Travis PANSIN at ramdam ko ang unti-unting pagbabago ng pakikitungo sa ‘kin ni Trevor sa mga sumunod na araw. Hinahayaan na niya akong lumabas at gawin ang gusto ko pero hindi niya pa rin ako pinapapasok sa trabaho. Masama man sa paningin ng iba ngunit ang unti-unti niyang pagbabago ang ginagawa kong paraan upang makatakas. Binibigyan niya man ako ng kalayaan ngunit hindi iyon sapat para sa akin. Gusto kong makawala sa seldang itinayo niya sa buhay ko. Gusto ko nang makawala sa kanya at magpakalayo-layo. “Wife…” baritonong boses na aniya. “Trevor…” Pilit na ngiti ang isinupil ko kahit na tumambad sa harapan ko ang isang bouquet ng bulaklak. “Ang aga mo ata ngayon. Wala ka na bang trabaho?” nag-aalangang tanong ko. He shrugged his shoulder. “I took a half day. Gusto kong bumawi sa as

