Chapter 9

1712 Words
PANAY ang tingin ni Katharina sa may pinto ng opisina ng kaniyang boss. Hinihintay niyang lumabas si Sir Zephieru para makausap niya ito tungkol sa nalaman nito sa pagkakaroon niya ng anak. Hindi naman sa natatakot siya na malaman ni boss Zach ang tungkol kay Aurora kaya lang---agad natigil ang pag-iisip niya nang makitang bumukas ang lift at lumabas ang lalaking hindi niya inaasahan na makikita niya rito sa De Sandiego Hotel at dito pa sa mismong floor kung saan okupado ng buong opisina ng boss niya. Wearing a white button-down long sleeve and was just folded up to his elbow, expensive wristwatch and with hair in an undercut style. “Kuya Chance…” her lips parted in surprise. Kinakabahan at mabilis din siyang napatayo mula sa kaniyang swivel chair. When her cousin smirked, she knew that he liked her stupid but cute reaction. Alam niyang gulat din ito dahil hindi rin naman nito alam na nagtatrabaho siya rito pero ang cool pa rin ng reaksyon nito. “You’re working here.” anito, hindi iyon tanong kundi isang pahayag. Napangiwi siya. “Kuya, sorry kung hindi ko nasabi sa’yo na dito ako nagtatrabaho.” Paghingi niya ng pasensya. Umiling ito pero seryoso pa rin ang mukha nito. “So, you’re Zach’s secretary?” tanong nito. Kagat ang ibabang labi na tumango siya. “Is he there in his office?” tanong nito ulit. “Oo, kuya pero may bisita siya,” aniya na ikinataas naman ng isang kilay nito. And the way he addressed her boss’s name, ay mukhang kilala nito ang boss niya. Nang mapatingin siya sa bitbit nitong long brown envelope ay tila agad nabuhay ang curiosity niya. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya ang trabaho ng pinsan niya. Chance Daire Saavedra owned a private detective agency. “A client?” tanong nito ulit. Umiling naman siya. Magsasalita pa sana ito nang bumukas ang pinto ng opisina ni boss Zach at lumabas doon si Sir Zephieru at ang boss niya. “Mate?” sabay na sambit pa nina kuya Chance at ni Sir Zephieru. Mukhang magkakakilala rin ang mga ito. Mabilis ang ginawang pag-iwas niya at bumalik na lang siya sa pagkakaupo at itinuon ang atensyon sa naiwan niyang trabaho. But in her peripheral vision, nakita niyang bumalik sa pagpasok sa opisina ang dalawang boss niya at kasama na si kuya Chance. Hindi tuloy siya makakapag-concentrate sa ginagawa dahil ang isip niya ay nasa boss niya at kay kuya Chance at kung ano ang pag-uusapan ng mga ito. Is it about Claire Montecalvo? Pinapahanap ba ni boss Zach ang babae? “You’re not doing it right, Miss Herrera.” Agad siyang napaigtad sa kaniyang kinauupuan nang marinig niya ang baritonong boses ni Sir Zephieru na nakatayo na pala sa may gilid niya at ang mga mata ay nasa screen ng personal computer niya. Napakurap siya at agad niyang pinasadahan ng tingin ang ginagawa niya. At gano’n na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita niyang napuno ng pangalang Claire Montecalvo ang word template na binuksan niya sa halip na reports ang naka-type roon. Shit! Nanginginig ang mga kamay na agad niya iyong binura. Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya sa kahihiyan. She heard the man tsked. Pero nagulat siya nang may inilapag itong calling card sa desk niya. “Call me if you’ll decide to leave him.” sabi lang nito, pagkuwan ay naglakad na paalis. Kumabog na naman sa kaba ang dibdib niya at sinundan na lang ng tingin ang lalaki hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa loob ng lift. Sino ka ba talaga Zephieru De Sandiego? Ano ba ang mga nalalaman nito at bakit gustung-gusto talaga nitong iiwan niya si boss Zach? Hindi naman nagtagal ay lumabas si kuya Chance sa opisina ni boss Zach. “Meet me at Evergreen café tonight. Let’s talk.” kuya Chance said, pagkatapos ay umalis din ito kaagad. Napalunok siya at lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman niya. Napaisip tuloy siya kung ano ang pag-uusapan nila ng pinsan. Tungkol ba sa kaibigan niyang si Claire? Nahanap na kaya nito ang babae? Nang tumunog ang intercom sa ibabaw ng desk niya ay agad niya iyong dinampot pero nang marinig niya ang boses ni boss Zach na pinapapasok siya sa loob ng opisina nito ay mas domoble pa ang kabang hindi na yata mawawala sa dibdib niya. King Zacharias De Sandiego can make her world turn upside down in just a split second. Iyong tipong kahit wala naman itong ginagawa na magpapakilig sa kaniya pero iyong puso niya ay parang hibang na tumatambol kahit boses lang ng lalaki ang naririnig niya. Kahit alam niyang ginagamit lang siya ng lalaki pero umaasa pa rin siya na balang araw ay siya na ang hahanap-hanapin nito. Napabuntonghininga siya at bahagya pa niyang ipinilig ang ulo para iwaksi ang nag-uumpisa na namang nag-uulap niyang utak sa kahibangan niya sa lalaki. Tumayo siya at kahit nanginginig ang kaniyang mga kamay ay nagawa pa rin niyang kumatok ng tatlong beses sa may pinto ng opisina nito bago niya pinihit ang seradura at binuksan iyon. Nakita naman kaagad niya ang lalaki na nakatayo paharap sa glass wall nitong opisina. Mula sa kaniyang kinaroroonan ay kitang-kita niya ang mga matatayog at naglalakihang building ng buong Maynila. Lakas loob na naglakad siya palapit dito, pero agad din siyang napahinto nang magsalita ito. “I need your resignation letter tomorrow first thing in the morning.” Malamig na sabi nito sa kaniya at nanatili pa rin itong nakatalikod sa kaniya. Napasinghap siya at agad nanlamig ang buong katawan niya na parang binuhusan siya nang nagyeyelong tubig. At tila gripo naman ang mga luha niya na agad bumuhos mula sa mga mata niya. But she quickly wiped the tears on her cheeks and inhaled sharply. “M-May nagawa ba akong mali?” nanginginig ang mga labing tanong niya sa lalaki. Nagsisikip ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob. Sa pagkakaalala niya ay wala naman siyang nagawang mali sa trabaho niya bilang secretary nito. Kahit kinakabahan siya sa presensya nito araw-araw dahil sa nararamdaman niya para rito ay nagagawa naman niya ng mabuti ang mga dapat niyang gawin. Kaya bakit gusto na siya nitong mag-resign? “I’ve realized that offering you to be my f**k buddy was a big mistake.” Malamig na sabi nito na mas lalong ikinasakit ng kalooban niya. Unti-unti itong humarap sa kaniya. Walang emosyon ang mukha nito at ang mga mata nito ay kasing lamig na naman ng yelo. Hindi niya kayang salubungin ang malamig nitong mga mata kaya siya na ang unang nag-iwas ng tingin dito. Sunud-sunod ang paglunok niya at sumasakit na rin ang lalamunan niya sa pagpipigil na hindi maiyak sa harap ng lalaki. Kunsabagay, that’ll be awkward, kung mananatili pa siya rito kung tatapusin na nito ang napagkasunduan nilang dalawa. With a heavy heart, she nodded her head at him. “Okay, Sir.” aniya at kaagad na tumalikod dito at lumabas ng opisina ng lalaki. Pagkalabas niya ay agad niyang tinungo ang kaniyang desk at mabilis niyang tinungo ang employee's lift. Mabuti na lang at walang gumamit niyon kaya nang bumukas ay mabilis siyang pumasok sa loob at doon na niya pinakawalan ang mga luha niya na kanina pa niya pilit na pinipigilan. Pagkalabas niya ng De Sandiego Hotel ay agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa kaniyang apartment at doon niya itinuloy ang pag-iyak. Kahit alam naman niyang matatapos talaga kung ano ang napagkasunduan nila pero hindi naman niya inakala na matatapos kaagad. Na magsasawa kaagad sa kaniya si boss Zach. Nasa ganoon siyang estado nang makatanggap siya ng tawag mula sa taga-hospital na isinugod ang anak niya sa PICU dahil tumaas ang lagnat nito at nahihirapan itong huminga. “Dra. Velasco, kumusta ang anak ko?” nanginginig ang mga labing tanong niya sa doktora pagkalabas nito sa loob ng PICU kung saan naroon ang anak niya. “I’m sorry but Aurora is now in coma.” Natutop niya ang bibig at sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya habang umiling-iling na nakatingin siya kay Dra. Velasco. God, no… “M-Magigising pa n-naman ang anak ko, hindi ba? Gigising ang anak ko, Dra. Velasco, ‘di ba?” umiiyak niyang tanong sa doktora. Nagmamakaawa na sabihin nitong oo, gigising anak niya. Pero isang malungkot na tingin muna ang isinukli nito sa kaniya bago ito nagsalita. “If she chooses to live then, she will, Miss Herrera. At kapag gigising siya ay mas mabuting ma-operahan kaagad siya para sa kaniyang bone marrow transplant.” “Y-Yes, doc,” aniya at sunud-sunod ang pagtango niya. “Okay, excuse na muna at may rounds pa ako sa iba kong mga pasyente.” Paalam nito sa kaniya. Suminghot siya at mabilis na lumapit sa may tapat ng pinto ng PICU. May maliit na glass window roon at doon niya sinilip ang anak. Kaagad nadurog ang puso niya nang makita niya ang anak na maraming tubo ang nakakabit sa katawan nito. Umalis kaagad siya sa pagkakasilip dahil hindi niya kayang makita ang kalagayan ng anak niya. Nanghihinang napasalampak na lang siya nang upo sa isa sa mga nakahelerang bleachers na naroon sa gilid ng Pediatric Intensive Care Unit ng hospital. At tulalang nakatingin lang siya sa kawalan. Ang isip ay napuno ng tanong kung bakit ganito ang naging paghihirap ng anak niya. Aurora's still a baby but why God allowed her to suffer like that? Bakit hindi na lang siya? Bakit hindi na lang iyong mga taong masasama at wala ng ginawang tama? Natauhan lang siya nang tumunog ang phone niya. Agad niya naman iyong kinuha sa loob ng kaniyang bag at tiningnan kung sino ang tumawag sa kaniya. Nang makitang si kuya Chance ay agad niya itong sinagot. “Where are you?” bungad na tanong kaagad nito sa kabilang linya, hindi pa man siya nakapagsalita. Saka lang niya naalala ang sinabi nitong makipagkita ito sa kaniya. Agad niyang tiningnan ang pambisig niyang relo at malakas na napasinghap nang makitang alas otso na pala ng gabi. “S-Sorry, kuya. May nangyari lang kaya nakalimutan ko ang---” “Nasa labas ako ng hospital.” Putol nito sa kaniya, pagkuwan ay agad na nitong pinutol ang linya. Nagmamadaling kaagad naman siyang lumabas ng hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD