PARANG ipinako ang mga paa ni Katharina sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin sa lalaking kapapasok lang sa may entrance ng ospital. The man is walking like a Greek god, a powerful and respectful businessman. It’s King Zacharias De Sandiego. He was wearing a long black sleeve that was folded up to his elbow. His hair was styled neatly. Kung hindi siya nagkakamali ay kagagaling lang yata ng lalaki sa opisina nito. Hindi lang niya alam kung saang opisina, sa De Sandiego Hotel ba o sa KZ Airlines. Kitang-kita niya ang tila iisang ulo na paglingon ng mga taong naroon, lalong-lalo na ang mga babaeng nurse. Hindi rin nakalagpas sa kaniyang pandinig ang hagikhikan ng mga babaeng naroon habang nakatingin sa mukha ng lalaki. "Ang guwapo talaga ni Mr. King Zacharias De Sandiego..." nangingi

