Chapter 32

1644 Words

“WHERE WILL I TAKE YOU?” marahang tanong sa kaniya ni Zephieru na ang mga mata ay nanatiling nasa daan. “S-Sa Quezon City,” nanginginig ang mga labi niyang sagot dito. Kunot ang noong sumulyap ito sa kaniya. Pagkuwan ay tumango at may inabot ito sa may dashboard. Ilang sandali pa ay namatay ang aircon sa loob ng sasakyan nito. “S-Salamat,” pagpapasalamat niya sa ginawa nito. Kahit papaano ay naibsan ang panginginig ng katawan niya. Hindi ito sumagot kaya tumahimik na lang din siya at niyakap na lang din niya ang kaniyang sarili. "May jacket ako sa backseat, gamitin mo muna iyon." sabi nito. Umiling naman siya. Basang-basa siya at ayaw niyang pati gamit nito ay mabasa rin niya. Napangiwi pa siya nang maalala niyang mas mahal ang kotse nito kaysa sa jacket nito. Napatingin pa siya sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD