PAGKAHINTO ng taxi sa tapat ng Belle of Dreams Restaurant, ay mabilis na ibinigay ni Katharina ang kaniyang bayad sa taxi driver at agad na siyang bumaba. Napatingin pa siya sa kaniyang pambisig na relo, late na siya ng 30 minutes sa sinabing oras ni kuya Chance. Hindi na kasi niya natanggihan si Mrs. De Sandiego matapos niyang pumayag sa hiniling nitong pakasalan niya si boss Zach ay nagyaya pa ito na magkape muna raw sila at mas lalo lang siyang naloka dahil ang dami nitong suggestion para sa kasal raw nila ng anak nito. She sighed heavily, then shook her head. She will deal with it after this. Sa ngayon kailangan niya munang harapin ang pinsan niya, kailangan niyang malaman ang totoo. Kinakabahan rin siya sa puwedeng malaman niya tungkol kay Claire. Naroon din ang takot niya sa posib

