HINDI makapaniwalang nasundan na lang ni Katharina ng tingin ang mag-asawa na ngayon ay palabas na ng restaurant. Hindi siya makapaniwalang ipagkakanulo siya ng ganito ni Heejhea. Ah, yeah! Hindi nga pala siya iyong best friend nito. “Uh, may bibilhin ka pa ba?” Napakurap siya at nabaling ang tingin niya kay Zach na nasa harap pa rin pala niya. Pero agad din niyang iniwas ang tingin sa lalaki. Hindi siya sumagot at iniwan na lang niya ito. Dere-deretso siyang naglakad papunta sa lamesang iniukupa nila kanina para kunin ang bag niyang naiwan doon at ang mga pinamili niya pero agad siyang kinabahan nang hindi na niya makita roon ang bag niya at iyong eco bag ng mga groceries niya. Magpapanik na sana siya nang bigla na lang lumitaw sa harap niya si Zach at bitbit nito ang mga hinahana

