Chapter 17

1767 Words
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Tahimik at medyo madilim ang paligid. Dahil iilang ilaw lang ang nakasindi. Pababa na siya ng hagdan ng tumunog ang panghating gabing orasan. Napalahaw siya ng iyak dahil sa gulat. Kasabay niyon ay ang pagliwanag sa gitna ng kadiliman di kalayuan mula sa kanilang mansiyon. Kitang-kita niya ito mula sa kintatayuang hagdan dahil sa glass wall. Patay sindi ang liwanag. Hanggang nanatili ang liwanag. Napatigil siya sa pagbaba ng hagdan. Inaninag niya kung saan nagmula ang liwanag. "Mama!" mahina niyang sambit. Lakad takbo ang ginagawa ng ina palapit sa nakahimpil na sasakyan. May dala-dala itong maleta. Mabibilis na hinakbang ng maliliit niyang paa ang pababang hagdan. Alam niyang aalis ang ina dahil bitbit nito ang maletang palaging dala-dala kapag nagbabakasyon silang magpamilya. Ngunit bakit hindi siya kasama? Nakauwi na ba ang Papa niya mula Maynila? Aalis ba ang mga ito? Iiwanan ba siya ng mga ito? Ng malamit na ang ina sa sasakyan ay may sumalubong rito. Isang lalaki. Kinuha nito ang dala-dala ng ina at mabilis na pinasok sa loob ng sasakyan kasabay rin ang pagpasok ng ina. "Mama!" ilang ulit na sigaw niya. Pagbukas niya ng pinto ay paalis na ang sasakyan. "Mama!" malakas na tawag niya sa ina. Tumakbo siya para habulin ang ina. Hindi niya alintana ang madilim na paligid. Ang gusto niya lang ay maabutan ang sasakyan. "Adrianna!" May sumisigaw ng pangalan niya mula sa likuran. Ngunit hindi man lang niya ito liningon. Mas lalong lumalabo ang paningin niya sa daan dahil sa luhang patuloy na umaagos. "Mama!" huling tawag niya sa ina ng may humaklit sa kanya. Ramdam niya ang pag-angat ng mga paa mula sa lupa. Nagpupumiglas siya para makawala. Gustong-gusto niyang habulin ang ina. Gusto niyang makasama saan man ito magpunta. Namamaos na siya sa paulit-ulit na pagtawag rito. Ngunit walang sasakyang bumalik. "Let me go! Mama!" sigaw niya habang nagpupumiglas pa rin. "Tahan na baby!" pag-aalo ng abuelo habang karga-karga siya. "Your Papa will be home tomorrow!"sabi naman ng abuela. "Bakit umalis ang babaeng iyon! Wala ba siyang may naisumbong sa iyo? Nag-away ba sila ni Dierron? Naatim nitong iwanan ang anak? Kung hindi tayo nagising? Ano ang mangyayari sa anak niya? Kung mawawala ang apo ko? Saan natin hahanapin ang bata bukas? Sarili lang ang iniisip! Manang-mana talaga sa ama ang ugali ng babaeng iyon!" galit na sabi ng abuelo habang karga-karga siya. "Renato ang puso mo." babala ng abuela niya sa abuelo habang pinapatahan siya. "May iba ba siyang la..." "Renato! Wala tayong alam. Huwag ngayon maririnig ng bata!"saway ng abuela niya sa abuelo. "Sundan mo sila Renato! Paano ang anak at apo natin?" "Hayaan mong umalis ang babaeng iyon! Hindi nga man lang nagpaalam at umalis ng maayos! Kung may problema sila ni Dierron sila ang dapat mag-usap! Noong una pa lang sana. Sinunod na ninyo ako ng anak mo. Huwag ang babaeng iyon! Ngunit hindi ninyo ako pinakinggan." galit pa ring saad ng abuelo. "Tayo na lang sa loob." sabi na lamang ng abuela. Hindi na nito kinontra ang mga sinasabi ng abuelo para hindi na hahaba ang argumento nilang mag-asawa. Papasok na sana sila ng mansiyon ng may dalawang lalaking tumatakbo papalapit sa kanila. Mga tauhan ng hacienda. "Don Renato! May namataan po kaming mga lalaking umaaligid sa maisan nanggaling sila sa ilog. Pinuntahan namin ngunit ng mapansin kami ay biglang nagsidali-dali ng lakad pumasok sa maisan. At bigla na lang nawala. " "Alliendra, ipasok mo ang apo natin. Magtatwag kami ng mga tauhan para