
“No, Not me!” Sambit niya habang hindi
inaalis ang paningin sa napakalaki at
napakaliwanag na buwan. "Why not?" balik
tanong ng binata. "Pumasok ka na sa loob,
Alejandro! Hindi nakakabuti ang maabutan
ng hating gabi dito sa labas."malumanay
na paalaala nito at humakbang palayo.
"Adriana!" tawag ng binata. Nilingon
siya nito ngunit ang maamong mukha ay
napalitan ng galit at mga matang may
matatalim na titig. "Hindi ka ba naniniwala
sa mga sinasabi ng mga taga hacienda
Mortillano? Aswang ako,Alejandro.
Masamang nilalang! "
Biglang umihip ang malamig na
hangin at nawala ang nagmamayabang na
buwan. Naging madilim ang paligid. Napatingala siya sa buwan ngunit pagtingin niya muli sa dalaga ay wala na ito. "Adrianna! I'll prove to them that everything is wrong!I I'll do everything, trust me! " sigaw niya sa kawalan.
Ngunit paano kung sa pagtuklas niya sa
nakaraan ay mapapatunayan niyang totoo
ang usap-usapan ng mga tao?
Matatanggap niya pa kaya ang dalaga?
Ipaglalaban pa kaya ito ng kanyang puso?
Kung hindi man totoo, mapapasakanya
kaya ang puso ng dalaga? Dahil nabibilang
siya sa mga sinumpa nito.

