“NGAYONG gising na ang anak mo, Miss Herrera, kailangan na sa lalong madaling panahon ay ma-operahan na siya. Nahanap mo na ba ang biological parents nila?” tanong ni Dra. Velasco sa kaniya. Napalunok si Katharina, pagkuwan ay marahang tumango. Nahanap na niya pero wala pa lang siyang lakas na loob na sabihin sa mga ito ang tungkol kay Aurora dahil sa bukod sa natatakot siyang kunin ng mga ito ang bata ay malaki na talaga ang pagbabago ni Claire. Hindi na ito ang dating Claire na nakilala niya. Ang masayahin at mabait na kaibigan niya. Ang Claire ngayon ay puno ng galit ang puso kaya hindi niya alam kung mamahalin ba nito si Aurora o gagamitin lang nito sa pansarili nitong interest. Pero ngayon, mukhang wala na talaga siyang choice, kahit ayaw niya ay kailangan niyang gawin kung ano ang

