“AND WHO IS AURORA?” tanong ng kuya Chance niya. He’s now on serious mode that made her even more nervous. “I am asking you, Katharina Saavedra Herrera.” kuya Chance said with her full name, nang hindi kaagad siya nakapagsalita sa sobrang kaba.
Bahagya siyang napaigtad sa kaniyang kinauupuan. Her hands were a bit shaking too, kaya pinagsalikop niya iyon at inipit sa kaniyang mga hita.
“A-Ano kasi kuya…” napangiwi siya nang mariin siya nitong tiningnan at hindi mapakaling napakamot siya sa kaniyang kanang kilay.
“May hindi ka ba sinasabi sa amin, Katharina?” kuya asked her again, suspectedly.
Kinakabahang nakagat niya ang pang-ibabang labi. Sigurado kasi siya na kapag nalaman nito ang tungkol kay Aurora ay magagalit ito sa kaniya.
Kuya Chance is her closest cousin in her mother side. Masyado itong protective sa kaniya at ito rin ang tumulong sa kaniya para hindi siya matunton ng mga magulang niya.
“Aurora is my daughter, there I said it.” she said, nervously.
“What? Kaya ka ba umalis sa mansion three years ago?” Mabilis naman siyang umiling-iling. “Then, what? Paanong nabuntis ka nang---”
“Kuya, let me explain, okay?” putol niya sa mga sinasabi nito. Tumahimik naman ito. “Aurora is my daughter in papers, ako ang kaniyang ina sa birth certificate niya at mahal na mahal ko siya kuya at ayaw kong mawala siya sa akin.”
“What do you mean? Binabawi na ba siya ng totoo niyang parents?” tanong nito. Agad naman siyang umiling ulit.
“No, but Aurora has an Acute Lymphoblastic Leukemia at kailangan niya ang kaniyang biological mother para sa kaniyang bone marrow transplant.”
“And this woman in the picture is her biological mother?” tanong nito ulit. Kagat ang kaniyang pang-ibabang labi na tumango-tango siya.
“Oo, kuya. Kaya sana mahanap mo siya kaagad.”
"Kath, sigurado ka ba? Baka sinasabi mo lang ito sa akin dahil ayaw mong magalit ako, sa'yo?"
"I am telling you the truth, kuya. Si Claire Crisostomo ang totoong ina ng bata---"
"Wait, Claire Crisostomo?" kunot na kunot na ang noo nito, tila ba may mali sa pangalang sinabi niya.
"Yes, kuya. Nang magkakakilala kami ay Claire Crisostomo ang ibinigay niyang pangalan sa akin." aniya rito.
Tumango lang ito at hindi na nagsalita pa at tila may malalim na iniisip.
"Why kuya? Is there any problem?" tanong niya, nagtataka sa ikinikilos ng pinsan niya. Para bang kilala nito ang babae at hindi---no imposible yatang magkakakilala ito at si Claire.
"Nothing. Okay, I'll let you know when I find this woman."
Tumango-tango naman siya, pagkuwan ay nagpaalam na siya sa mga ito dahil kailangan niyang makabalik kaagad sa hospital bago pa man dumilim.
“Ayaw mo bang dito muna tayo maghapunan.” Nakasimangot na sabi ni Erina sa kaniya habang sinasamahan siya nitong mag-abang ng taxi sa labas ng gate.
“Pasensya ka na, Erina pero hindi talaga puwede. Kailangan ko ng makabalik kaagad sa Maynila. Promise next time ay magtatagal na ako rito.” aniya. Pero umirap lang ito sa kaniya.
“Oh, siya! May magagawa pa ba ako.” anito at mabilis siyang niyakap ng mahigpit. “Basta pagbalik mo ikuwento mo sa akin kung paanong may baby Aurora ka na, okay?”
Nangingiting tumango-tango naman siya. “Oo naman.”
Nang may dumaang taxi ay kaagad niya iyong pinara at sumakay kaagad.
Pagdating niya sa hospital ay kaagad siyang dumeretso sa silid ng kaniyang anak. Naabutan niya si nurse Serenna na pinapalitan ang dextrose ng anak niya.
“Hi, Miss Kath.”
“Hello. Uhm, puwede bang Katharina na lang?” aniya at inilapag na muna niya ang bag niya sa silya malapit sa bed bago siya naupo.
“Sige, pero dapat ay gano’n ka rin sa akin. Serenna na lang din ang itawag mo sa akin.” sabi nito kaya natawa na lang siya ng mahina at tumango.
