TULALA na nakaupo lang si Katharina sa may bench sa labas ng emergency room. Panay ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Hindi niya mapaniwalaan na ganito lang ang mapapala ng Mommy Felecia niya sa lahat ng sakripisyong tiniis nito para kay Daddy. Ngunit ang hindi niya mapaniwalaan ay ang kaalamang may relasyon si Daddy at tita Alodia. Alam kaya iyon nina kuya David at tito Sean? Pero kung alam ng mga ito iyon, baka hindi gano’n ang pakikitungo ni tito Sean at kuya David sa kanila lalo na sa kaniyang ama. “Excuse me, Ma’am,” Agad siyang napatingin sa babaeng nurse na lumapit sa kaniya. “Yes,” “Kayo po ba ang anak ni Mrs. Felecia Herrera?” tanong nito sa kaniya. “O-Oo, kumusta siya?” Nanginginig man ang kaniyang mga tuhod ay sinikap niyang tumayo. “Inaasikaso na po siya ng mga doctor,

