Nakasubsob ang abuelo sa balikat nito.
Kinuha ng abuela ang abuelo niya sa pagkahawak ng babae at hinayaang makahiga sa kandungan nito.
"Bigla na lamang napahawak sa dibdib. S-siguro'y inatake sa puso." Kabadong sagot ng babae sa tanong ng abuela. Bakas ang takot at pamumutla sa mukha nito.
"Lolo, wake up." sabi naman niya habang hinahaplos ang pisngi ng abuelo.
Dahil sa kakaibang kumosyon ay nagsilabasan ang mga katulong na kanina'y napako ang mga paa sa kusina dahil sa tensiyon sa sala. Ang mga lalaking katulong ay kinuha ang kanyang abuelo sa kandungan ng abuela para maisakay sa sasakyan at madala sa hospital.
"Martha, makakaalis ka na! Ipanalangin mong malalampasan ng asawa ko ang pangyayaring ito. Dahil kung hindi pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa ng pamilya mo sa pamilya ko!" Hindi man makikita ang galit sa mukha ng abuela ngunit may diin ang bawat salitang binitawan nito.
Bago umalis ang babae'y tinitigan siya nito. Matagal. Nangungusap ang mga titig nito. Makikita ang lungkot sa mugtong mga mata nito. Binuka nito ang bibig ngunit walang salitang lumabas. Tumalikod na lamang itong laglag ang mga balikat. Nakita na niya ito sa tuwing pumupunta sila sa mansiyon ng mga Mortillano. Ito rin ang naghatid sa kanila mula ilog papunta sa mansiyon. Nana Martha ang tawag ng ina sa babae. Hindi niya ito malimutan dahil umiiyak ito habang magkausap ito at ang ina niya noon.
"Goring pakibantayan si Adrianna. Huwag hayaang lumapit ang babaeng iyon sa apo ko. Kahit isa sa kanyang pamilya!"habilin ng abuela sa kanilang katulong.
"Kahit si..."
"Kahit sino sa pamilya ng babaeng iyon!" putol ng abuela sa sasabihing ng katulong.
Kinabukasan ay pumasok siya na driver lang ang naghatid sa kanya sa paaralan. Kung gaano katahimik ang kanilang mansiyon ay kabaligtaran sa kanyang paaralan. Palagi pa rin siyang tinutukso ng mga kaklase kapag wala pa ang kanilang mga guro. Nadagdagan pa ng ibang panunukso dahil sa pag-alis ng ina. Kaya daw siya iniwan dahil daw aswang sila. Hindi na daw siya mahal ng ina. Kawawa daw siya dahil hindi na siya babalikan ng ina. Ngunit pagkatapos nilang sasabihin iyon ay magsitawanan ang mga ito. Pinipigilan niya ang umiyak dahil kapag umiyak siya ay sinasabi ng mga ito na nagpapakampi daw siya sa kanilang guro.
Kaya para makaiwas sa panunukso sa araw na iyon ay hindi siya kaagad bumaba ng sasakyan. Hinintay niya ang pagtunog ng bell bago pumasok sa silid aralan. Alam niyang pagkatapos ng bell ay naroon na ang kanilang guro. Wala ng tutukso sa kanya.
Tiningala niya ang malaking orasan sa taas ng pisara. Sampung minuto na lang ay uwian na. " Sanay naroon na ang kanilang driver na naghihintay sa kanya. Para hindi na siya tuksuhin. At para na rin makaiwas sa mapanuring tingin ng mga tao."
Nang tumunog ang bell ay hindi siya kumilos. Pinalabas niya muna lahat ng mga kaklase bago nagpaalam sa guro. Mas gusto niyang maglakad mag-isa kaysa makipagsabayan sa iba na ayaw naman siyang makasabay.
Pagkalabas niya ng pinto ay napangiti siya naroroon na ang kanyang abuela. Naghihintay. Nakangiti ngunit makikita pa rin ang pagod at lungkot sa magandang mukha nito.
"Come, baby. We'll visit your Lolo."
"How's Lolo is he okay now. He waken up already?
"Not yet. Pray for him that he will recover faster."
"I did!"
Kakarating lang nila sa hospital ng may dumating ring tauhan nila. May sinabi ito sa abuela tungkol sa kanyang Papa. Her abuela immidiately grab her wrist and walk faster. Pabalik sa parking lot kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan.
"Nasaan ang Papa?" nagtatakang tanong niya. Ang buong akala niya ay bumalik ito ng Maynila dahil ilang araw na niya itong hindi nakikita.
Hindi sinagot ng abuela ang tanong niya bagkus iba ang sinabi nito. "Baby from now on, ako na ang susundo sayo. Hinding-hindi ka sasama sa kahit na sino."
She pouted her lips and think for while. "Kahit kay Manong driver or kahit isa kina Manang or even Papa?"
"You can go with your Papa but aside the two of us, wala ka nang sasamahang iba." tugon ng abuela. Tumango-tango na lang siya bilang pagsang-ayon.
Napatingin-tingin siya sa labas ng sasakyan. Hindi pamilyar ang tinatahak nilang daan. Lumabas na sila sa highway. Lubak-lubak na ang kalsada at may mayayabong na mga puno sa bawat gilid nito.
