Chapter 7

2195 Words
TULALA si Katharina habang nakaupo siya sa may couch rito sa malawak na living room. Ang isip niya ay nasa litratong naka-display sa loob ng kuwarto ng kaniyang boss. Napakaamo ng mukha nang babae, napakagwapo rin ng batang kasama ng mga ito sa litrato at nakasisiguro siyang anak ng dalawa ang bata dahil kamukhang-kamukha ito ni boss Zach. Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang biglang sumikip iyon. Ipinikit niya ang mga mata para pakalmahin ang sarili. Kahit gaano niya pa pigilan ang sarili na ‘wag mahalin ang lalaki dahil hindi pa ito tapos magmahal ng ibang babae pero wala, tinatalo pa rin siya ng kahibangan niya. At ang pinakamasakit ay sa bawat gabing ginagamit ni boss Zach ang katawan niya ay may kabayaran iyon at kulang pa iyon para sa operasyon ng anak niya kaya kailangan niya munang magtiis. Napakurap siya at kaagad napatingin sa may pintuan nang tumunog ang doorbell sa may gate. Wala si Manong Pilo dahil nagpaalam ito sa kaniya kanina na uuwi na muna raw ito sa pamilya nito at bukas pa ng umaga ang balik nito. Tumayo siya at agad na lumabas ng penthouse para pagbuksan ang taong nasa labas. Pagkabukas niya sa pantaong gate ay agad bumungad sa kaniya ang isang lalaking nakasuot ng itim na leather jacket. Hindi naman ito mukhang nakakatakot dahil sa totoo lang ay guwapo ito, matipuno ang katawan dahil sa hinayaan lang nitong nakabukas ang zipper ng leather jacket nito at hapit sa katawan nito ang kulay gray na V-neck tshirt na naka-tucked in sa suot nitong jeans. He looks like a playboy with a rock star outfit. Wala nga lang itong gold or silver chain na nakasabit sa leeg nito. “So, did I pass?” tanong nito sa kaniya kaya agad siyang napakurap at nag-iinit ang pisnging ibinalik niya ang tingin sa mukha ng lalaki. There’s a mischievous smirked form on his thin lips. Mahina pa siyang napasinghap nang magtama ang mga mata nila ng lalaki at kagaya ng kay boss Zach ay kulay grey rin ang mga mata ng lalaki. Napatikhim siya. "Sino po sila?" tanong niya at sinadya pa niyang pakunutin ang kaniyang noo para pagtakpan ang kahihiyang ginawa niya sa lalaki kanina. "You must be Katharina Herrera,” anito sa halip na sagutin ang tanong niya. “You know me?” gulat na tanong niya sa lalaki. The man smirked. “Of course, you’re my cousin’s secretary, right?” She blinked her eyes several times. Bahagya pang umawang ang bibig niya. That explain why his eyes were like boss Zach eyes. Trademark na kasi iyon ng mga De Sandiego. Sa ilang mga pinsan ng boss niya na nakilala na niya, lahat sila ay kulay gray ang mga mata. Isang Irish kasi ang lolo ng mga ito na nakapangasawa ng half Pilipina-half Finnish. “Uh… y-yes---” hindi na niya natapos ang sasabihin nang makita niya ang sasakyan ng boss niya na huminto sa tabi ng isang kulay puting sasakyan. Sasakyan yata nitong lalaking kaharap niya. "Zephieru? What are you doing here?" kunot ang noong tanong ni boss Zach sa lalaki. Bumukas ang pinto ng sasakyan nito at lumabas ito mula roon at naglakad palapit sa kanila. Boss Zach was wearing his usual outfit. A gray fitted button-down long sleeve and was folded up to his elbow. It was tucked with a pair of black jeans. “Hey, brute,” sabi noong Zephieru kay boss Zach at nagbigay pa ng manly hug ang lalaki sa boss niya. “Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ko ba nasabing nag-leave ako sa trabaho at dumito muna sa penthouse mo?” sabi pa ng lalaki at natatawang tinapik pa nito sa balikat si boss Zach. “Uh, yeah.” ani ni boss Zach, at napakamot pa sa batok nito at bahagyang ngumiti na ikinamangha niya. Seeing him smile a bit, that was priceless for her. “Anyway, let’s go in---” pero agad itong natigilan nang mag-angat ito ng tingin at nakita siyang naroon din. Napatingin na rin ulit sa gawi niya si Sir Zephieru. “Oh, is she your girlfriend, brute?” nakangising tanong pa nito kay boss Zach. Natigilan siya at agad kinabahan sa maaring isagot ng boss niya sa pinsan nito. “Of course not, she’s Katharina Herrera, my secretary.” Mabilis na kaagad na tanggi ni boss Zach. “Oh, I thought