Chapter 5

1647 Words
NALIGO muna si Katharina bago siya lumabas ng kaniyang kuwarto. Sabado naman ngayon kaya day-off niya sa trabaho at madadalaw na niya ang anak niya. Nagpasya kasi siyang hindi na muna tumuloy sa hospital dahil nga sa may kasunduan sila ni Zach. Kaya ngayon na lang siya pupunta. Excited siyang bumaba ng hagdanan at mabilis na tinungo niya ang kusina para makapagluto siya ng kaniyang almusal. Pero nagulat siya nang sa pagpasok niya sa loob ng dining area ay naabutan niya roon si boss Zach na nagkakape habang may hawak itong newspaper. “G-Good morning, boss.” nauutal na bati niya sa lalaki. Hindi naman kasi niya inaasahan na madadatnan pa niya ito rito sa penthouse. Sa ganitong oras kasi ay dapat nasa opisina na ito ng KZ Airlines. He’s wearing a dark gray button-down long fitted sleeve and folded it up to his elbow. It was tucked with black pants. His usual outfit every day. Naka-man ban style na naman ang malago nitong buhok—natigilan siya nang maalala niya kung paano niya kinapitan ng mahigpit ang buhok nito kagabi sa parusang ibinibigay nito sa kaniya. Shit! Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito nang maramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang mukha. “Morning,” tipid nitong sagot sa kaniya ngunit ang mga mata ay nasa newspaper pa rin. “Uh, anong gusto mong almusal?” tanong niya at mabilis na tinungo ang refrigerator para makapaghanda ng kanilang almusal. “You,” anito kaya agad siyang natigilan. Nilingon niya ito at agad siyang kinabahan nang nakatitig na pala ito sa kaniya. “Po?” Nakita niyang bahagya nitong ipinilig ang ulo at tumayo. Wala sa sariling bumaba ang tingin niya sa katawan nito. “What I meant was I don’t eat breakfast here. I have to go.” anito at tumalikod na at kaagad lumabas ng dining area. Napakurap-kurap na lang siya at sinundan na lang niya ito ng tingin. Napailing na lang siya at nagluto ng almusal para sa kaniya. Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang umakyat sa kuwarto niya para magbihis at ng makaalis na siya papuntang ospital. Kailangan din niyang kausapin ang nurse na nagbabantay kay Aurora. “Good morning, Miss Kath.” Bati ng mga nurses pagkadaan niya sa may nurse station. Napangiti siya at binati din ang mga ito pabalik, “Good morning din sa inyo.” Sa mahigit isang buwan niyang pabalik-balik dito ay kilala na siya halos ng mga nurse rito. Pinaka-close niya ay sina nurse Arrah at nurse Serena. Pagkapasok niya sa loob ng silid ng anak niya ay nadatnan niya itong pinapakain ni nurse Serenna na agad na ngumiti nang makita siyang pumasok. “Nandito na ang Mommy mo baby.” Nakangiting sabi ni Serena sa anak niya. Nakita naman niya kung paano ngumiti ang anak niya. Despite the pain her daughter was feeling, she still managed to smile. “Mama…” mahinang sambit nito, hindi pa rin nawala ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi nito. Napakurap-kurap siya para mawala ang namumuong luha sa mga mata niya. Hangga’t maaari ay ayaw niyang makita ng anak niya na umiiyak siya sa harap nito. “Hi, baby…” sambit niya at mabilis na lumapit sa kinahihigaan nitong kama. Tumayo naman si nurse Serena para bigyan siya ng lugar. Dumukwang siya at binigyan ng magaang halik sa noo ang anak. “Mama misses you so much, baby.” “Miss rin po kita, Mama.” nakangiti pa rin na sagot ng anak niya. Napangiti siya at pinigilan niya ang sarili na maluha. Ang laki na ng pinagbago ng katawan ng anak niya. Dati ay mataba ito pero ngayon ay nangangayayat na ang anak niya at namumutla pa. Nakabalot na rin ng bandana ang ulo nito dahil unti-unti ng nalalagas ang buhok nito. “T-Talaga, baby?” “Opo. Ang tagal niyo po kasi akong bisitahin eh,” nakasimangot ng sabi nito. Agad siyang naupo sa gilid ng kama nito at maingat na niyakap niya ang anak. “Sorry, anak, kailangan kasing magtrabaho ni Mama para may pambili tayo ng pagkain…” aniya at hindi na idinugtong ang isa pang dahilan kaya siya hindi palaging nakabibisita rito. Tumikhim siya para mawala ang bara sa kaniyang lalamunan. Pagkuwan ay kumalas siya sa pagkakayakap sa anak at hinarap ang nurse. “Uh, puwedeng ako na ang magpapatuloy sa pagpapakain sa anak ko?” aniya sa nurse. “Sure, Miss Kath.” anito at mabilis na ibinigay sa kaniya ang maliit na bowl na may lamang aruzcaldo. “Babalik na lang ako mamaya para sa kaniyang gamot.” Nakangiting dugtong pa nito. Pagkuwan ay bumaling ito sa anak niya. “Bye muna baby. Si Mommy mo muna ang magpapakain sa’yo.” “Bye po, Tita Sere.” ani ng anak at kumaway pa kay nurse Serenna. Wala sa sariling napangiti siya. Mukhang close na ang dalawa, ah. Habang pinapakain niya ang anak ay ikinukuwento niya rito ang mga nangyari sa kaniya sa buong linggo. Ganito ang madalas niyang gawin kapag