“GAANO MO BA KAKILALA SI CLAIRE CRISOSTOMO?” tanong kaagad ng pinsan ni Katharina, pagkapasok pa lang niya sa sasakyan nito. She was stunned and could not speak immediately. "Katharina, I am asking you." untag nito sa kaniya na agad naman niyang ikinakurap. Tumikhim muna siya at umayos sa pagkakaupo bago ito hinarap. “Uhm...nahanap mo na ba siya, kuya? Nasaan siya? Nandito lang ba siya sa Maynila?” sunud-sunod na tanong niya at kinakabahan na rin sa magiging sagot sa kaniya ng pinsan. Even though she really wanted to find the woman, para kay Aurora pero natatakot din siya. Natatakot siya na baka kukunin ni Claire si Aurora. Na kapag makita nito ang bata ay magbago ang isip nito at kukunin na nito ang anak nito sa kaniya. “Ang tanong ko ang sagutin mo, Katharina. Gaano mo kakilala iyan

