NABALING ang mukha ni Katharina sa sobrang lakas ng pagkakasampal sa kaniya ni Claire. May nalasahan pa nga siyang tila bakal sa kaniyang bibig at ramdam niya ang hapdi roon. "Mabubulok ka sa kulungan. Iyon ang sisiguraduhin ko." mariing sabi pa nito sa kaniya. Naniningkit ang mga matang tiningnan niya ito. "Wala kang utang na loob, Claire." mariin din niyang sabi rito. Pero ngumisi lang ang demonya. "Alam kong matagal mo ng alam na si Zach ang ama ng anak ko, pero dahil selfish ka at enjoy na enjoy ka sa pagiging puta mo ay matagal mo iyong itinago. Pero sorry ka na lang at mas mautak pa rin ako, sa'yo." ngingisi-ngising sabi nito bago siya nito tinalikuran. Awang ang bibig na sinundan na lang niya ito nang tingin, nagpupuyos ang kalooban niya sa galit sa babae pero agad din iyong n