she’s your girlfriend or live in partner perhaps, ngayon lang kasi---” “Stop it, brute. Miss Herrera is just my secretary. She’s here because I was asking here to buy my weekly supplies.” sabi ni boss Zach sa pinsan nito. “Right, Miss Herera?” baling nito sa kaniya kaya agad siyang nataranta. "Yes, boss.” sagot kaagad niya. Nagpasalamat pa siya at hindi pumiyok ang boses niya dahil sa pagkakataranta niya at pagpipigil ng sakit na nararamdaman niya. Pero mas mabuti naman iyong secretary ang pagpapakilala sa kaniya ng boss niya kaysa ipakilala siya nitong f**k buddy nito. Sobrang nakakahiya at nakakainsulto iyon. “Oh, hi Miss Katharina, I’m Zephieru De Sandiego, but you can call me Zephier.” Nakangising pagpapakilala ng lalaki sa kaniya. “And as I was saying a while ago, I’m Zach’s cousin from his father side.” dugtong nito at naglahad pa ng kamay sa harap niya. Napatingin pa siya kay boss Zach, pero walang emosyon lang ang mukha nito lalo na ang mga mata nitong nakatingin sa kanila ng pinsan nito. Tila wala naman itong pakialam kung makikipagkilala siya sa pinsan nito. “It’s nice meeting you, Sir---” “No, I am not your boss, so just call me Zephier, milady.” putol nito sa kaniya at mabilis na inabot ang kamay niya. Akala niya ay makipag-shake hands lang ang lalaki pero nagulat siya nang dalhin nito ang kamay niya sa mga labi nito at hinalikan iyon. “Let’s go in, Zephieru.” Malamig na sabi ni boss Zach, pagkuwan ay tumalikod na at naglakad pabalik sa sasakyan nito at sumakay kaagad ito roon. Nakita niyang ngumisi si Zephieru sa kaniya. Magsasalita pa sana ito nang bumusina ang sasakyan ni boss Zach na ikinaigtad pa niya. Zephieru chuckled. “Someone’s jealous, huh.” anito at umiling-iling at naglakad na rin papunta sa sasakyan nito. Kinakabahang mabilis naman siyang pumasok pabalik sa loob at isinara niya ang gate. Nakita niyang unti-unting bumukas ang malaking gate at unang pumasok ang sasakyan ni boss Zach, kasunod naman ang sasakyan ng pinsan nitong si Zephieru. Nanatiling nakatayo lang siya malapit sa may gate. Hindi naman kasi niya alam kung papasok pa ba siya ulit sa loob ng penthouse o uuwi na lang muna siya sa kaniyang apartment. Napaigtad pa siya nang mag-vibrate ang phone niya. Kaagad naman niya iyong kinuha sa bulsa sa likurang bahagi ng suot niyang pantalon at tiningnan kung sino ang nag-text sa kaniya. He’s staying in my penthouse for several days, so go home to your apartment for now. It was her boss text message. Agad naman siyang nagtipa ng reply. Okay, boss, but my belongings are still inside. She typed, then hit the sent button. Just leave it there. Go! Napangiwi siya sa naging reply nito. Kung makataboy ito sa kaniya ay para siyang aso nito na nakagawa ng hindi maganda at ayaw na muna siya nitong makita. “Milady, why are you still doing there?” tanong sa kaniya ni Zephier. Nakababa na pala ito ng sasakyan at naglakad na palapit sa kaniya. “She’s going home, Zephieru.” Sabat ni boss Zach na bumaba na rin sa sasakyan nito. Nakapamulsang nakatayo lang ito malapit sa sasakyan nito at tiningnan lang siya nang walang emosyon. “Oh, I thought she’s leaving here in your penthouse.” sabi ni Zephier. Seryoso ang mukha nito kaya hindi niya alam kung nagbibiro lang ba ang lalaki o ano. “Zephieru, I told you, Miss Herera is just my secretary. Nothing more, nothing less.” Mariing sabi ni boss Zach, napipikon na yata. Malakas na natawa naman si Zephieru. “Hey, brute relax. I was just kidding, okay? You’re too defensive, tsk.” ani ng lalaki at iiling-iling na lumapit ito sa kaniya at huminto ng may ilang dangkal na distansiya mula sa kaniya. Nakita niya ang makahulugang ngisi ng lalaki habang tinititigan siya. Napalunok siya at mabilis na nag-iwas ng tingin sa lalaki. This man is really something. Kanina pa niya nahahalatang kahit may ngising nakapaskil sa labi nito pero lahat ng mga sinasabi nito ay tila may alam ito sa kanila ni boss Zach. Pakiramdam niya may alam ang lalaki sa kung anong meron sila ni boss Zach maliban sa boss-employee relationship nila ni boss Zach. “You’re going home?” tanong ng