narito siya, ang kuwentuhan ito at tila nagsisilbi na rin iyon ng pampapatulog nito. Napangiti siya nang makitang tulog na ito. Hinaplos-haplos niya ang ulo ng anak habang binabantayan ang bawat paghinga ng anak na tila hirap na hirap. Napasinghot siya at agad na pinahiran ang luhang naglandasan sa pisngi niya. “Aurora is so brave,” narinig niyang sabi ni nurse Serena. Agad siyang napatingin dito at ngumiti. Hindi man lang niya namalayang nandito na pala ito ulit. “Oras na para sa gamot niya.” anito. Tumango lang siya habang titig na titig sa mataas na needle na i-inject nito sa may dextrose ng anak niya. “She is.” sagot niya. “Kaya hinding-hindi ko siya susukuan.” Tumango-tango lang ito sa kaniya. “Sige, Miss Kath, lalabas na ako.” Paalam nito sa kaniya. “Ay siya nga pala. Wala si nurse Arrah kaya---” “Okay lang, ako ang magbabantay sa anak ko mamayang gabi.” Putol niya rito. Nakapag-desisyon na siya. Bahala na, haharapin na lang niya ang galit ni boss Zach kinabukasan. Nakangiting tumango naman ito at tuluyan ng lumabas ng silid. Nang mag-aalas-dos na ng hapon ay pinabantayan niya muna ang anak niya kay nurse Serena. Pupunta muna siya sa taong puwedeng makatulong sa kaniya sa paghahanap kay Claire. "Mama Kath!" Napangiti siya nang makita ang apat na taong gulang na pamangkin niya na tumatakbo papunta sa kaniya pagkapasok pa lang niya sa entrance ng mansion. "Hey, Chase careful." aniya sa pamangkin nang dambain siya nito ng yakap. "I really miss you, Mama. Hindi na po ikaw laging nagpupunta rito." Nakasimangot na turan nito. Kinarga niya ito at pinaghahalikan ang buong mukha na ikinatawa naman nito. Lagi niya iyong ginagawa kapag nagtatampo ito sa kaniya. "Mama, enough." Nakikiliting saway nito sa kanya. "Sorry baby, busy lang kasi si Mama sa work." "I know and I understand po." anito at hinaplos ang pisngi niya sa maliit nitong kamay. And it made her relax and calm her senses. "Really? So, no more tampo na?" Tumango naman ito at mahigpit na yumakap sa kaniya. "Anyway, where's your Mommy and Daddy?" tanong niya rito nang makitang ang yaya lang nito ang kasama. "Si Mommy nasa room po niya. Si Daddy umalis po para mag-work." Oh, wrong timing pala ang pagpunta niya rito. Sana tumawag muna siya rito kanina. "Chase Drew." Napatingala siya sa may hagdanan nang marinig niya ang boses ng kaibigan. Erinielle Gomez is her best friend since high school. At mas lalo pa silang naging malapit nang mapangasawa nito ang pinsan niyang si Chance Daire Saavedra. Hinalikan siya nito sa pisngi nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya. Suminyas ito sa kasambahay nito na bantayan muna si Chase. Saka siya hinila sa may couch at pinaupo. Agad naman itong naupo sa tabi niya. "Mabuti naman at napadalaw ka na." "Gusto ko kasing kausapin si Kuya pero wala pala siya rito." "Gusto mo bang tawagan ko siya at pauwiin? Importante ba—" "Katherina?" Natigil si Erin sa pagsasalita at sabay silang napatingin sa may bungad ng mansion nang dumating si kuya Chance. Naglakad ito palapit sa kanila. Tumayo si Erin at nagpaalam na ikukuha sila nito ng meryenda. Nagtakang sinundan niya ang kaibigan ng tingin. Weird talaga ang mga ito. Naturingang mag-asawa pero hindi man lang niya makitaan ng ka-sweet-an sa isa't isa. "It's good that you even thought of visiting us here,” ani kuya Chance kaya agad nabaling ang tingin niya rito. "Gusto sana kitang makausap, kuya." "Let's go in my office." sabi nito at nauna ng naglakad. Agad naman siyang tumayo at sinundan ito. Pagkapasok niya sa opisina nito ay naabutan niyang nakaupo na ito sa swivel chair nito. Iminuwestra naman nito ang upuan na nasa harap ng desk nito. Huminga siya ng malalim at naupo sa tinuro nitong upuan. "Anong problema?" tanong kaagad nito. Mariin din siya nitong tinititigan. “Pwede ba akong humingi ng pabor sa’yo, kuya?” aniya na nagpataas ng isang kilay nito at umayos sa pagkakaupo. “What is it?” Agad niyang binuksan ang shoulder bag niya at kinuha roon ang litrato ng babaeng gusto niyang ipahanap. Pagkuwan ay agad niya iyong ibinigay sa pinsan. “Puwede mo ba siyang hanapin, kuya?” Agad na kumunot ang noo nito habang tinitingnan ang litrato ni Claire. “You know this woman?” Marahan siyang tumango. “Why? I mean, why do you want me to find this woman too?” Siya naman ang napakunot ang noo. “Too? Ibig sabihin may iba pang nagpapahanap kay Claire rito? Kuya Chance just tilted his head. “Just tell me, Katharina.” Madiin nitong sabi sa kaniya. Nakagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi. Hindi kasi nito alam ang tungkol sa anak niyang si Aurora. But she guessed, she needs to tell him about her daughter. “Dahil kailangan siya ni Aurora, kuya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD