Napangiti siya ng makababa ng sasakyan. Kakarating lang niya sa lupang nabili. After an hour sitting in a plane from Manila and 3 hours sitting in his car from the airport.
He felt fulfilled habang iniikot ang paninginsa malawak na lupain at sa bagong tayo na bahay. Hindi minana, hindi binili ng kanyang mga magulang para ibigay sa kanya. It came from his own pocket.
Pinagtrabahuhan at pinaghirapan bilang civil engineer ng sampung taon. Nakita niya noong isang taon na binibenta ang hacienda habang napadaan siya sa lugar papunta sa kabilang bayan ng bisitihan ang road construction na hinahawakan niya. May palayan, manggahan, niyog at iba pang mga puno.
Bata pa lang siya pangarap na niyang tumira sa province though he raised in the city. He was seven nang unang dalhin siya ng kanyang yaya Nanay sa probinsiya nito para magbakasyon. By then, he fell inlove to the scenery and ambiance of the province. At nasundan pa ng maraming beses dahil sa pagpupumilit niya. The sound of the bird, the cold and fresh air, and the chirping at night makes him relax. It was like lullaby in his ear.
He wanted to reserve the beauty of the place. Kaya ang lumang mansion lamang ang pinagiba at pinalitan niya ng two story house. Hindi niya gusto ang mansiyon. Sa sobrang luma na nito at hindi na pinaayos ng may-ari. It was like haunted house.
Kung siya lang, mas gusto pa niyang tumira sa kubo but he also think the future of his own family. His parents gave him the best life, so he will too. And he is starting it.
Kaso hindi niya bibigyan ng napakalaking bahay ang future family niya. Kagaya ng bahay na kinalakihan niya. So huge but it was a lonely place. So many rooms but empty. Complete but something missing. Tahimik pero nakakabingi ang katahimikan. Okay na sa kanya ang dalawang palapag na bahay. Two rooms down stair. One for his Yaya Nanay and the other is for his parents if they will visit. The rest space is for dining, kitchen and living room. The second floor have four rooms. Master's bedroom, guestroom and two is for his future son and daughter.
" Tss!girlfriend nga wala ka,future family pa!" suya ng isipan niya.
Nagkagirlfriend naman siya tumagal sila ng five years ang kaso nakipaghiwalay ito ng magpasya siyang dito na tumira sa probinsiya for good.
"Sana marami mga dalaga rito noh, para makahanap ka na ng asawa!" sambit ng yaya Nanay niya na parang nababasa ang nasa isip niya.
"Nay naman! Men's life start at 40 so huwag kang mag-alala may ten years pa ako." ngising sagot niya.
"Aba'y isipin mo thirty years na kitang inaalagan akoy napapagod na! Dapat ka nang mag-asawa para makapagpahinga na ako at siya ang kasakasama mo kung saan ka titira." mahaba nitong litanya.
Mula ng isilang siya ay ito na ang nag-alaga sa kanya dahil busy sa pagmomodelo ang ina noon at busy naman ang ama niya sa politika. Ngunit wala naman siyang maipipintas sa magulang dahil present naman palagi ang mga ito sa espesyal na okasyon at suportado naman kung ano ang gusto niya. Kagaya na lamang sa pagbili niya sa lupaing ito kahit napakalayo nito sa Maynila. It was located in Visayas.
"Don't worry, Nay una kung hahanapin eh magiging boyfriend mo para hindi mo na ko sumbatan!" natatawang tudyo niya rito.
"Naku bata ka huwag mo na nga akong pinagloloko, singkwentay singko na ako para lumandi!" singhal nito sabay kurot sa tagiliran niya.
"Hindi sa edad o ano pa man yan Nay nasa puso!" natatawang sabi niya sabay turo ng dibdib.
"Magandang hapon po sir. Pinatawag nyo po daw ako"bati sa kanya ni mang Berting.
Ito ang driver ng pamilyang unang nagmamay-ari ng hacienda. Dahil mabait naman. Kinuha niya ito bilang driver niya rin. Malaki ang maitutulong nito sa kanya bilang baguhan pa lang sa lugar.
"Yes, Mang Berting have a seat."alok niya sa tabing upuan.
"Magpapalipad ako nang drone ngayon to take a draft sa gagawing kalsada dahil bibili ako ng sasakyan para sa mga produkto natin at sa mga estudyante dito para maging service nila."mahaba niyang paliwanag.
"Ay, salamat naman sir at hindi na kami mahihirapan sa pagbubuhat ng mga sako-sakong prutas papuntang labasan. Pati na rin sa mga estudyanteng matiyagang naglalakad ng isang oras para lang makapag-aral." maluha-luhang sabi ng matanda. "Mabuti pa kayo sir naisip niyo ang kapakanan ng mga tao dito kahit bago niyo lang kami nakilala. Ang namayapang Don hindi naisip iyon." dugtong pa nito.
"Maybe, he was sticking in an old school way. Matanda na kasi. Pero tayo. We need to follow the trend, the technology to be succesful in a path we take. And about the vehicle service, I want to help like what Dad thought me.
Halos patapos na sila ni Mang Berting sa pagcheck at pag marka ng lugar kung saan isasagawa ang daan ng mahagip ng camera ang isang babaeng nakasakay sa itim na kabayo na umiinom sa ilog. Nakasuot ito ng itim na bistida at itim na sombrero habang ang mahaba nitong buhok ay nililipad ng hangin. Pangalawang beses niya na nakita ang dalaga. Una ay ang unang araw niya sa hacienda. At pangalawa ngayon! She's like a model riding in her black horse. She have a body of a model too.
"Is it a riffle?" tanong niya sa matanda habang tinuturo sa monitor ang bagay na nakasukbit sa likuran ng babae. Hindi na niya hinintay sumagot ito. Pinababa niya ang drone para malinaw ang detalye.
Sampung metro pa ang layo ng drone ay tumingala ang babae. "s**t! "pagmumura niya.
Naging mabilis ang pagkilos ng babae at iniuma ang riffle sa drone. Ngunit mas mabilis ang kanyang daliri sa pagpindot ng control ng drone para paliparin paitaas at pabalikin sa kanila.
"Muntikan na iyon sir ah!"saad ni Mang Berting habang kakamot-kamot sa ulo nito.
"Oo nga eh!" tatawa-tawa niyang sagot. At binalik ang mata sa screen para suriin ang baril ng dalaga. "Wow! an airsoft gun. She's different!" bulalas niya.
Marami siyang kakilala at kaibigang babae ngunit wala ni isa sa kanila ang may ganyang hilig. They are all refined and classy. Almost of them were in modelling world. Nang magretiro ang ina ay nagpatayo ito ng modelling agency. Kaya puro fashion world at trendy clothing ang mga bukambibig ng mga ito.
"Who is she, Mang Berting?"
Interesadong tanong niya.
"Hindi ko po alam ang pangalan sir. Siya siguro ang nag iisang apo ng may-ari ng kabilang hacienda."sagot nito.
"What kind of woman is she?She's kinda tough! " namamanghang sambit niya.
"Bilang nag-iisang apo ni Don Renato. Siya ang sasalo ng lahat. Kinakailangan niya talagang maging matatag at matapang." makahulugang sabi nito.
Nasa lilim sila ng punong mangga ni Mang Berting habang pinapanood ang ibang tauhan na binabalot ng papel ang bunga nito. Nang mapansin niya ang batang nakasakay sa kulay brown na kabayo palapit sa kanila.
Sa tantiya ay sampung taon gulang ito.
"Mang Berting! MangBerting!" sigaw nito sa kasama niya at huminto di kalayuan sa kanila.
"Nagbulakbol ka namang bata ka!
Paano ka makapagtapos niyan, eh puro ka laro!"galit na sabi ng matanda.
"Sabing bilhin mo na itong kabayo ko. Promise, pagbinili mo iyon papasok ako araw-araw!" nakatulis ang ngusong pangungumbinsi ng bata.
"Bakit sakin? Alam mo namang sisinta na ako. Hindi ko na kayang sumakay diyan!" tanggi ng matanda.
"Ako na ang bibili!" sabat niya sa dalawang nag-uusap.
"Sigurado po, sir?" masayang tanong ng bata.
"Basta mag-aral ka mabuti."kundisyon niya.
"Oo naman. Ako nga pala si Junie at iyon po ang tatay ko." pagpapakilala nito sabay turo ng isang tauhan niya na busy sa pagbabalot.
"By the way, 'bat mo binibenta itong kabayo mo?
Baka hindi mabait to" sabi niya sabay himas sa ulo ng kabayo.
"Hindi po sir, mabait to. Huwag lang gulatin. Manganganak na kasi uli ang ina niyang si Princess. Baka hindi ko na sila maaalagaan kapag tatlo na sila dahil
busy din ang tatay dito sa Hacienda at bibili na siya ng motorsiklo. Iyon na lang daw gagamitin niya kapag may pupuntahan" Nakangusong pagpapaliwanag nito.
"Manganganak? Saan ka naman nagpalahi niyan, eh puro babae ang kabayo mo?"sabat ni Mang Berting.
"Kay ate ganda, iyong may gwapong itim na kabayo! Ang galing niya isang turok niya lang, buntis agad si princess" nagmamalaking sabi nito.
"Aba bata ka! Pinagbilinan na kayo na huwag pumunta sa ilog at baka mapano kayo!" pagalit na sabi ng matanda.
"Mang Berting si sir Alejandro na ang may ari ng hacienda at limang taon ng wala ang matandang Don na may ari nito dati. Wala na pong magagalit sa amin." pagpapaliwanag nito.
"Paano kung may mangyari sa inyong masama?" tanong naman ng matanda.
"Sabi ni tatay, hindi naman totoo ang sabi-sabi ng ibang taga rito tungkol sa kabilang hacienda! Hindi po aswang si ate ganda ang bait kaya niya at ang ganda-ganda pa"nakangiting pagtatanggol nito sa babae.
"Ang tabil talaga ng bibig mong bata ka! Wala akong sinabing ganyan ang akin lang eh baka malunod ka sa ilog malalim at malakas ang agos doon."sagot naman ng matanda.
"Mang Berting naman, syempre sa mababaw lang naman ako dumadaan! Napakamot nalang ng ulo ang matanda dahil parang hindi naman magpapatalo ang bata sa pag-uusap nila.
"Ahm, Mang Berting bakit nagagalit ang dating may-ari kapag pumupunta ang mga bata sa kabilang hacinda? " pagsali niya sa usapan dahil na curios siya.
Nabili niya ang lupain na hindi tinatanong ang history nito. Ayos na sa kanya na kompleto ang papeles at maayos ang lugar.
"Ay sir lahat po tayong taga hacienda Lorenzana ang hindi pwedeng aapak sa kabilang hacienda!"sagot ng matanda.
"Why?"magkasalubong ang kilay na tanong niya.
"Nagkaroon po nang hidwaan ang dalawang kampo, mga dalawang dekada na ang nakaraan. Nagkapirmahan at isa iyon sa napagkasunduan na mga alituntunin."mahabang paliwanag ng matanda.
"Kasi sinugod ng mga taga hacienda ang kabila dahil aswang daw ang lolo ni ate ganda!" sabat naman ng bata.
"Hoy! Hoy! Bata ka sinabi ba ng tatay mo iyan!? "galit na tanong ng matanda.
"Hindi ah! Iyong mga kalaro ko, sabi pa nga nila kakainin daw ako ni ate ganda kaya kinakaibigan ako! Hmmp, hindi naman totoo!" naka tulis ang ngusong pagpapaliwanag ni Junie.
"Talagang hindi! Sinabi na sa mga matatanda na huwag na ungkatin ang bagay na iyon."mahinang sabi ng matanda sapat para marinig niya.
"Mang Berting, ipaabot mo sa lahat ng tauhan, kalimutan na ang hindi magandang nakaraan ng hacienda. Bilang bagong may-ari nito gusto ko ng mapayapa at nagkakaintindihan ang mga tao, hindi lang rito sa loob pati na rin sa labas ng hacienda! Isa sa mga araw na ito, sasamahan mo ako. Pupunta tayo sa kabilang hacienda." mahabang sabi niya.
" Bakit po sir? "gulat na tanong ng matanda.
"Magpapakilala ako!"