mag ronda." "Renato ang maisan!" nahintatakutang sambit ng kanyang abuela. Pati siya ay napatingin sa direksyon na sinabi nito. Napatigil siya sa pag-iyak ng makitang lumagablab ang malaking bahagi ng maisan. Naging mas matapang ang kulay ng apoy sa gitna ng kadiliman. Napakabilis sinakop ng liwanag ng apoy ang malaking bahagi ng hacienda. "Gisingin ang lahat na mga tauhan at magtulong-tulong tayo sa pag-apula ng apoy. Buksan lahat ng motor sa tubig." utos ng abuelo niya sa dalawang tauhan. "Alliendra bring Addie in a safe place. Sabihin sa mga katulong basain ang paligid ng mansiyon." Pagkautos ng abuelo sa kanyang abuela'y iniwanan na sila. Dali-dali na rin silang bumalik sa mansiyon. Marami na silang nasasalubong. Bawat kilos ng mga ito'y may taranta at bilis. May bitbit na kung anu-anong pwedeng malagyan ng tubig. Maririnig na ang ingay ng mga motor ng tubig. Sigawan ng mga tao. Makina ng malalaking sasakyan na may karga-kargang drum ng tubig. "Señora, ano po ang nangyari?" tanong ng matandang lalaki na kasalubong nila. Ito ang driver nila at katiwala ng abuelo sa mga pananim at sa iba pang bagay tungkol sa hacienda. "Hindi ko alam. Sundan mo ang sir mo. Baka ano ang mangyari sa kanya. Pumunta siya maisang nasusunog. Pakiusap!" nag-alalang tugon ng abuela niya sa matanda. "Sige, sige Señora." sabi ng matandang lalaki at dali-dali ng umalis. Pagkapasok ay kinuha siya ng katulong. Inutusan naman ng abuela ang iba pa sa tugon ng asawa. Pinaupo ng katulong na may hawak sa kanya ang abuela ngunit nanatili lamang itong nakatayo. Nag-alalang tinatanaw lamang nito ang kaganapan sa labas. Patuloy pa ring kinakain ng apoy ang paligid. Mabilis lamang kumalat ang apoy dahil ilang araw na lang ay aanihin na sana ang mga mais. Sa pag-aagawan ng dilim ng gabi at liwanag mula sa apoy ay makikita pa rin ang maitim na usok na sumusunod sa ihip ng hangin. Nagliliparan at nagkikislapan ang mga alipato sa ere. Panay naman ang pakawala ng malalim na hininga ng kanyang abuela. Kasabay ng pagbigkas ng mahinang panalangin. Malapit ng sumikat ang araw ng maapula ang apoy. Sampung hektarya ng maisan ang natupok. At kalahati naman ang natira. Ito ang bahagi na malapit sa kanilang mansiyon. Nagising siya sa silid ng abuela at abuelo. Wala ang mga ito. Paglabas niya ng silid masakit na sikat ng araw ang sumalubong sa kanya na tumatagos sa salamin na bintana. May mga usok pa na matanaw sa iba't-ibang bahagi ng maisan. "Ija, good morning." bati sa kanya ng abuela kagaling lang nito sa labas. "Mamita, are you okay?" "Yes baby. Come, let's eat." Sinalubong niya ang mga titig ng abuela. Alam niyang pilit ang mga ngiti na pinapakita nito sa kanya. Hindi ito kagaya ng palagi niyang nakikita. Wala itong kislap at mukhang pagod ang mga mata nito. Inabot niya ang kamay ng abuela na nakalahad sa kanya. Magkahawak kamay na tinungo nila ang kusina. "Nakabalik na ba ang Mama?" nakatingala niyang tanong. "Not yet but nandito na ang Papa mo. Sinamahan lang ang Lolo. May mga dapat lang ayusin." sagot nito na nakangiti ngunit hindi abot sa mga mata. Hinihintay niya ang pagdating ng ama sa mansiyon ngunit umabot na ng gabi ay wala pa ring dumating. Kagaya ng agahan sila pa rin ng abuela ang magkasama sa mesang kumakain ng panghapunan. Ilang araw na ang nakalipas ay walang ina na bumabalik. Minsan na rin lang silang mag-ama magkita dahil palagi itong wala. Kung naroroon man ito sa mansiyon. Palagi itong naglalasing hanggang sa magsagutan ito at ang kanyang abuelo. At kung tatanungin niya ito tungkol sa ina ay hindi ito sumasagot. Sapagkat pinapapupunta siya nito sa kanyang Mamita. Kung mangungulit man siya ay nagagalit na ito. Dahil sa trahedya at ang pag-alis ng ina ay malaki ang pagbabago ng atmospera ng mansiyon. Palaging umaalis ang Papa, Lolo at Mamita niya. Naging tahimik ito. Wala nang tumatawa. Wala nang nakikipaglaro sa kanya. Napakalungkot! Hindi na siya nakakapunta sa ilog. Wala ng nagpapasakay sa kanya ng motorsiklo para mamasyal sa kanilang lupain. Bahay-paaralan lamang ang kanyang pinupuntahan. Pati sa paaralan ay nagbago ang lahat. Hindi na lumalapit ang iba niyang kaklase sa kanya. Ang iba ay inaaway pa siya. At tuwing uwian kung wala pa ang lolo na susundo sa kanya. Halos lahat ng mga mata ng mga taong sumusundo sa ibang mga kabataan ay nakatingin sa kanya. Pinapaiwas sa kanya ang mga batang alaga ng mga ito. "Excuse me, little monster!" Papasok na sana siya ng kanilang silid aralan ng may magsalita sa kanyang likuran. Sabay tulak sa kanya para mabunggo sa gilid ng poste malapit sa pinto. "Why you pushed me?" mamasa-masa ang matang tanong niya sa kaklase. "You deserved it! Your family abduct children. You turned monster at night!" pamalditang sabi ng kaklase. "We're not!" kontra niya. "You are!" giit nito. "Monster! Prinsesa ng dilim! Aswang!" sigaw naman ng iba niyang mga kaklase. Dahil pinagkaisahan siya at dala ng kabataan ay napalahaw siya ng iyak. "What's happening here?" tanong ng kararating na guro. Lahat ng kaklase niya ay natahimik. Mga animo'y mababait na bata. Ngunit wala kahit isang sumagot para man lang ipagtanggol siya. "Wala bang sasagot? I saw everything. Gusto ko lang umamin kayo." malumanay na sabi ng guro na nakatingin sa kakalase niya. Tiningnan niya ang kaklaseng si Katelyn na siyang tumulak sa kanya. Kumibot-kibot ang mga bibig nito na parang iiyak. "Sabi kasi ni yaya huwag kami lalapit kay Adrianna because she is an aswang who became a monster at night." pahikbi nitong sagot sa guro na animo'y siya pa ang nasaktan. "There's no such thing. Monster didn't exist. It's only in our mind. But if you hurt someone, it was like you claim it. Monster exist. And it's you!" sabi ng guro habang pinatitigan ang kaklaseng tumulak sa kanya. "Stop hurting anybody if don't want to be a monster! All of you say sorry to Adrianna." Pagkatapos mag-sorry ng mga kaklase ay dinala siya ng guro sa school clinic nila. Pinatingnan ang nabunggo niyang noo. "Teacher, hindi ka ba naniniwala sa kanila? Hindi ka ba natatakot sa amin?" tanong niya rito. Niyuko siya ng guro at nginitian. "I'm big enough para maintindihan ang mga nangyayari sa paligid. Para malaman ang tama at mali. So, you little girl. Trust your family gaya ng iba pa ring naniniwala sa inyo." pagkasabi'y pinisil nito ang pisngi niya. Dumating ang uwian. Malungkot niyang tinungo ang waiting area ng paaralan. Wala siyang kasabay dahil walang gustong sasabay sa kanya. Hanggang tingin na lang niya ang mga kaklase na dati rati ay kasama niyang nagkukulitan. Masaya ang mga itong nagpapaunahan patungo sa waiting area. Napalitan ng ngiti ang lungkot na nararamdaman niya ng makita ang abuela. Ito ang sumundo sa kanya. Tinakbo niya ang distansiya para agad makalapit rito. "Mamita bakit ikaw ang sumundo? Nasaan ang lolo?" tanong niya habang lulan ng sasakyan. "May inaasikaso lang. How's your day? What happened to your forehead? Nag-alalang tanong ng abuela ng tinapunan ng tingin ang bandage sa kanyang noo. "My classmate pushed me and accidentaly my forehead bumped on the post. And they call me, aswang! Monster! Are we, Mamita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD