Chapter 36

1922 Words

LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Katharina pagkapasok niya sa Paranaque Medical Center. Kaba at takot ang naghari sa kaniya kaya hindi na niya inalintana ang pawis at pagkahingal, maabutan lang niya ang anak niya. Ang dami ng pumapasok sa kaniyang isip. Paano kung hindi na niya maabutan ang anak niya? Paano kung---natigil ang mga iniisip niya nang makasalubong niya si nurse Serena. Huminto muna siya saglit para kausapin sana ito nang maunahan na siya nito sa pagsasalita. "Kath, mabuti at narito ka na. Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita tinatawagan pero out of reach ka na naman." sabi nito, base sa hitsura nito ay tila may malaki siyang problema na kahaharapin na naman. "Pasensya na, may nangyari lang. M-May problema ba?" tanong niya kahit may hint na siya kung ano ang sasabihin nito sa kan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD