“D-DAD wants me to marry Heinz David De Sandiego?” halos bulong na lang niyang sabi. Isang De Sandiego ang pakakasalan niya at pinsan pa ni Zach? s**t! Anong kalokohan ba itong nangyayari sa buhay niya? Kahit na nakilala na niya iyong Heinz David De Sandiego na iyon pero bata pa siya noon, ni hindi na nga niya natatandaan ang batang lalaking iyon kung hindi pa ipinapaalala sa kaniya ng Mommy niya. Matapos kasi ang party na iyon ay hindi na sila nagkita pang muli. Ni wala nga siyang pagkakataon na kausapin iyong kapatid nitong iniligtas niya dahil agad na umalis na ang mga ito. Kaya paanong hindi siya nakalimutan ng mga ito? Imposible naman yata iyon. Tila lumubo ang utak niya sa natuklasan. Hindi pa man niya personal na nakikita ang lalaki dahil sobrang ilap nito sa mata ng media. M