"Where are we, Mamita?"
"We're going to Mortillano's mansion." sagot ng abuela.
"Mama and I, went there." mabilis niyang dugtong. Nagtatakang napatingin sa kanya ang abuela.
"When was that?"
"Months ago." mabilis niyang sagot.
"Pwede ko bang malaman kung ano ang ginawa niyo roon?tanong ng abuela na nakatutok pa rin ang mga mata sa daan. Ngunit ang mga kila'y magkadikit na.
"Mama and the old man talked."
"Did you heard something?" ngayon ay nakatingin sa kanya ang abuela. Hinihintay kung ano man ang isasagot niya.
"I heard nothing. The old man told me to play outside. Why, Mamita?" nagtataka rin niyang tanong.
"Nothing."sagot ng abuela sabay haplos ng kanyang buhok. At tinutok na naman ang mga mata sa harapan. Napatingin na rin siya roon.
Nakita niyang papasok na sila sa bakuran ng mga Mortillano. Nakalagay sa arko sa itaas ng gate ang apelyido ng pamilya. Pagkababa ng abuela ng salamin ng sasakyan ay pinapasok sila ng dalawang gwardiya. Hindi kagaya sa kanila ang mansiyon ng mga Mortillano ay malapit lang sa b****a nito. At ang malapad na lupain ay nasa likuran. Habang ang kanilang mansiyon naman ay sa gitna ng kanilang lupain. At nasa taas pa ng burol. Kumpara rito, mas malaki ang kanilang mansiyon kaysa sa mga ito.
Tumitingin-tingin siya sa paligid ng maramdaman ang mabilis na pagtakbo ng sasakyan. Napatingin muli siya sa harapan. Nag-alalang lumingon siya sa abuela. Ibubuka na sana niya ang mga bibig para magtanong ngunit mabilis ang kilos ng abuela. Pinatigil niya ang sasakyan at mabilis na umibis. Patakbong pinuntahan nitio ang nakahandusay na katawan sa harap ng mansiyon.
"Papa!" mahina niyang sambit habang sinusundan ang abuela hanggang unti-unting lumalakas ang pagtawag niya sa ama.
Napalahaw siya ng iyak ng makita ng malapitan ang sitwasyon ng ama. Duguan ito at puro pasa. Walang malay!
"Huwag na huwag akong susubukan ng anak mo, Alliendra. Sa susunod hindi lang iyan ang aabutin niya sa akin!" dumadagundong ang boses na sigaw ng matandang lalaki na kalalabas lang ng mansiyon. Nakakatakot ang mukha nitong nakatingin sa kanila.
"Sa susunod kahit isang paa lang niya ang aapak sa aking lupain ay hindi ko palalampasin!" galit pa ring sigaw nito bago pumasok sa loob ng mansiyon at pabalibag na sinara ang malaking pintuan.
"You're bad!" sigaw niya sa matandang lalaki walang impit ang mga luhang lumalandas sa kanyang pisngi.
Sa tulong ng driver ay naisakay nila ang Papa niya sa sasakyan para dalhin sa hospital. Habang lulan ng sasakyan, walang humpay ang paggising niya sa ama. Ngunit hindi man lang ito gumagalaw. Habang ang abuela nama'y tahimik lang na umiiyak. Kaya pala hindi niya makita-kita ang ama sa mansiyon dahil hinahanap nito ang kanyang ina. Ngunit ano ba ang nagawang kasalanan ng ama niya para bugbugin ng sobra-sobra ng mga tauhan ng matanda? Bakit sa hacienda Mortillano hahanapin ng Papa niya ang Mama niya?
Kinabukasan ay unconscious pa rin ang Papa at Lolo niya. Hindi sana siya papasok dahil gusto niyang hintayin ang pag-gising ng dalawang taong mahal niya. Ngunit ang sabi ng Mamita niya ay kailangan nilang pumunta sa school dahil nagpatawag ng meeting ang guro. At hindi siya pwedeng iwanan nito sa hospital.
"Mamita sino magbabantay sa Papa at Lolo kung aalis tayo?" tanong niya sa abuela habang papunta sila sa parking lot.
"May mga nurses naman para alagaan ang Papa at Lolo mo. At naroon si Manang Goring para bilhin at ibigay ang mga kailangan nila." sagot naman ng abuela
Papasok na sila ng sasakyan ng umihip ng malakas ang hangin. Tumalikod siya sa direksyon ng hangin upang maiwasan ang mga alikabok na dala nito. Napapikit siya kasabay ng pag-anod ng hangin sa mahaba niyang buhok kung saan ito patungo. Pagmulat niya'y napansin niya ang isang lalaking nakatayo sa labas ng itim na van. Titig na titig ito sa direksyon niya.
"Baby what are you looking at?" Napatingin siya abuela na ngayon ay nasa loob na ng sasakyan. Napadungaw rin ito sa pinto para sundan ang tinitigan niya kani-kanina lang. Ngunit pagbalik niya ng tingin sa van ay wala na ang lalaki.
"Come, get inside na. Male-late na tayo." Dali-dali siyang pumasok sa sasakyan ng marinig ang sinabi ng abuela.