KATHARINA wore a feminine off-shoulder white sequin pattern gown with split style and a white strappy heel. Hinayaan lang din niyang bumagsak sa kanyang likuran ang kulot at mahaba niyang itim na buhok. Isa ito sa mga pakinabang ng pagkakaroon ng medyo kulot na buhok. Hindi siya nagsisikap na mag-isip ng kung anong istilo pa ang gagawin. Light make-up lang din ang in-apply niya sa kaniyang mukha at lip gloss. Nang makuntento siya sa kung ano ang hitsura niya ay saka lang siya umalis sa harap ng salamin. Napabuntonghiningang naglakad siya papunta sa may paanan ng kama at naupo roon. Nagsimula na kasi siyang makaramdam ng kaba sa puwedeng mangyari mamaya sa engagement party na gaganapin sa mansion ng mga magulang ni David. Claire will be there because of her. Kaya pala ginanap ang kunw