lalaki sa kaniya. Agad naman siyang napatingin dito, pagkuwan ay agad din na tumango. “Ihahatid na kita.” Napangiwi siya. “Naku, Sir. Hindi na po. Magta-taxi na lang po ako.” Mabilis niyang tanggi lalo pa at kahit hindi niya tingnan si boss Zach ay alam niyang galit na ito sa kaniya. “I am a disciple of the law, so don’t worry I’m harmless.” giit pa nito. “Let her be, Zephieru. She used to be here, so she can handle herself.” Napakurap siya at mabilis na napunta ang paningin niya kay boss Zach nang magsalita ito. Hindi na maipinta ang mukha nito habang nanatili pa ring nakatayo sa kung saan ito kanina pa. “Yes, Sir. Tama si boss Zach kaya aalis na po ako.” aniya at mabilis ng tumalikod at lumabas ng gate. Mabuti na lang at may dumaan kaagad na taxi at walang pasahero kaya nakasakay siya kaagad. Hawak ang tapat ng dibdib niya ay napapikit siya at nahahapong isinandal niya ang likod sa sandalan ng upuan sa taxing sinakyan. “Saan po ba tayo, Ma’am?” tanong sa kaniya ng taxi driver. “Sa Maynila Medical Center po tayo, kuya.” sagot niya kaagad sa taxi driver. Doon na lang muna siya magpapalipas ng gabi para makasama niya ang anak. Lunes na naman kasi bukas at alam niyang ilang araw na naman niyang hindi makasama at mabantayan ang anak niya. Madaling araw ay umuwi siya sa apartment niya para magbihis. Mabuti na lang at hindi niya dinala lahat ng damit pang-opisina niya sa penthouse ng boss niya. Naligo muna siya bago nagbihis. Sa may karenderya na lang siya ni Aling Ibing kakain dahil wala siyang malulutong pagkain sa fridge niya. “Magandang umaga, may luto na po ba kayong ulam at kanin?” tanong niya sa babaeng nakatalikod sa kaniya at busy sa pagpupunas ng mesa. Mabilis naman itong humarap sa kaniya. Ngingitian na sana niya ito nang hagurin siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik. Kita niya sa magandang mukha ng babae ang pagkamangha. “B-Bakit po?” nauutal niyang tanong dahil naiilang siya sa klase ng tingin na ibinibigay sa kaniya ng babae. Mukhang bago lang yata rito ang babae dahil ngayon lang niya ito nakita. “Nagtatrabaho ka sa malaking kumpanya?” tanong nito, kita niya ang kislap sa mga mata nito. Napatango naman siya. “Talaga? Kung gano’n kilala mo ang De Sandiego Aviation Services?” Nangingiting tumango siya ulit. Kilala niya ang kumpanyang iyon dahil pinsan ng boss Zach niya ang may-ari n'yon. “Oh my God! Ikaw na ang pag-asa kong makapasok doon.” sigaw nito kaya agad napalabas si Aling Ibing mula sa kusina ng karenderya nito. “Ano bang ingay iyan, Tintin---oh, Rina, nandito ka pala.” Ang galit na boses ni Aling Ibing dahil yata sa pagsigaw ng babae ay napalitan ng hinahon nang makita siya nito at ngumiti pa ito sa kaniya. Nakita naman niyang napangiwi ang babaeng tinawag ni Aling Ibing na Tintin. "Ah, Tintin, asikasuhin mo muna ang kusina. Ikaw na babae ka, sa halip na asikasuhin mo itong costumer natin ay dinaldal---” “Sandali lang po, Aling Ibing. Alam kasi niya---” “Itigil mo na ang ambisyon mong iyan, high school graduate ka lang kaya hindi ka makakapasok sa ganoon kalaki at prestiheyosong kumpanya.” Sermon ni Aling Ibing sa babae. “Hala! Pasok na sa kusina.” Taboy nito sa babae. Nakita naman niyang sumimangot ang babae at palihim na inirapan ang matanda bago pumasok sa loob ng kusina. Sinundan pa niya ng tingin ang babae. “Bago niyo pong serbedora, Aling Ibing?” tanong niya. “Ay, oo pero napaka-ambisyosa. Pangarapin ba namang magtrabaho roon sa De Sandiego Aviation Services. Eh, high school lang naman ang natapos.” Pagtatalak ni Aling Ibing. “Malay mo naman, Aling Ibing.” aniya na lang sa matanda. Pero umismid lang ito at umiling-iling. “Naku, ‘wag nan ga nating pag-usapan ang ambiyosang iyon. Ano ba ang order mo? Teka, bakit ka nga pala ngayon lang napunta ulit dito? May nangyari ba sa anak mo?” sunud-sunod na tanong nito sa kaniya. “Naku, wala naman po, Aling Ibing. Busy lang po ako sa trabaho at sa pagbabantay sa anak ko sa hospital.” “May anak ka na?” tanong ng isang baritonong boses na ikinatigil niya at bigla ay nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD