“A-ALAM mo, kuya…” halos bulong na sabi ni Katharina, hindi makapaniwala na alam na nito ang kalagayan niya. Kunsabagay, nahimatay siya at ito pa nga ang tumulong sa kaniya, kaya malamang sa malamang na nasabi talaga ng doktor ang naging kalagayan niya. Magkadugtong pa rin ang mga kilay nito at seryoso lang din na nakatingin sa kaniya. Pero paanong nalaman nito na ang pinsan nitong si Zach ang ama ng ipinagbubuntis niya? Ngunit nang maalala niyang pinaimbestigahan nga pala siya nito ay nanahimik na lang siya at agad na nag-iwas ng tingin sa lalaki. “When did you know that you are pregnant?” tanong nito na nagpakaba sa kaniya. Bayolente siyang napalunok at kagat ang pang-ibabang labing mariin na lang niyang ipinikit ang mga mata. Hiyang-hiya talaga siya rito. Pinigilan rin niya ang sa

