KATHARINA was pacing back and forth in front of the door of the room where she was locked up. Iniisip niya kung paano siya makakatakas dito. Hindi siya puwedeng makulong dito ng matagal. Kailangan niyang makalabas para sa anak niya. Pero paano? Kanina pa siya naghahanap ng puwede niyang madaanan pero wala siyang makita. Naka-locked ang pinto, ang dalawang malalaking bintana na gawa sa makapal na glass ay naka-locked din at hindi niya mabuksan-buksan, maliban na lang kung babasagin niya iyon. Her eyes widen when an idea suddenly came to her mind. Why not? Mabilis siyang kumilos para maghanap ng mabigat na bagay para magamit niya para basagin ang bintana. Hinalughog niya lahat ng sulok ng kuwartong kinaroroonan niya pero wala naman siyang mahanap. Nang mapadako ang mga mata niya sa

