WALANG ingay na pinagkiskis ni Katharina ang namamawis at nanlalamig niyang mga kamay sa sobrang kaba. Nasa garden sila ni Heinz David, tahimik na nakaupo sa isang bench na gawa sa matibay at makintab na kahoy. Maganda rin ang pagkaka-desenyo na halatang pinaggagastusan talaga ng malaki. Sa harap nila ay isang malaking water fountain na may iba’t ibang kulay. Dito siya dinala ng lalaki nang hilahin siya nito kanina palabas ng dining area matapos nitong magpaalam sa mga magulang nila. “How are you?” tanong nito, kaswal lang ang boses nito. “It’s been 14 years, right?” sabi pa nito. Tipid lang siyang ngumiti at tumango. Ang mga mata niya ay nakapirmi sa water fountain sa harap nila. “Okay lang, kuya David---” natigil naman siya nang bigla na lang itong natawa nang mahina. Kunot ang noo

