“Sir Zephieru?” gulat na sambit ni Katharina.
The man was wearing a white round neck t-shirt and a black leather jacket again. Unlike yesterday, naka-cargo shorts lang ito ngayon at converse shoes. His hair is in messy look, napara bang pagka-bangon nito mula sa higaan ay dumeretso na ito kaagad dito.
Speaking off. Ano ba’ng ginagawa ng lalaki rito sa lugar nila?
“Hi, so you’re off to work?” tanong nito na pinasadahan pa ang suot niyang office attire.
“Anong ginagawa niyo rito, Sir?” balik-tanong niya sa lalaki.
Hindi naman siguro siya ang pinuntahan ng lalaking ito rito. Napakaimposible n'yon dahil kahapon lang sila nagkakakilala.
“Oh, please! Have I told you yesterday that I am not your boss?” sabi nito na ikinangiwi niya.
“Kaibigan mo, Rina?” sabat na tanong ni Aling Ibing sa kaniya na naroon pa pala at nakatitig pa rin sa lalaki.
Tila manghang-mangha sa hitsura ni Sir Zephieru. Well, hindi naman niya masisisi ito dahil bihira lang ang ganitong hitsura sa kanilang lugar.
Guwapo naman talaga ang lalaki at may lahi pa. Pasalamat lang ang lalaking ito at napakaaga pa kaya wala pang masyadong costumer sa karenderya, kung hindi ay baka kanina pa ito pinagkukumpulan ng mga babae.
“Yes.”
“Hindi.” Sabay nilang sagot ni Sir Zephieru.
Nakita naman niyang kumunot ang noo ni Aling Ibing habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Zephieru.
“Ah, kakilala ko lang sa kaniya kahapon, Aling Ibing. Pinsan siya ng boss ko.”
“Pero tinuturing ko na siyang kaibigan, Aling Ibing, right?” sabi ni Sir Zephieru.
Nakita naman niya kung paano namula ang mukha ni Aling Ibing.
“Oo, hijo. Ako si Ibing, may-ari ako nitong maliit pero napakasarap naman na mga luto nitong karenderya.” Mahinhing sabi ni Aling Ibing.
Kulang na lang ay mamilipit ito sa sobrang kilig. Na para bang nakakita ito ng artista.
“It’s nice meeting you, Aling Ibing. I'm Zephieru De Sandiego.” Pagpapakilala ng lalaki kay Aling Ibing at naglahad pa ng kamay na mabilis namang tinanggap ng ginang.
“Nays meting yu rin, hijo.” Ngiting-ngiting sabi ni Aling Ibing na pinilit pa nitong gayahin kung paano magsalita ang lalaki.
Lihim pa siyang napangiti nang halos ayaw nang bitawan nito ang kamay ni Sir Zephieru.
Nakita naman niyang pinandilatan siya ng mga mata ng lalaki.
“Uh, Aling Ibing pakibalot na lang ng mga order ko. Kailangan ko na rin kasing umalis,” aniya sa ginang.
Mabuti naman at mabilis itong tumango at binitawan na ang lalaki at agad na tinawag si Kristina para ilabas ang kaniyang order na ulam at kanin.
“So, you leave this place?” tanong ni Sir Zephieru sa kaniya, nang sila na lang dalawa ang nakatayo roon kaya napatingin siya ulit dito.
“Not exactly here. Nasa unahan pa ang apartment na tinutuluyan ko,” aniya sa lalaki at naglakad palapit sa may bakanteng table at naghila ng isang upuan at naupo.
Medyo nangangalay na kasi ang binti niya dahil kanina pa siya nakatayo habang kausap si Aling Ibing.
Sumunod ito sa kaniya at naupo na rin sa katapat niyang upuan.
“Masarap ba talaga ang ulam nila rito?” tanong pa nito habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng karenderya.
Hindi maliit, hindi rin malaki ang karenderya ni Aling Ibing. Katamtaman lang at medyo siksikan din ang upuan at lamesa. Pero open space naman. Marami-rami rin ang kumakain lalo na at malapit lang ito sa DS Mall, isa sa pinakamalaking mall rito sa lugar na pag-aari ng mga De Sandiego.
"Oo, naman. Madalas na rito Ako bumibili kapag wala na Akong time na magluto."
Tumango-tango naman ito.
“Ano nga pa lang ginagawa niyo rito?” tanong niya.
Napatikhim pa siya nang makitang seryoso na ang mukha ng lalaki. Gone the playful smile, na kanina pa nakapaskil sa mga labi nito.
“So, you have a child?” tanong nito sa kaniya sa halip na sagutin nito ang tanong niya. The nervousness she felt earlier came back, but she never averted her gaze. She even equaled the stares that he’s giving to her.
She chuckled, then shook her head a bit.
“Nauna akong nagtanong sa ’yo at hindi mo ako sinasagot kaya pasensya ka na at hindi rin kita masasagot d’yan sa tanong mo na iyan. Excuse me,” aniya at kaagad ng tumayo nang makita niya si Kristina na lumabas mula kusina at dala ang nakabalot na sa plastic niyang order.
Mabilis niya itong sinalubong at kaagad kinuha niya mula rito ang order niya.
“Salamat,” aniya sa babae at mabilis na naglakad palabas ng karenderya ni Aling Ibing.
Patawid na sana siya sa kabila para pumara ng traysikel nang may humawak sa braso niya kaya kinakabahang agad siyang pumiksi. Binitawan din naman siya ng taong gumawa niyon. Pero nang makitang si Sir Zephieru lang pala ay inirapan na lang niya ito.
Hinabol siya nito. Ano ba'ng pakay nito sa kaniya?
“Ihahatid na kita," offer pa nito.
“Salamat pero hindi na,” aniya.
“I insist.” giit nito.
She groaned in frustration. “What do you really need from me, huh?" mariing sikmat niya sa lalaki.
"I know that you and my cousin, Zach, are living in together in his penthouse." Zephieru said, it was a statement rather than a question.
Hindi siya nakapagsalita at kaagad na binundol ng sobrang kaba sa dibdib niya.
“A-Ano ba iyang sinasabi mo, kilabutan ka nga.” sikmat niya sa lalaki. Pumiyok pa ang boses niya.
Mabilis din niya itong iniwan at tumawid siya papunta sa kabilang daan. Pero sumunod pa rin ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso bago pa man siya makalayo rito.
“I'm not against you, Miss Herrera, but I know my cousin very well. He's not capable of loving anyone else." Straight forward nitong sabi sa kaniya.
Natigilan siya at nahinto sa paglalakad, gano’n din ito.
Alam naman niya iyon dahil nilinaw iyon ni boss Zach sa kaniya bago pa man sila nagsamang dalawa, pero parang sinampal pa rin siya sa mga sinabi nitong mapangahas na lalaking kausap niya.
Pero gano'n pala iyon, ano? Mas masakit kapag ibang tao na ang magsasabi niyon sa 'yo.
"A-Alam k-ko naman iyon..." nanginig pa ang mga labing sambit niya.
Bumagal ang paglakakad niya nang tuluyan ng makatawid sa kabilang daan.
"Then why you allowed yourself to be his w***e? Why you agreed to his proposal?"
Nangilid ang luha niya sa mga tanong nito. Ang sakit nitong magsalita.
Hindi naman niya kayang sagutin o pabulaanan iyon dahil iyon naman ang totoo. Pero nagmahal lang naman siya at may katapusan naman ang lahat ng kahibangan niyang ito kapag nabuo na niya ang perang kailangan niya para sa operasyon ng anak niya.
"Nandito ka lang ba para insultuhin ako?" tanong niya.
Nagpasalamat pa siya at hindi na pumiyok ang boses niya.
"Sorry for the word, Miss Herrera, but you look like a decent woman. So, I don't understand why you agreed with that set up."
Ang talas talaga ng dila ng lalaking ito. Well, hindi na iyon kataka-taka dahil bukod sa trademark ng mga De Sandiego ang iisang kulay ng mga mata nito ay kilala rin ang mga ito sa pagiging straightforward kung magsalita, napaka-heartless at hindi man lang iniisip kung ano ang mararamdaman ng taong kausap ng mga ito.
Kagaya ng lalaking minahal niya...
Matapang niyang hinarap ang lalaki at tinititigan ito sa mga mata.
"Tama ka, I let myself to be his w***e pero may dahilan ako kung bakit ako pumayag." Taas ang noong sabi niya sa lalaki at nakipagtitigan dito.
“What is it?"
Kumunot ang noo niya. "We're not close, para sabihin ko sa 'yo ang dahilan ko—"
"I can help you, just stay away from Zacharias," putol na naman nito sa sinasabi niya.
Mahina siyang natawa at napailing-iling. “Estranghero tayo sa isa’t isa pero gusto mo akong tulungan? Bakit hindi mo na lang deretsahang sabihin sa akin na kaya gusto mo akong palayuin sa pinsan mo dahil iniisip mong kagaya rin ako kay Claire.” Mahabang sabi niya. Medyo hiningal pa siya.
Dumilim ang hitsura nito at tumalim ang mga mata pagkabanggit niya sa pangalan ng babaeng nang-iwan sa pinsan nito.
“You know that b***h?” he coldly, asked.
Bahagya siyang napaatras sa galit na nakikita niya sa mga mata nito.
Sasagot na sana siya nang makarinig siya ng isang nakabibinging busina ng truck.