Nagkukuwentuhan pa sila nito bago ito nagpaalam na lalabas na. Pero bago pa man ito nakalabas nang pumasok ang doctor ng anak niya.
“Good thing that you’re here, Miss Herrera dahil gusto kitang makausap personally.” ani Dra. Velasco, isang hematologist-oncologist na tumitingin sa anak niya. Napalunok siya at kinakabahang tumango.
“Nurse Alegre, can I have the child’s health record today?” baling nito sa nurse.
“Yes, doc.” sagot naman kaagad ni Serenna at mabilis na ibinigay ang health record ng kaniyang anak. “Anyway, nurse Alegre, after this ay uuwi ka na, hindi ba?”
“Yes doc. Why?”
“Puwede mo bang bantayan mo muna ang pasyente? Kakausapin ko lang si Miss Herrera.”
“Sure doc.”
“Okay. Let’s go in my office, Miss Herrera.” sabi sa kaniya ni Dra. Velasco at nagpatiuna nang lumabas ng silid. Tahimik naman na sumunod siya kay Dra. Velasco at habang naglalakad papunta sa opisina nito ay kinakabahan at natatakot siya sa maaaring sasabihin ng doktora sa kaniya.
“Have a seat, Miss Herrera.” sabi kaagad ni Dra. Velasco pagkapasok nila sa opisina nito. Tumango lang siya at mabilis na naupo sa may visitor’s chair. Ito naman ay kaagad na pumunta sa likod ng desk nito at naupo sa swivel chair nito.
“Doktora, bakit niyo po ako gustong makausap?” hindi na niya napigilang tanong kaagad dito.
“Miss Herrera, you know already the health status of your daughter, right?” panimula nito. Tumango naman kaagad siya. “And I already told you, na ang chemotherapy ay hindi hundred percent na gagaling ang anak mo…”
“Pero may dalawang sessions pa naman na natitira, hindi po ba?”
“Yes, but the thing is we can’t see any improvements of your child’s health. Hindi nagre-response ang medication na ginagawa namin sa kaniya. Araw-araw ay mas lalo lang nadagdagan ang cancer cells sa katawan niya.”
Napasinghap siya at kaagad tinakpan ng mga kamay niya ang bibig para mapigilan ang maiyak pero sunud-sunod naman na tumulo ang mga luha niya.
“That’s why, I suggest for bone marrow transplant. Sinabi ko na ito sa’yo noon, hindi ba?”
“Doc,” mariin siyang napapikit at ikinuyom ang mga kamay. “Kasi… Aurora is…” nang maramdaman niyang hinawakan ni Dra. Velasco ang kamay niyang nakapatong sa desk nito ay agad siyang nagmulat ng mga mata.
“Go on, hija. Kailangan nating magtulungan para sa kapakanan ng anak mo.”
Kagat ang pag-ibabang labing tumango-tango siya. “I am not her biological mother, doc.” Pag-amin niya.
“Oh!” nasambit nito. Nakita niya sa mukha nito ang pagkadismaya. Siya rin naman. Kung siya lang ang biological mother ni Aurora ay noon pa niya pina-operahan ang anak niya. “Then, you need to find her biological parents. Find her parents before it’s too late, Miss Herrera.”
Nasa may garden na siya sa labas ng hospital. Gusto lang niya munang makalanghap ng hangin dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang utak at puso niya.
Parang sirang tape na paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang sinabi ni Dra. Velasco sa kaniya. Sana mahanap kaagad ni kuya Chance si Claire.
Nakilala lang niya si Claire nang mapunta siya rito sa Maynila nang umalis siya sa mansion ng poster parents niya dahil gusto siyang ipakasal ng mga ito sa lalaking hindi naman niya kilala. Ito kasi ang napagtanungan niya kung may alam ba itong apartment na puwedeng rentahan.
At sakto namang naghahanap ito ng kahati sa apartment na nirerentahan nito kaya inaya siya nito. Nagustuhan din naman niya ang apartment dahil dalawa ang kuwarto at kahit maliit lang ang kusina, taliwas sa nakasanayan niya ay malinis naman. Mabait din naman si Claire kaya tinanggap niya at naging matalik niya itong kaibigan.
Pero isang araw ay umuwi itong luhaan. Hindi na rin ito lumalabas ng apartment kahit na anong pilit niya. Hanggang sa nalaman niyang buntis ito at nag-drop na ito sa school kung saan ito nag-aaral.
Ayaw nito sa bata at gusto nito iyong ipalaglag pero pinilit niya itong ituloy ang pagbubuntis sa pangakong siya ang aako sa bata paglabas. Akala niya magbago ang isip nito kapag lumabas na ang bata sa sinapupunan nito pero hindi at walang paalam na iniwan na lang nito ang bata sa kaniya.
Nabalik lang siya sa kasalukuyan nang mag-ring ang phone niya. Agad naman niya iyong kinuha mula sa bulsa ng jeans na suot niya.
“Hello,” sagot niya nang hindi na niya tinitingnan kung sino ang tumawag.
“Where the hell are you?”
Agad lumukso ang puso niya sa kaba nang marinig niya ang galit na boses ng kaniyang boss sa kabilang linya.
“B-Boss Zach, uh nasa bahay po ng mga magulang ko. Pero promise ko sa’yo, boss, bukas ng maaga ay nariyan na po ako sa penthouse niyo.” Tuloy-tuloy niyang sabi para hindi na ito makapagsalita pa.
“Fine.” sabi nito pagkatapos pinatay na nito ang linya.
“Fine?” hindi makapaniwalang sambit niya. Matagal din na nakatulala lang siya habang iniisip ang sagot ng boss niya. Pero kalaunan ay napangiti na lang siya at napahawak pa siya sa tapat ng dibdib niya.
Hindi siya makapaniwalang pumayag ito dahil malinaw pa naman sa utak niya ang sinabi nito noong nasa restaurant sila. Nawalan pa nga ito ng ganang kumain at halos buong araw siyang pinahirapan nito sa pagtatrabaho.
Tsk, that heartless devil in suit, mukhang unti-unti ng lumalambot.
Naiiling na bumalik siya sa loob ng hospital at natulog na may ngiti sa kaniyang mga labi. Sa simpleng fine na iyon ay medyo gumaan ang nararamdaman niya. Sa simpleng fine na iyon ay nakakita siya ng pag-asa na kaya niyang iligtas ang anak niya.
Posible pala ang ganoong pakiramdam.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Tulog pa ang anak niya kaya ibinilin na lang muna niya ito kay nurse Arrah at umalis na siya kaagad.
“Good morning, Manong Pilo.” Masiglang bati niya sa matanda nang pagbuksan siya nito sa may gate.
“Magandang umaga rin sa’yo, hija.” bati naman nito sa kaniya pabalik.
“Uh, si boss Zach po?” tanong niya nang makapasok na siya sa loob ng penthouse.
“Nasa mansion ng mga magulang niya. Tumawag kasi kahapon ang Mommy niya at inayang mag-dinner ang mga ito sa mansion.”
Napatango-tango naman siya. “Kaya pala…” mahinang sambit niya.
“Ano iyon, hija?”
“Naku, wala po, Manong. Ah, sige po aakyat na po muna ako.” aniya at mabilis na umakyat na sa itaas.
Nang magtanghalian ay tumawag siya kay nurse Arrah para kamustahin ang anak niya. Saktong gising pa ito kaya nakausap niya ito sandali.
Alas tres ng hapon ay napagpasyahan niyang linisin ang buong penthouse. Hindi naman masyadong makalat kaya hindi rin siya nagtatagal sa paglilinis hanggang sa ang kuwarto na lang ni boss Zach ang hindi pa niya nalilinis.
Nasa may harap na siya ng pinto ng kuwarto nito nang mag-aalinlangan siyang pumasok. Baka magalit ito na pumasok siya roon nang walang pahintulot nito pero nang maalala niya ang isa pang rason niya kung bakit pumayag siya sa ganitong set-up nila ay isinantabi na muna niya ang takot niya.
Pagkapasok niya ay namangha siya sa buong silid, pinaghalong gray at white ang motif ng buong silid. May king size bed na nasa gitna at ang kubre kama nito ay gray. Akala niya sobrang kalat sa loob pero kabaliktaran naman pala.
Napakalinis ng buong silid nito. Well, halata naman dahil kahit sa opisina nito ay napakasinop nito, wala kang makikitang kalat sa loob at napaka-organize pa nito sa lahat ng gamit.
Naagaw ang pansin niya sa isang litrato na nakapatong sa may nightstand sa gilid ng kama. Si boss Zach iyon na may kasamang babae at isang batang lalaki.
"Siya ba si Claire Montecalvo?" mahina niyang usal at nang mapatingin siya sa batang kasama ng mga ito sa litrato ay tila nadurog ang puso niya sa isiping may anak na ang dalawa.
Kaya ba hanggang ngayon ay hindi pa rin nito makalimutan ang babae?