Nagising siya sa tunog ng panghating gabing orasan. "Mama? Papa? " tawag niya nang hindi makita ang mga magulang sa kaniyang tabi.
Pupungas-pungas siyang bumaba ng kama at lumabas ng silid. Nasa unang baitang siya ng hagdan ng makita ang ina papalabas sa pinto ng bahay habang may bitbit na isang bagahe.
“Mama! Mama!"sigaw ng mailiit niyang boses. Ngunit hindi man lang siya nilingon ng ina. Patuloy lamang ito sa paglalakad palabas.
“Mama, huwag mo akong iwan!“ patakbong palahaw niya ngtuluyan ng makalabas ang ina at mawala sa kaniyang paningin. Saktong nasa pintuan na siya nang tumunog ang makina nang sasakyan at humarorot palabas ng kanilang gate.
“Mama sama ako!” Binilisan niya ang takbo para maabutan ang sasakyan. Hilam ng mga luha at hapong-hapo na siya kakatakbo ngunit papalayo ng papalayo lamang ang sasakyan ng ina.
“Mama!” sigaw ng namamaos na niyang boses.Pagod na pagod siyang umiyak habang tinatanaw na nilalamon ng kadiliman ng gabi ang sasakyan ng ina. Napahinto ang kaniyang paghikbi ng may makitang babaeng naglalakad patungo sa kaniyang direksyon.
Hindi man niya maaninag ang mukha nito dahil sa malabong ilaw na nagmumula sa poste. Ngunit sigurado siya ang mama niya ito dahil sa itim na bestida na suot nito.
Tumakbo siyang sumalubong rito ngunit ng malapit na siya'y biglang nagkaroon ng apoy sa pagitan nila.
Napatda siya sa kaniyang kinatatayuan at nanginig ang katawan sa sobrang takot. Nagbago ang hitsura ng ina. Kulubot ang mukha,may matalim at mapupulang mata, mahabang buhok at kuko. Masamang bruha. Matalim ang mga matang nakatitig sa kaniya.
"Adrianna! " sigaw ng ina.
"Mama!Mama?". nahintatakutang tawag niya.
"Adrianna! Adrianna!" Napamulat siya ng mata ngunit parang mabibingi sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.
"Just a dream." mahinang niyang sambit habang sapo ang hapong-hapong dibdib.
Her mom's sweet voice still ringing on her mind. Pumikit siya muli at humugot ng malalim na hininga para ikalma ang sarili. Pagmulat niya nag-alalang mukha ng abuela ang nasilayan.
"Narinig ko mula sa labas na umiyak ka at tinatawag ang iyong mama. I called you but there's no response so I get in." sabi ng abuela. She forcefully smile to her.
"Don't worry mamita, I'm okay. It's just a dream". panigurado niya rito.
"Same dream that hunts you?" nag-alalang tanong nito. Tumango-tango lamang siya bilang tugon.
Ang panaginip ay nagpapasariwa ng masakit niyang nakaraan. Nakaraan na pilit niyang kinakalimutan.
" Again? I will call Dr. . . . "
Hinawakan niya ang pulsuhan ng abuela para pigilin. " No Mamita, I can handle this!"
She got a trauma after the incident happened when she was seven years old. Napakaraming hindi magandang nangyari. Sunod-sunod. Kinailangan pa ng Papa at Mamita niya ang sumangguni sa Psychiatrist para makalimutan at matanggap niya ang nakaraan. But when she reach twenty. She help herself. She wanted to overcome those fears living in her heart for thirteen years. Alam niyang kaya niya! Matalino at positibo siya. Kasabay ng pagbabago ay ang pangakong, wala nang taong mananakit sa kaniya at sa kanilang pamilya.
Pagkatapos bumangon sinukbit niya ang baril at pumunta kay Obeto gusto niyang magikot-ikot sa hacienda bago mag target shooting para mapalis ang tension sa katawan niya dulot ng panaginip. Obeto was her black, masculine horse. A gift from his dad in her 20th birthday. At pitong taon niya na itong sinasakyan at inaalagaan.
