KING ZACHARIAS’S phone was ringing a while ago and he had no intention of answering it. Katatapos lang din ng meeting niya kasama ang mga board member ng kumpanya at kababalik lang din niya sa kaniyang opisina. Wala rin naman siyang naiambag at nakikinig lang siya sa meeting. Okupado pa rin kasi ang isip niya tungkol sa nangyari sa kanila ni Katharina, dalawang araw na ang nakakaraan. Simula nang palayasin niya ito sa penthouse niya dahil sa galit niya rito ay hindi na rin siya matatahimik at ito ang laging laman ng isip niya. Akala naman kasi niya ay ito ang nagdala kina Yelena at Scarlett sa Craigh's Haven. Kahapon lang din niya nalaman nang sinadya siyang puntahan nina Scarlett at Yelena sa penthouse niya para kausapin siya tungkol sa nangyari. And what he knew frustrates him even m

