NAPAAWANG ang bibig at hindi na nakapagsalita si Katharina sa sinabi nang pinsan niyang si Chance Daire Saavedra. Parang lahat ng sasabihin niya sa pinsan ay tila naglaho na parang bula. Akala niya ay wala ng mas sasakit pa nang makita niya kanina sina Claire at Zach na magkasama. Meron pa pala... “Kaya kung ayaw mong mawala sa’yo ang bata, lumayo ka na sa dalawang iyon.” sabi pa ng pinsan niya. Nag-init ang sulok ng mga mata niyang napayuko siya at tulalang nakatitig siya sa nanginginig niyang mga kamay na magkahugpong na nakapatong sa lap niya. “P-Paano kuya?” garalgal ang boses na tanong niya, nanatili pa rin siyang nakayuko. Huminto ang sasakyan nito at alam niyang nasa tapat na siya ng kaniyang nirentahang apartment na ngayon ay ito na rin ang nagbabayad buwan-buwan. Ubos na ta