Si Obeto ang kasa-kasama niya sa pagbabago. Ito ang kasama niya sa unang pagkakataon na lumabas siya ng mansiyon. Magikot-ikot sa hacienda. Makipagsalamuha , tumulong at makipagkaibigan sa mga tauhan nila. No! She don't have a friend! An acquaintance to correct! She can't trust anyone again! Thirteen years siyang nasa mansiyon lang. Hanggang tingin lamang sa malawak at nagbeberdihang paligid ng hacienda. She's like a prisoner! She don't even experienced a regular school. She did home schooled! She didn't complain! She understood why.
Pagkatapos nilang ikutin ng kaniyang itim na kabayo ang palayan ay pumasok sila sa manggahan. Madaraanan ito papunta sa tabing ilog kung saan nagtatayugan ang iba't-iba nang klaseng mga puno. Sa lahat ng sulok ng hacienda ito ang paborito niyang lugar. The place gave her an inner peace. Ang malamig na samyo ng hangin dahil sa mayayabong na mga puno, ang lagaslas ng ilog, mga huni ng ibon at kakaibang katahimikan ng lugar. Minsan lang may nagagawing tao roon sa kadahilanng taunan lang naman kung mamunga ang mga mangga.
Paglabas sa manggahan at bago marating ang bakod ng hacienda nagpalagay siya ng man cave. At naglagay rin siya ng target sa lugar para sa kanyang practice shooting.
Sa di kalayuan nakatayo ang dalawang puno ng narra. May katandaan na ito. Bata pa lang siya ay nakatayo na ito roon. At Sa pagitan ng dalawang puno ang pinaka-safe na lagusan patungong ilog.
The river that reminds her about her mom. Mga masasayang harutan nila habang naliligo sa ilog. Ang pagturo nito sa kanya ng paglangoy. Ang pag-gawa nila ng mababaw na balon sa buhanginan. At paginum ng tubig nito. Para magalit ang ama ngunit napapaamo naman ito ng ina kapag lambingin nito. Malinis naman daw ang tubig dahil walang nakatira sa tabing ilog kaya safe inumin.
The river gaves her hope too. Hope that someday, she will be in her mom's embrace again. But to be with her again , she will change her family's reputation first!
Natagpuan niya muli ang ilog ng minsang maligaw sila ni Obeto. It was her second day wandering the hacienda. Hindi siya natatakot. She knows the close security of their property. No one can enter without their permission.
Nagdesisyon siyang sumaglit roon. Pagkalabas niya sa kakahuyan ay nakita niya ang malinaw at payapang ilog. She sadly smile.
"Ate ganda!" sigaw ng matinis na boses. Napatingin siya sa pinanggalingan. Kumaway sa kanya ang isang batang lalaki. It was Junie. Nagtatampisaw ito sa ilog kasama ang mga kaibigan . Tumingin ang lahat sa kanya.
" Oy! 'bat mo tinawag?" Nakasimangot na tanong ng isang bata kay Junie.
"Mabait si. . ." Hindi nito natapos ang sasabihin ng hinila ito ng mga kaibigan para umahon. Pagtapak ng mga ito sa pampang ay nagsitakbuhan ito palayo. Liningon siya ng bata at muling kinawayan at tumakbong sumunod sa mga ito.
She sadly sigh. It's been twenty years but still, nothing change! Kinatatakotan pa rin sila ng mga taga hacienda Mortillano. Sino ba naman ang hindi matatakot sa kaniya? Siguro hindi lng bata kundi pati na rin matatandang makita siya ay matakot sa kanya. Sa mga mata ng mga ito. Pagsapit ng dilim nag-iibang anyo ang kanilang angkan. Then, she always wear black dresses that reaches her ankle with a puffy loose long sleeve. Riding in a black horse. Plus her long black hair with a face that smile never painted on it when in front of Mortillano's people.
Para sa karamihan kampon sila ng kadiliman. Ngunit wala ni isang may nagtangka na gawan siya ng masama kahit mag-isa siyang gumagala sa ilog. Labas na ito sa kanilang lupain. May respeto pa rin ang mga ito sa kanila dahil sa estado ng pamumuhay nila. Mahigpit ang siguridad ng kanilang hacienda. Bawat sulok nito ay may mga cctv. Nakaharap sa loob ng hacienda at nakaharap sa labas ng lupain. Pinasadya ito ng kanyang papa para hindi na mangamba muli ang seguridad nilang magpamilya. History don't repeat itself. People repeat the history!
Nag-iisa ang batang si Junie na hindi natatakot sa kaniya. Ang hindi naniniwala sa mga sabi-sabi ng ibang tao.
Pinagsiksikan nito ang sarili kahit ayaw niya itong kausapin. Galit siya sa taga hacienda Mortillano. Pero ang batang iyon ang tanging nagustohan niya. Makulit ito at hindi nauubusan ng kwento at tanong. At kung ano man ang nangyari noon para hindi niya magustuhan ang taga kabilang hacienda. Wala itong kinalaman.
Naging magkaibigan sila dahil sa kabayo nitong si Princess. Dapit hapon noon at pinaiinom niya si Obeto sa ilog. Napaupo naman siya sa malaking bato habang hinihintay ito.
"Hi po, magandang hapon."magiliw na boses mula sa kanyang likuran. Nilingon niya lang ito at binalik ang tingin sa kanyang kabayo. Wala siyang balak pansinin ang bata. Gusto niyang umalis na ito ngunit kabaliktaran ang nangyari. Umupo rin ito sa batuhan.
"Ang ganda po ng kabayo niyo mam. Ang macho ng kulay at laki! Gusto ko rin po magkaganyan! Meron rin po akong kabayo kaso puti at babae. May anak rin po kaso puti at babae pa rin. Sa inyo po ang astig sakyan. Kung binata lang ako! Nakakagwapo!" daldal nito at humagikgik sa huling sinabi.
"Umuwi ka na at malapit ng magtakip silim. Baka mawala ka pa." seryuso niyang utos.
"Naku! Nasa taas lang ng pampang iyong bahay namin. Sa likod ng mayayabong na mga puno." Sabay turo ng pampang na may taas na aabot ng tatlong palapag mula sa tubig.
Napakunot ang kanyang noo. "May pababang daanan diyan." sabay turo nito sa direksyon ng puting kabayo na nangangain ng damo.
"Siya pala si princess pagpapakilala nito sa kabayo." Tumango-tango siya.
"Pwede po ba mam. Bigyan mo ng kagayang lahi si Princess ng kabayo mo?" pagpapacute pa nito.
Tiningnan niya ito. Lumapit lang ba ito sa kanya dahil may hihingin lang. "Kung ayaw niyo po. Okay lang. Friends na lang tayo." nakangiting sabi nito.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" wala sa isip na tanong niya. Ang pagkakaalam niya anim na taong gulang siya ng huling magkaroon ng kaibigan.
"Sabi ni tatay mabait po ang lolo at lola niyo so sigurado mabait din kayo." Putol nito sa kanyang inisip.
"Kilala mo ako?" nakakunot noong tanong niya.
"Hindi naman po. Nakikita lang po kita minsan dito. Tinanong ko kay tatay kung sino ka. Yun po sagot niya mabait ang lolo at lola mo. Hindi rin siguro alam ang pangalan mo." Natatawang sabi nito.
"Ate ganda na lang po itawag ko sa inyo. Ang ganda niyo po kasi." dugtong pa nito.
May parte sa kanyang puso na sumaya dahil sa unang sinabi ng bata. "Thank you. Bring your horse here, tomorrow morning. I'll bring shot from Obeto."
Pinatakbo niya si Obeto sa tubig. Napapangiti siya sa tuwing natatalsikan siya ng tubig. She feels like a kid and she enjoy it. Pang apat ng balik ng kabayo sa kabilang pampang ng may mataan siyang drone sa di kalayuan. Pinatakbo niya ng mabilis ang kabayo papasok sa kanilang hacienda. Hindi niya gustong maging subject ng isang video kung sino man ang nagpapalipad nito. Baka gawin pa itong laughing stock sa kung saan-saang website.
She's an introvert. Having a privacy is important to her.