“f**k!” narinig niyang mura ni Zephieru at mabilis siya nitong hinatak patabi sa daan.
Damn! Muntik na siyang mahagip nang truck.
Nanghihina siya sa sobrang kaba. Bigla rin na nangilid ang mga luha niya sa kaniyang mga mata. Kung hindi naging mabilis ang kilos ni Zephieru ay baka nabangga na siya ng truck at siguro ay lasog-lasog na ang katawan niya ngayon.
“Are you okay?” May pag-aalala sa boses na tanong sa kaniya ng lalaki.
Biglang umahon ang inis sa dibdib niya. Kung hindi siya nito kinausap, hindi naman iyon mangyari na muntik na siyang madisgrasya.
“Get off me!” sigaw niya at malakas itong itinulak dahil yakap-yakap pa rin siya nito.
Mabilis naman siya nitong binitawan. Nakakamatay ang ipinupukol niyang tingin sa lalaki habang nagtaas-baba ang dibdib niya sa sobrang pagpipigil ng kaniyang inis dito.
“I’m sorry—”
“f**k off!” sigaw niya nang akmang lalapitan siya nito.
Natigil naman ito. Mabilis siyang tumalikod dito at kaagad sumakay sa isa sa mga traysikel na nakahelera roon.
Pagdating niya sa De Sandiego Hotel ay dumeretso kaagad siya sa 20th floor kung saan ang opisina ng boss niya. Inilapag lang niya ang kaniyang bag at akmang uupo na sana siya nang bumukas ang opisina ni Zach at lumabas doon ang lalaki.
“You’re late.” Malamig ang baritonong boses nito.
Napaawang ang bibig niya habang titig na titig sa bagong hitsura ng kaniyang boss.
Ang malagong buhok nito ay ngayon ay maikli na, pero sobrang bumagay naman ang bagong style ng gupit ng buhok nito. It was low fade haircut. Ang makapal nitong stubble sa chin ay nabawasan na, hindi na iyon gano’n ka kapal na bumagay talaga sa mukha ng lalaki.
Damn! He looks so hot! Amazingly hot!
“Close that sinful mouth of yours, Miss Herrera, if you don’t want me to f**k you right here, right now.” Bulong nito malapit sa may taenga niya.
Kaagad naman siyang natauhan at nanlalaki ang mga matang napaatras pa siya. Hiyang-hiya siya sa kaniyang sarili. Pero agad din siyang napasinghap nang tumama ang likod ng tuhod niya sa kaniyang upuan.
She heard her boss chuckle. “Coffee in five minutes, Miss Herrera,” sabi nito bago siya tinalikuran at pumasok ulit sa loob ng opisina nito.
Gamit ang naginginig niyang mga kamay ay natakpan niya ang sobrang nag-iinit niyang mukha at impit siyang napatili sa sobrang pagkapahiya.
Ughh! Katharina Saavedra Herrera! Bakit ba ang rupok mo pagdating sa lalaking iyon, ha? Nagpapadyak pa niyang kastigo sa kaniyang sarili.
Napaigtad siya at mabilis niyang inalis ang maga kamay na nakatakip sa mukha nang makarinig siya nang mahinang tawa.
Nang makita niya si Zephieru habang nakahalukipkip at mukhang kanina pa siya pinapanood ay mas lalong nag-init ang pisngi niya sa kahihiyan.
Pero inis pa rin siya sa lalaki dahil sa nangyari kanina kaya inirapan niya ito.
“You really love his new look, huh!” Zephieru said, then chuckled.
His eyes were twinkling in amusement. Kabaliktaran sa kung gaano ito kaseryoso kanina nang sabihin nitong lumayo siya kay Zach.
Ngunit gaano na ba ito katagal na pinapanood siya? s**t! Nakita kaya nito ang kahihiyang ginawa niya kanina sa harap ni boss Zach?
Ughh!
Hindi niya ito pinansin at mabilis na naglakad siya papuntang pantry para ipagtimpla ng kape ang kaniyang boss. Naiinis man siya kay Zephieru pero ipinagtimpla na rin iya ito.
Kahit naman kasi naiinis siya rito ay boss pa rin niya ito. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na magkakasosyo sa negosyo ang lahat ng magpipinsang De Sandiego. So, technically, Zephieru is still her boss.
Pagkapasok niya sa loob ng opisina ay mabilis lang niyang inilapag sa harap ng mga ito ang kape at kaagad din siyang lumabas ng opisina. Mahirap na at baka maalala ni Zephieru ang narinig nito sa kanila kanina ni Aling Ibing at sadyang tanungin na naman siya nito sa harap ni boss Zach.
Shit! Paano kung sabihin ng lalaking iyon kay boss Zach na may anak na siya? Paano niya ipapaliwanag iyon sa boss niya?